48. Cycles

985 27 8
                                    

Nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa'kin. Maganda yung kwarto. Kaso halatang kwarto ng babae. Pano, eh pink ang pintura ng dingding. Tapos naglipana ang mga stuffed toys sa paligid. Pati yung kama puno ng mga stuffed toys. Pero pagtagilid ko napansin kong may katabi pala ako!

Napabalikwas ako agad nang malaman kong babae ang katabi ko sa kama.

"Janus, ayos ka lang?" napabangon na rin si Natalie na mukhang nag-aalala sa akin. "Anong nangyari sa'yo?"

Namula naman ako. "Ah wala... Nagulat lang ako..."

"Na katabi mo'ko?" nakangising tanong ni Natalie. "Wag ka nang mailang Jan-Jan. Ginahasa na kita habang natutulog ka."

"WHAT?"

"Joke lang!" tawa ni Natalie. "Alam mo ang cute mo pag namumula ka..." Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari.

Tumayo ako at sumilip ako sa bintana. Mukhang tanghali na at ibig sabihin lang nun ay dito nga ako nagpalipas ng gabi. "Asan ako Natalie? At anong nangyari kagabi?" Wala kasi akong matandaan pagkatapos akong sugurin at suntukin ni Gian bastard.

"Nawalan ka ng malay nang suntukin ka ni Gian," sagot ni Natalie na halatang galit sa nangyari. "Alam mo bang binugbog ko kagabi ang tarantadong yun? Naku, kung hindi ko lang siya pinsan ay pinapulis ko na siya sa ginawa niya. Natakot talaga kami para sa'yo Janus. Mabuti na lang at naisugod ka namin agad nila Atlas sa clinic ni Mommy. Pero sabi naman ni Mommy, normal lang sa kondisyon mo ngayon yung nangyaring nag-pass out ka kaya dinala ka namin dito sa bahay para makapagpahinga ka muna. At kwarto ko pala to by the way."

"Kondisyon ko? Anong kondisyon ko?" tanong ko at sumeryoso bigla si Natalie.

"Janus mas maganda siguro kung si Mommy ang magsasabi niyan sa'yo. Actually pinadadaan ka niya sa clinic niya bago ka umuwi. You need a check up tapos sasabihin na daw ni Mommy yung results sa tests mo." Natalie looked worried for some reason at dumoble ang kaba ko. Alam ko na kasi kung anong kondisyon ko dati.

Naaalala ko na.

"Sige. Uwi muna ako sa Green House tapos punta ako sa clinic ng Mommy mo," sagot ko.

"Ay wag na. Dito ka na kumain para hindi ka na mapagod," suggestion ni Natalie. "Pwede ka ring makiligo if you want. May damit naman dito na panlalaki." Tumango na lang ako. Sa totoo lang kasi anytime ay pakiramdam ko ay matutumba na lang ako bigla sa kirot ng ulo ko. Mas lumala na nga itong sakit ng ulo ko ngayong nagsibalikan na naman yung mga ala-ala ko. Kaya importanteng malaman ko ang results ng tests ko.

Nakiligo at kumain ako kina Natalie at hindi ko mapigilang mapansin na pati katulong nila ay botong-boto sa‘kin para kay Natalie. Nakakapanibago at ang sarap lang sa pakiramdam na walang dumarating na problema. Walang humahadlang. Kami kasi ni Cassidy, parang nasobrahan sa pagsubok. Una sina Dave at Stacey, tapos si Jared. Tapos yung sakit ko, tapos yung aksidente, at yung huli ay yung temporary memory loss ko. Tapos ngayon si Gian naman. Kaya naiintindihan ko na kung bakit bumitaw si Cassidy. Hindi na niya kinaya.

Ngayon alam ko na na hindi pala ako nakatadhana kay Cassidy. Siguro nakatadhana ako para maging miserable buong buhay ko.

Napapaisip tuloy ako. Ayoko ng maging miserable. Ayoko nang lagi na lang naiiwan at nasasaktan. Wala na sa buhay ko si Cassidy, at tanggap ko na yun. What I need is someone who will never let me go.

Paalis na kami nang hinawakan ko si Natalie sa kamay niya. Nagulat siya at bigla naman akong nahiya. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero alam kong kailangan ko ‘to ngayon.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon