"I'll talk to him, dito ka lang," sabi ko kay Cassidy na mukhang kinakabahan. Siguro nalilito siya kung anong gagawin niya. Alam ko naman na naging close sila ni Gian at ayaw niyang masaktan ito pag sinabi niyang kami na ulit kaya ako na lang ang kakausap kay Gian.
Tumango si Cassidy at nilapitan ko si Gian. "Tayo ang mag-usap, please follow me," sabi ko at naglakad kami malayo-layo sa Green House. Tumigil kami sa isang bench malayo kay Cassidy pero natatanaw ko parin siyang nakatingin samin.
"Gian... first of all, gusto kong malaman mo na kami na ulit ni Cassidy. Girlfriend ko na ulit siya at ibig sabihin nun ay hindi na siya magpapakasal sayo," sabi ko at ngumiti lang si Gian.
"Ano ba na naman itong ginagawa mo ha Janus?" Gian's voice was a little bit raised at alam kong kinokontrol lang niya ang sarili niya. "Ang selfish mo. Alam mo ba yun?"
Tumango naman ako. "Selfish na kung selfish. But we love each other. Ikaw, hindi ba pagiging selfish yung alukin mo siyang pakasalan ka? Kahit alam mong ako ang mahal niya?"
Tinitigan ako nang mabuti ni Gian. "Dont talk to me like that Janus Go. You dont know what Cassidy and I went through. Alam kong alam mo na ang tunay na dahilan kung bakit ka niya nilalayuan. It's for your own safety. And I have expected you to do what's right."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba sa tingin mo ang tama, ha Gian Salazar?"
Gian smirked at me like I was a complete idiot and I had this urge to punch him in the face. "Alam mo na kung bakit ka niya iniwan. Ayaw ka niyang mamatay. Pero ngayong nalaman mo na yun, nakipagbalikan ka sa kanya? Paasahin mo siya?"
"Alam ko ang tinutukoy mo," sagot ko naman. "Pero mali ka Gian. Gagaling ako at magsasama pa kami ni Cassidy nang matagal." Kahit hindi ako siguradong gagaling ako, kailangan kong sabihin yun dahil kailangan kong pilitin at ikondisyon ang katawan ko na gagaling ako.
"Really? Gagaling ka?" tanong ni Gian at parang gusto ko na siyang sugurin."I know your condition. Sinabi sakin ni Tita Aileen. You're body is not responding well to your treatments, Janus. Alam ko ang sama kong tao para ipamukha sayo to pero maliit ang chance mong gumaling, Janus. I'm saying this not to spite you but to make you realize what you need to do. Makipagbreak ka kay Cassidy. Layuan mo siya habang maaga pa. Wag mo siyang saktan habang pinapaasa mo siyang gagaling ka kahit halata namang lumalala at kumakalat na yang tumor mo. Ang sabi ni Tita Aileen, pwede kang mag-undergo sa isang operation but that is supposed to be a huge risk. Kasi 50/50 ang chance mo. Pwede mong ikamatay ang operation."
Natulala ako sa sinabi ni Gian. Grabe, pwede pala akong mamatay sa operation.
"Kapag pinagpatuloy mo ang relasyon niyo ni Cassidy, aasa na naman siya. Masasaktan na naman siya. At pano halimbawa, God forgive me, kung mawala ka na? Kaya mo bang matiis si Cassidy na pinagluluksa ka? Gusto mo ba na palagi na lang siyang umiiyak?" Alam ko tama ang sinabi ni Gian pero ayoko paring tanggapin ang lahat. Gusto ko paring maniwala na gagaling ako.
"So ano sa tingin mo ang tama?" tanong ko.
"Palayain mo na si Cassidy, Janus. Habang pwede pa. I'm offering an alternative. Sasama siya sakin sa El Nido at mabubuhay siya malayo sa mga ala-ala niyo. Giginhawa din ang buhay niya at mas madali ka niyang makakalimutan," saad pa ni Gian. Tama siya, mas maganda nga ang kinabukasan ni Cassidy kasama siya. Kasi wala siyang tumor katulad ko. Hindi siya nagigising araw-araw na baka huling araw na niya sa mundo. Hindi siya natatakot na kulang ang isang araw para gawin ang mga bagay na gusto niya kasi baka bukas di na siya magising. Normal siya at malusog ang pangangatawan niya. Ngayon lang ako nainggit ng ganito kay Gian Salazar. Dati wala akong pakialam kung anong meron siya. Kasi lahat ng meron siya noon kaya kong tapatan. Pero ngayon nalaman kong mas swerte naman talaga siya sa buhay noon pa.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...