Nagkatinginan kami ni Cassidy habang nakaupo kami sa magkabilang dulo ng maliit na mesa sa stage kung saan kami maglalaro. Pansin ko, para siyang na-distract sa nakausap niyang lalaki kanina. Sino kaya yun? Kakilala niya ba o kaibigan? O baka naman boyfriend niya? Pero teka, bakit parang affected naman ako dun masyado? I shrugged at the thought. At bakit ko naman iniisip kung boyfriend niya yun o hindi?
Napatingin na lang ulit ako sa kanya. Na sakto naman dahil tumingin din siya sa'kin. Medyo malaki ang mga mata niya, at lalo pa itong mukhang malalaki dahil sa suot niyang makapal na eyeglasses. Mahaba din ang kulot niyang buhok. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakatitigan, pero ngayon alam ko na kung bakit nila ito tinawag na eye contact. Para ka kasing dinadala ng eye contact niyo sa mundo niya. Para kang hinihigop papunta sa center ng pagkatao niya.
Huh. Ang weird. Pero ganun ang feeling ko. At ang mas weird pa dun, pakiramdam ko parang pamilyar itong nangyayaring ito...Naputol ang eye contact namin nang marinig naming nagsimula na ang eating relay contest. Simple lang naman ang laro. Uubusin lang namin ang lahat ng pagkaing nakalatag sa harapan namin. Ang unang pares na makaubos ang mananalo.
At nakalatag na nga sa mesa namin ni Cassidy 'yung mga pagkain. Merong isang bowl ng pansit, isang platito ng pakbet, isang piraso ng siopao, at tatlong chocolate donuts.
At dahil magkapareha kami, sinimulan na agad naming lantakan ang pagkain. Kukunin ko na sana 'yung siopao pero nauna dun si Cassidy.
"Akin 'yung siopao at pakbet, sa'yo 'yung iba," saad niya bigla. Parang may galit pa sa tono niya na ipinagtaka ko. Siguro ayaw niya talaga na makapareha ako. Kaya ayun, kinain ko na lang 'yung donuts. At dahil chocolate naman ang flavor nun, madali ko silang naubos. Sinunod ko na rin 'yung pansit. Mabilis ko din siyang naubos kasi medyo nagutom din ako pagkatapos ng 'ritual' na nangyari.
Naririnig ko 'yung cheer nina Atlas, Owen, Chari, at Charles mula sa table namin kaya mas lalo ko pang binilisan. As a result, naubos ko na 'yung pagkain ko ng wala pang isang minuto.
Samantala, half-way pa lang si Cassidy sa siopao niya. Malaking siopao kasi yun. Pinipigilan ko na nga lang tumawa sa itsura ni Cassidy kasi siniseryoso talaga niya 'yung game na 'to to the point na para na siyang cannibal kung makasakmal sa siopao. Napansin din yun ng audience kaya marami ang naririnig kong natatawa sa kanya. Yun nga lang imbes na makitawa ako sa kanila dahil nakakatawa naman talaga si Cassidy, pero parang naaasar pa tuloy ako sa mga natatawa.
Nakita kong minamadali na ni Cassidy 'yung ginagawa niya, pero hindi pa niya nagagalaw 'yung pakbet.
"Wag kang kakain niyan! Akin yan!" sigaw ulit ni Cassidy sa'kin nang sinubukan kong kainin 'yung pakbet. Napatingin na lang ako sa mga kalaban namin. Lahat sila nagtutulungan sa pag-ubos ng pagkain, at kung di ko tutulungan si Cassidy, tiyak matatalo na kami, lalo na kina Lucy at Jane na maning-mani lang 'yung siopao at pansit nila.
Pero hindi ko na ulit sinubukang tulungan si Cassidy kasi baka magalit pa lalo, thinking na pangit na nga ang reputation ko sa kanya sa una pa lang. Ikaw nga ba naman ang makapareha ng taong nang-gago noon sa'yo diba? Di ka ba maba-badtrip?
Haay. Pinagmasdan ko na lang siyang kumain. May pagka-boyish din pala siya kung kumain, 'yung tipong walang pakialam sa poise niya o ano man habang kumakain. Para siyang one of the boys, kumbaga. And half-interestingly, I found that cute about her.
"Okay, TEN! NINE! EIGHT! SEVEN!" sigaw ni Kuya Nicco sa mic niya. Mukhang matatalo na nga kami dahil hindi pa rin nauubos ni Cassidy 'yung siopao niya.
Ewan ko ba, hindi naman ako competitive o 'yung tipong kinakarir 'yung mga sinasalihang parlor games, pero talagang na-pressure ako sa countdown ni Kuya Nicco at bigla na lang akong sumubo ng pakbet. Masarap naman, kahit first time kong makakain nito. Well, first time ko as Janus-after-the-accident. Hindi ko naman kasi alam kung nakakain na ako nito dati at di ko lang maalala.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
Fiksi UmumNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...