16. Remorse

1.1K 36 0
                                    

As usual, pinag-usapan ng buong school ang nangyari sa library. Kaya naman, hindi pumasok si Mich sa mga klase niya sa buong linggo.

Ganoon din si Cassidy. Ewan ko ba kung saan siya nagpunta.

Wala siya sa Blue House, at lalong hindi na siya nagagawi sa Cherry's Pie. Pansin ko, lagi na lang siyang nawawala pagkatapos niyang makapaghiganti sa isa kina Stacey.

Ano kayang ginagawa niya?

At saan siya nagpupunta?

Meanwhile, nakakatawa din nung malaman nila Owen ang nangyari kay Mich. Mula sa table namin sa Diner's, nakikita ko silang nagtatawanan sa table nila. Pero hindi na nila sinubukang maghagis ng kung ano papunta sa table namin. Friends na naman kami ni Atlas, kaya nakakatingin na ako sa table nila ng malaya. Usually, tinitingnan ko lang kung andun si Cassidy. Na obviously ay wala naman.

Sa table naman namin, wala si Mich kaya medyo tahimik din kami. Si Mich kasi yung malakas tumawa sa mga jokes nila Jio at Tanner, kahit siya rin ang pinakamabagal maka-gets ng joke.

Nag-uusap sila ngayon tungkol sa pagbabalik nila ng Noble's Break. Na hindi ko naman maintindihan kung ano.

"Ano ba yan? Organization ba yan?" tanong ko.

Nagtinginan silang lahat sa akin. "Oh Janus! Ang weird lang talaga na wala kang alam when in fact ikaw ang may concept nito!" sabi ni Peter. Bakit ba lagi niyang pinapansin na napakabait ko compared sa old self ko? Masasapak ko na talaga to si Peter minsan eh.

"So ano nga?"

"Noong high school tayo... binuo mo, kasama ko at si Tanner ang Noble's Break. Para siyang frat, well, without the hazing and all the initiation rites. At napaka-elite at astig na group niya, na ilan lang ang kasali nun. Tayong tatlo yung original member, tapos naisama si Stacey, Mich, Peter at Jio." Sagot ni Dave.

Akala ko naman kung ano na. Parang binigyan lang nila ng name yung grupo namin eh.

"At tapos, may mga recruit tayo na mga underlings natin. Para tayong mga gangster bosses noon. Sinusunod tayo ng mga underlings natin, at takot sa atin yung ibang students. In short, tayo ang naghahari sa school. Kapag may kumakalaban sa atin, o kinaiinisan natin, binibigyan natin siya ng marka, at alam na...ma-i-experience niya ang impiyernong buhay habang nasa school siya."

Kinabahan lang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit, pero parang natakot ako sa idea nila ng Noble's Break na yan.

Pero may tanong pa ako. "Bakit naman tayo sinusunod ng mga underlings natin noon? Pinasu-swelduhan ba natin sila?"

Natawa si Dave. "Pare, di mo pa ba nahulaan? Tayo kaya yung pinaka-popular noon. Lalo ka na. Bad boy, gwapo, chinito, matalino... halos lahat ng girls nagkaka-crush sayo, kaya naman sikat-na sikat ka... well, tayong lahat. Nagsimula yung Noble's Break noong first year high school tayo. Binubugbog mo yung mga may atraso sayo. Kaya lahat ng boys ilag sayo. Tapos, binuo mo nalang yung grupo, at parang nirespeto na lang tayo ng ibang students dahil sa takot."

"Not to mention pagmamay-ari ng lolo ni Peter ang school, kaya hindi tayo na-i-expel," dugtong naman ni Tanner. "Kaya naman, kapag ibalik natin yung Noble's Break, I'm sure matutuwa yung mga underlings natin dito sa REU. Tiyak matutuwa din pati ang Alpha---"

"Tama na yang discussion niyo diyan," sabi naman ni Stacey at di ko mapigilang isipin na may ayaw siyang malaman ko. Para kasing natakot din si Tanner na para bang sumobra ang sinabi niya.

Hindi ko naman alam kung paano magre-react. Hindi ko parin maintindihan, pero na-i-imagine ko na yung eksena... kaming mga boys... mga badass na basagulero na mga crush ng bayan. Ang lakas lang maka-Boys Over Flowers.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon