Nanaginip ako.
Sa panaginip ko, ipinagtatanggol ko daw si Cassidy mula sa panlalait nila Stacey at Dave.
Hindi ko na kasi matiis yung pinagsasasabi nila kay Cassidy... hanggang sa makipagsuntukan na ako kay Dave.
Natumba ako...
Pero bigla rin akong nagising.
Base sa paligid ko, nasa clinic ata ako. Not really sure, nahihilo pa kasi ako sa sobrang sakit ng ulo ko. At nararamdaman kong nakabalot ang ulo ko ng kung ano.
Kinapa ko.
Tss. Bandages lang pala.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga kasi feeling ko ang tagal ko na dun sa hospital bed kaso pinigilan ako ni Dr. Rivas na saktong dumating para i-check ata ako.
“Oh, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya.
“Okay naman po. Medyo masakit lang po dito,” at itinuro ko ang likod ng ulo ko.
“That cant be helped. Diyan may konting crack sa skull mo nung tumama ka sa bato. Mabuti na lang at agad kang dinala rito ng mga kaibigan mo. And you underwent a minor operation kahapon. Tinahi lang namin yung sugat sa ulo mo. So anyway, pwede mo bang papuntahin dito ang parents mo soon? Sabi ng classmates mo eh nasa Singapore sila, but I need their signature for you to undergo a CT Scan.”
Umiling ako. “Wag na po. I guess magiging okay na naman ako.”
Sinabi ko lang yun kasi ayokong malaman nila Mommy at Daddy na naaksidente ako. Papatayin ako nila sa galit at baka pauwiin na ako ng wala sa oras.
“Pero hijo, two days ka nang nilalagnat habang tulog ka at kailangan ko ng ma-check ang ulo mo kong may problema ba. Baka mamaya may internal hemorrhage ka na…”
Huwat? Two days na ako rito sa clinic?
Umiling ulit ako. “How about this Doc. I’ll contact first my parents, at saka ko na sasabihin sayo kung anong gagawin.”
Tumango na lang si Doc. Rivas. “Bahala ka. Pero I still strongly suggest a CT Scan. Isa pa, nag-underwent ka na ba dati sa isang brain operation or what? Kasi may nakita akong mga tahi sa ulo mo.”
Tumango ako. “Naaksidente po ako before. May temporary memory loss po ako.”
Tumango na lang si Doc. Rivas pero bakas sa mukha niya ang pagtataka.
***
Dinalaw ako nina Owen, Charles at Chari mga bandang hapon.
“Kumusta ka na?” bati ni Owen.
Agad naman akong niyakap ni Chari.
“Pinag-alala mo talaga kami, oh Janus!” maluha-luhang sabi ni Chari. “Ba't ba kasi kailangan niyong mag-away ni Atlas?”
Hindi ko sila sinagot kasi nainis ako at sinisisi pa nila ako ngayon sa nangyari.
At saka ayokong isipin agad si Atlas. I used to see him as a funny guy, I never thought na magkaka-away kami. At sa maliit na bagay pa. I always imagined na magiging bests of friends kami nila Owen.
“Araw-araw ka niyang dinadalaw,” sabi ni Owen. “Panay ang iyak ng loko. Nagi-guilty talaga siya, Janus.”
Hindi na lang ako umimik, pero galit parin kasi ako kay Atlas sa pagbibintang niya sa akin. Sana naman na-realize na niya na hindi ako ang nag-upload nung video.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...