I shook my head.
Ano ba tong iniisip ko. Porket nagbabasa si Cassidy ng The Fault in our Stars eh may sakit na din siya kagaya nung mga bida sa librong yun?
Kung may sakit man siya, ako ang unang-unang makakaalam.
She promised.
She already promised me not to lie to me anymore.
Aish! Kung ano-ano na talaga ang naiisip ko.
Hindi kaya epekto na ito ng sakit ng ulo ko?
And speaking of sakit ng ulo ko, ang sakit-sakit na naman niya. Siguro dahil sa nagbi-biyahe na naman ako. Pero dati hindi naman ganito kasakit na kumikirot na ewan. Mas lalo pa siyang sumakit pagkalapag namin ng Puerto Princesa.
Ang ganda pala talaga ng Palawan! Hindi pala exaggerated ang mga naririnig ko tungkol dito. Kahit ang city nila ay napakaganda.
Pero dahil sa El Nido ang destination namin, nagbiyahe ulit kami by land trip ng ilang oras. Natulog lang kami ni Cassidy sa buong trip. Ngayon ko lang kasi nararamdaman ang pagod eh.
Paminsan-minsan nararamdaman kong pinupunasan ni Cassidy ang mukha ko. O di kaya ay kumakanta siya. Mukhang nag-i-enjoy tong girlfriend ko na alagaan ako ah.
Gabi na nang makarating kami sa resort na tutuluyan namin sa El Nido. Hindi ko tuloy ma-assess kung maganda ba talaga yung paligid.
Dumiretso na kami sa cottage namin kung saan kami naka-lodge. Pagod na pagod na kasi kami. Bukas na kami nagsa-sight seeing.
Maganda yung kwarto. Malaki siya para sa dalawang tao. At ang laki ng bed.
Sa tantiya ko eh mahal ang bayad dito kung regular customers lang kayo. Kaso nga free kami eh. The perks of being popular! Hahaha.
Nag-ayos na ako ng mga dala kong gamit. Napansin ko naman na nakatayo pa rin sa may pintuan si Cassidy at nakatitig sa kama na parang estatwa.
Kinuha ko sa kanya ang mga gamit niya.
"Oh, ba't nakatulala ka pa diyan? Is something wrong?" usisa ko.
Para namang nagising si Cassidy mula sa kawalan. Namula siya. "Ha? Ano kasi... eh kasi... iisa lang yung bed..."
Napangiti ako sa worry niya. Ang cute niya talaga pag nahihiya siya. "Ayaw mo bang kasama ako sa kwarto?" paglalambing ko. "If you want, I can book another room para---"
Bigla siyang umiling. "No! Ayokong matulog mag-isa dito!"
I nodded. Lalo namang namula si Cassidy. "Sige, pwede naman akong matulog sa sahig."
Hindi na umimik si Cassidy pero mukhang naka-konsensiya siya.
Pero kung sabagay, hindi advisable na magkatabi kami sa isang kama. Kahit gustong-gusto ko.
Nag-ayos na rin siya ng mga gamit niya tapos pumasok siya sa cr para magbihis ata. Pulang-pula pa rin ang mukha niya. It looks like she's still worrying about us sleeping together. Maybe she was still thinking that I'll take advantage of her.
Di ko tuloy maiwasang isipin yung pinagsasabi nila Atlas kahapon nung kausap ko sila para sa plano namin.
***
(flashback)
"Chance mo na yan, Janus!" nakakalokong ngiti ni Charles.
"Ulol." Sagot ko lang. Eh kasi naman. Ang dumi ng mga isip nila. Sabi ko, surprise ko yung trip for two para kay Cassidy. Aba'y kung makapagbigay sila ng tips sa akin akala mo ay honeymoon na namin ni Cassidy sa El Nido.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...