37. Waiting, Searching, Finding

825 32 2
                                    

"Sir, magsasara na po ang shop," nakangiting sabi ng babaeng crew ng Cherry's Pie. Tiningnan ko ang relo ko at napabuntong-hininga na lang ako. Two-thirty na pala ng madaling araw.

Hay.

Tinanguan ko na lang yung babaeng crew tapos lumabas na ako ng coffee shop.

At katulad kahapon, in fact, simula last week, halos magdamag na akong tumatambay sa Cherry‘s Pie. Nagbabaka-sakaling dadaan siya.

Pero wala eh.

Magda-dalawang linggo na simula nung start of classes. At wala kaming nakitang Cassidy na bumalik ng Blue House o pumasok ng mga klase.

Kung saan-saan na namin siya hinanap. Pati mga lugar na alam kong di naman niya pupuntahan, pinuntahan ko na.

Binalikan ko rin sa Sunnyville sina Lola Antonia at Marvin para pilitin silang sabihin kung asan si Cassidy.

"I'm sorry Kuya Janus, ayaw niya talagang ipasabi. Isa pa, hindi talaga magandang puntahan siya ngayon," nanlulumong sabi ni Marvin sakin. "Kuya, sana di mo isipin na tinatago namin si Ate Cassidy. Sa totoo lang, boto ako sayo para kay Ate. Noon pa. Kaso desisyon ni Ate na lumayo muna."

Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kung ayaw nilang sabihin kung asan ba talaga si Cassidy.

Noong start of classes, umasa pa rin ako. Umasa akong magpapakita siya. Umasa akong babalik siya.

Pero wala siya.

Dalawang linggo pa lang ang nakalipas na di ko siya nakikita pero parang taon na ang lumipas. Hindi na ako sanay na wala siya.

Namimiss ko na siya.

Namimiss ko na ang mga ngiti niya. Pati yung amoy niyang parang strawberry. Yung kulot niyang buhok, at kahit yung pagbatok niya sakin namimiss ko na. Araw-araw para akong lutang na nakatulala sa kawalan.

Minsan sa Dorm, pag tulog na si Fred, nararamdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.

Di ko na mapigilang tanungin ang sarili ko. May nagawa ba akong mali? Bakit bigla na lang akong iniwan ni Cassidy?

Kaya araw-araw pagkatapos ng klase ko, dumidiretso na ako ng Cherry‘s Pie. Naghihintay. Baka magpunta kasi siya bigla dito. I dont want to miss it.

Kilala na nga ako ng mga crew dun eh. Alam na nga nila ang order ko.

"Sir, order niyo. One caramel frappe and two honey-glazed donuts."

Pero di ko kinakain yung donuts. Tinititigan ko lang yun. Pagpauwi nako, binibigay ko yun sa mga street children sa labas.

Minsan naman, sumasama sila Atlas sakin sa pagtambay sa coffee shop. Minsan naman sinasama nila ako sa mall o sa theme park para lang sumaya ako. Hindi ko naman kasi maiwasang malungkot.

Pakiramdam ko kasi, iniwan na ako ni Cassidy sa ere. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi kakaisip sa kanya. Ganito pala kasi ang pakiramdam na iwan ng taong mahal mo.

Ang sakit-sakit.

***

"Janus, kain ka naman oh! Kahit isang subo lang." Si Natalie. Nasa Regal Diner‘s kami ngayon kasama sila Atlas, Owen, Charles at Chari.

Umiling ako. "Hindi ako gutom."

"Janus naman!" pagmamakaawa ni Natalie. "Ang payat-payat mo na oh! Mukha ka pang haggard! Kumain ka naman!" Akmang susubuan na ako ulit ni Natalie pero umiwas ako.

"Pare... wag ka namang ganyan..." sabi ni Charles. "Pano... pano na lang pag nagkita na kayo ni Cassidy tapos ganyan ang itsura mo?"

"Alam niyo, pag ako ang makakita kay Cassidy, sasabunutan ko talaga siya!" sabi naman ni Natalie. "Ginaganito niya si Jan-Jan! I hate her!" Siniko naman siya ni Chari para tumigil na siya sa kakabanggit  sa pangalan ni Cassidy.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon