Sa sumunod na mga araw, mas lalo pang lumakas ang kutob ko na may malaking issue talaga sa amin ni Cassidy. Simula kasi nung allergy incident ko ay hindi na siya muling nagpakita pa sa akin. Hindi ko nga alam kung umiiwas ba siya o ano. Gusto ko pa sana siyang makasama pa dahil marami akong natututunan tungkol sa sarili ko kapag kasama ko siya pero hindi ko talaga siya makita sa loob ng campus. Malakas talaga ang kutob ko na iniiwasan niya ako.
"Oo nga no? Hindi ko na nga nakikita si Cassidy. Baka naman nag-AWOL na siya di ba, as in Absence Without Left," komento ni Stacey nang mabanggit ko sa kanya ang tungkol doon. Natutuwa pa nga yata si Stacey na hindi na nagpapakita si Cassidy sa mga tao.
"Absence Without Leave," pagtatama ko na lang sa kanya.
Natawa ang buong barkada na nakikinig na rin pala sa usapan namin ni Stcey. "Alam mo pare, parang ikaw na nga ulit ang Janus na nakilala namin. Alam mo bang palagi mo ring kinokorek noon si Stacey?" Pa-trivia ni Tanner na napapa-palakpak pa. Parang tuwang-tuwa rin sila sa tuwing may ikinikilos akong gusto nila.
"Tse!" pagtataray naman sa kanila ni Stacey. "Wag niyo na ngang ipaalala yun, di ba Janus? Move on na tayo dapat!"
"I really just wanted to thank Cassidy," share ko pa rin kay Stacey, kahit na parang ayaw niya rito. "Nasaan na kaya siya?"
Mukhang nainis na dun si Stacey kaya humirit na siya. "Eh Janus, ba't di mo tanungin si Harry Pota kung nasaan ang bff niya? Di ba close yun sa kanya? As the saying goes nga di ba, 'Birds of the same feather, flies forever!"
"Birds of the same feather, flocks together, hindi forever..." natatawang pagtatama ko na naman. "At please 'wag niyo na ngang tawaging Harry Pota si Atlas. May pangalan 'yung tao."
"Okay, okay!" sagot na lang ni Stacey dahil napansin niyang medyo na-badtrip na ako dun. "Chill ka lang Janus, okay?"
Tumahimik na lang ako pagkatapos nun. Nasa Regal Diner's ulit kami, at medyo nalulungkot ako kasi gusto ko talagang makita si Cassidy. Alam ko kasing may something sa aming dalawa na maaring dahilan kung bakit niya alam na may allergy ako sa okra. Ramdam ko naman yun. Malamang marami pa siyang ibang alam tungkol sa'kin kung talagang naging kami kahit pa niloloko ko lang siya.
"Guys, alam niyo bang may allergy ako sa okra?" tanong ko na sa barkada, dahil hindi na ako mapakali sa kakaisip kung ano pa ba ang meron sa akin na hindi ko pa alam.
"Ha? Talaga? Allergic ka sa okra? Di ba yun 'yung gulay na pang mahirap?" tanong ni Stacey. "Kaya ba nasugod ka sa clinic, Janus? Narinig ko kasing nag-uusap 'yung mga friends mo."
Kumunot ang noo ko doon. So alam pala nila. At hindi man lang nila ako dumalaw. Napaisip tuloy ako. Barkada ko ba talaga sila?
"Ibig sabihin hindi niyo alam na may allergy ako sa okra?"
"Hindi eh..." ani Tanner. "Pare, sorry, pero hindi mo yata sinabi sa'min yan. Pero at least alam na namin ngayon. Balak ka talaga naming dalawin sa clinic, kaso naman busy kami ngayon sa football team."
Tumango na lang ako. Medyo disappointed kasi ako sa kanila. Talaga bang mga close friends ko 'tong mga 'to? At bakit masyado naman akong naging affected dun? Dahil ba masyado akong nag-expect na super close ako sa kanila?
***
Medyo masama ang mood ko noong umalis ako ng Regal Diner's. Pero pagpunta ko sa Literature Class ko, medyo na-excite ako dahil nakita ko si Cassidy na nakaupo sa backrow ng classroom. Nakasuot siya ng red t-shirt na parang ilang taon nang kupas, tapos 'yung signature faded jeans niya ulit. At imbes na magmukha siyang jologs doon, para sa'kin nagmukha siyang may dating. Napangiti pa nga ako sa kanya eh. Kaso hindi niya yata ako napansin.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...