I was silently crying beside Cassidy. Wala siyang kamalay-malay na naririnig ko lahat ang mga sinasabi niya.
I wanted to hug her. Iwanted to tell her how sorry I was for not knowing the truth. For believing that she truly doesn't love me anymore.
Tama pala si Gian bastard. May mga dahilan nga si Cassidy. At ako pala ang dahilan na yun.
"Janus sorry talaga..." Humahagulhol pa rin si Cassidy habang nagsasalita. Gusto ko siyang kausapin pero tiniis ko kasi kailangan kong malaman ang lahat. "Sorry kasi iniwan kita. Hindi ko ginustong iwan ka, Janus... Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makita at makasama ka ulit noong umalis kayo papuntang Singapore... Kung alam mo lang yung pakiramdam ko araw-araw na wala ka..."
Tumigil saglit sa pag-iyak si Cassidy at mahina na ang boses niya kaya nakinig akong mabuti habang tumutulo ang mga luha ko.
"Araw-araw nagdarasal ako noon Janus. Na sana gumaling ka na nang tuluyan. Na sana bumalik ka na. Isang taon din ang lumipas na wala ka, at yun na siguro ang pinakamalungkot na mga araw ng buhay ko."
"Naging close ko naman nun si Gian, at tinulungan niya akong makabangon. Pinag-aral niya ako at binigyan ng trabaho. Niligawan niya pa nga ako eh. Kaso hindi ko siya sinagot. Kasi ikaw lang Janus. Ikaw lang ang mahal ko."
"Alam ko kasing babalik ka. Babalikan mo ako gaya ng pinangako mo. Alam ko sa puso ko na hahanapin mo ulit ako. Na uuwi ka ng Pilipinas. At tama nga ako."
"Isang araw nilapitan ako ni Stacey sa Regal's. Kinausap niya ako. Nagulat pa nga ako dun kasi galit siya sa'kin simula nang maaksidente kayo ni Jared. Pero kinausap niya ako. Tumawag daw sa kanya ang Mommy mo at binalitang uuwi ka na daw ng Pilipinas."
"Lumundag ang puso ko sa tuwa Janus nang marinig ko yun, alam mo ba yun? Kaso ang sabi ni Stacey ay nagkaroon ka daw ng temporary memory loss at wala ka na daw naaalala sa nakaraan mo. Hindi nga ako nun naniniwala sa kanya eh. Kasi alam kong hindi mo ako magagawang kalimutan."
"Ang sabi pa ni Stacey ay kapag bumalik ka na, hindi raw pwedeng ipaalala sa'yo yung mga masasakit na nangyari sa'yo noon dahil makakasama daw yun sa kalusugan mo. Kaya wala daw akong dapat sabihin sa'yo na kahit anong tungkol sa nakaraan mo."
Hindi ako makapaniwala. Alam niya palang babalik ako?
"Hinintay kita Janus. At totoo nga, bumalik ka nga. Noong magkabungguan tayo sa Diner's, muntik na kitang yakapin nun sa tuwa. Kasi sa wakas nakita na kita. Kasi andito ka na ulit."
Bigla kong naalala yung araw na yun sa Diner's. Yung nagkabungguan kami. Kaya pala pakiramdam ko noon kilalang-kilala ko siya kahit hindi ko siya maalala.
"Pero alam mo ba yung sinabi mo sa'kin nun? Sabi mo nun, Miss okay ka lang? Yun na siguro ang pinakamasakit na bagay na sinabi mo sa akin, Janus. Ang sakit-sakit, hindi mo man lang ako matandaan. Napatingin naman ako nun kay Stacey na nasa mesa niyo at nakatitig siya sa'kin nang makahulugan. Naalala kong wala pala akong dapat sabihin sa'yo tungkol sa past mo kaya lumayo ako sa'yo kahit gustong-gusto kitang yakapin."
"Sa mga sumunod na araw ay parati kitang nakikita at naging kaibigan ko pa yung mga kaibigan mo kaya lumiit ang mundo nating dalawa. Kailangan kitang iwasan dahil posible daw na bumalik ang sakit mo pag ipaalala sa'yo ang lahat. Ang hirap Janus. Gusto kitang lapitan. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang sabihan na bumalik ka na, miss na miss na kita. Pero wala akong magawa. Ibang tao ka na."
"Pero nalaman mo ring may relasyon tayo dati. At nakakita ako ng pag-asa ng maging interesado kang malaman yung nakaraan mo. Kaya nagpatulong ako sa'yong maghiganti kina Stacey at Dave. Para sa inyo ni Jared. Para sa'yo. Para makwento ko sa'yo kung ano yung dating tayo."
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...