56. Ten Reasons Why

757 28 5
                                    

Pinagmasdan ko nang matagal yung babae. Tahimik lang siyang umiiyak sa harap ko. Hindi ko talaga maalala kung sino siya kahit pakiramdam ko ay kilala ko siya. Tapos kanina pa sumasakit ang ulo ko ng husto at hindi ko na alam ang gagawin.

"Janus... ano bang nangyayari sayo?" tanong ng babae tapos kinuha niya ang telepono niya at parang may tinatawagan siya sa phone niya. "Hello po. Tita. Opo. Nasa mall pa po kami. Si Janus po kasi. Hindi niya daw po ako maalala. Opo. Sige po. Bye."

Tapos tiningnan niya ulit ako nang malungkot. Hinawakan niya ang kamay ko at pinilit niyang ngumiti. "Dont worry Janus. Andito lang ako para sayo..." Kahit wala akong ideya kung bakit niya sinasabi yun, nakaramdam ako ng assurance na magiging ayos lang ang lahat.

Makalipas ang isang oras ay dumating na rin ang mga magulang ko. Noong una, hindi ko rin sila makilala pero agad kong naramdamang pamilya ko sila. Uuwi na daw kami kaya umalis na kami sa maliit na clinic at mall at sumakay na kami sa kotse. Nasa pagitan ako ni Mommy at nung babae kanina at pinapatulog nila ako habang nasa biyahe pauwi. Pumikit ako at sinubukan kong matulog kaso hindi ko magawa. Binabagabag kasi ako ng babaeng nasa tabi ko. Hawak niya ngayon ang kamay ko. Sino kaya siya? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Ang bigat kasi sa pakiramdam, parang may kailangan akong gawin para sumaya siya.

"Tulog na si Janus?" tanong ng Daddy ko mula sa driver's seat at nagtulog-tulugan ako.

"Yes, honey. Pakibilisan ang pagdrive. Tinawagan ko na si Doc. Salazar na pumuntang bahay para ma-check up niya si Janus," sagot ng Mommy ko. "Ayos ka lang ba Cassidy?"

"Sorry po. Iyakin lang po talaga ako," sagot ng babae at parang may kumirot na kung ano sakin.

"Janus loves you, alam mo yan," sagot naman ni Mommy. "I just hope na maging mas matapang ka, Cassidy. Wag mo sanang ipakita sa anak kong nasasaktan ka. He needs our support."

"Sorry po. Nabigla lang po ako na hindi niya na naman ako makilala." Natahimik sila sa sagot ng babae. Ako naman, parang unti-unti ko na siyang nakikilala. Oo tama. Girlfriend ko siya.

"Ihanda na natin ang mga sarili natin sa sitwasyon ni Janus. Sinabi ito ni Doc. Aileen Salazar last time. Magkakaroon ng period si Janus na may mga makakalimutan siya habang hindi siya gumagaling. Kaya let us be patient and understanding towards him," sabi ni Daddy.

"Opo, Tito," sagot ng babae at naalala ko na ang pangalan niya. Siya si Cassidy. My only love. Kumakabog ulit nang mabilis ang puso ko nang maalala ko yun. I feel so helpless, not remembering her, of all people.

"Cassidy, salamat sa pagmamahal mo sa anak namin," sabi pa ni Daddy. "Sana hindi ka sumuko sa kanya. Kahit in the future ay di ka na niya matandaan. Sana andiyan ka parin sa tabi niya."

"Hindi ko po iiwan si Janus," sagot ni Cassidy at parang gusto ko siyang yakapin bigla. "Makakaasa po kayong palagi akong nasa tabi niya no matter what happens."

Totoong nakatulog na pala ako pagkarating namin sa bahay at ginising na lang ako ni Mommy. Nawala na ang kirot sa ulo ko at unti-unti, naaalala kong sobra-sobra pala ang pagmamahal ko sa kanya.

I wanted to shout. I wanted to cry. I wanted to scream. Ang gusto ko lang kasi sa buhay ko ay magkatuluyan kami ni Cassidy pero ang daming pagsubok. Ang daming hadlang. At nakakapagod na.

Sa kwarto ako pinaderetso nila Mommy at dumating si Doc. Aileen kasama si Natalie at chineck-up nila ako. Ayoko nang malaman pa kung anong sasabihin nila kaya natulog ako. Pagkagising ko, wala na sila at nasa tabi ko na si Cassidy sa kama ko at natutulog na siya. Bigla akong napangiti and I kissed her in her forehead. Tapos niyakap ko siya.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon