29. Eye To Eye

909 39 3
                                    

Kinakabahan ako na ewan. Basta ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi kaya... may nangyaring masama kay Cassidy?

Oh God... wag naman sana...

Sinubukan kong buksan yung pinto.

Naka-lock.

Sinipa ko.

Tinadyakan.

Ayaw pa rin. Mahigpit ata ang pagkakasara. O baka naman ang hina-hina ko na talaga. Agad kasi akong hiningal.

Tumingin ako sa loob ng kwarto. Mukha atang stockroom itong pinagkulungan sa akin.

Nakita ko ang mga bintana. Glass. Tapos may nakita akong mahabang tubo.

No choice, mukhang mag-aala-Cassidy ako.

Malakas ang tunog ng mga nabasag na salamin nang hinataw ko yun ng tubo. Grabe, nagawa kong manira ng school property! Sana lang talaga walang guard na nakakita sa ginawa ko. Patay ako pag nagkataon.

Kahit nanghihina, para akong pusang lumusot sa sirang bintana at nagtatakbo papunta sa covered walk kung saan naki-blend in ako sa mga estudyanteng namamasyal. Mukhang tanghali na kasi mainit na at nagsimula nang magpuntahan ang mga tao sa booths para maglunch.

Oo nga pala, ikatlong araw ngayon ng School Fair.

Napapatingin ang mga tao sa akin habang napapadaan ako pero umiiwas ako kasi na-realize kong mukha akong gusgusin at suot ko pa yung damit na suot ko kagabi. Isa pa, namamaga pa yung pisngi ko mula sa bugbugan namin ni Dave kagabi.

Tinungo ko ang Blue House. Umaasa ako na madadatnan ko doon si Cassidy. Sana mali ang kutob ko tungkol dun sa nakita kong kasama niya kagabi.

"Janus! JANUS!" may sumisigaw sa likuran ko. Lumingon ako. Si Kuya Xander pala. Lumapit siya.

Mukha siyang masaya.

"Saan ka ba nagpunta kagabi? Ba't di ka na bumalik?" sunod-sunod niyang tanong. Tapos tiningnan niya ang hitsura ko. "Anong nangyari sayo? Bakit para kang binugbog ng sampung fratmen?"

Hala. Paano niya nahulaan yun?

Sinubukan kong umiwas. "Pasensiya na Kuya... may gagawin pa ako."

Pero hinatak niya ako pabalik. "Teka lang! Wag kang mawawala mamayang gabi ha? Magpe-perform tayo mamaya! Woohoo! Request ng fans! Can you believe it? Tayo ang nanalo kagabi sa Bandemonium! Hinahanap ka nga ng mga tao sa awarding eh!"

Nagulat ako. Talaga? Nanalo kami?

"Congrats Kuya..." bati ko, "pero sorry Kuya, di ako sigurado kung makakapunta ako. May importante akong gagawin eh! At saka baka magtampo na niyan si Vince."

"Hindi pa nga nagpapakita samin yang mokong na yan..." sabi ni Kuya Xander na mukhang nag-aalala. "Hindi rin namin siya makontak. Kaya pwedeng ikaw muna, please?"

Hindi ako makasagot. Mas importante si Cassidy.

"Aasahan kita mamaya ha? Puntahan ko muna si Jigs!" At nakaalis na siya na hindi man lang ako nakakapag-object pa. Nagtaka naman ako kung bakit hindi rin nila makita si Vince.

***

Wala si Cassidy sa Blue House. Na-check ko na. 

Ilang beses na.

Buong maghapon na akong nakaupo sa reception area ng Blue House at naghihintay. Umaasang darating at magpapakita si Cassidy. Pero walang dumating. 

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon