46. What He Fears the Most

765 26 2
                                    

"Jared, ikaw ba yan?" tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Bakit siya nandito? Akala ko ba nasa Davao na siya kasama ni Cindy?

Ngumiti agad sa akin si Jared. "Para ka namang nakakita ng multo," biro niya. Nakatitig lang ako sa kanya at lumapit siya sa'kin. Tinapik niya ako sa balikat. "Kayo na pala ni Cassidy."

"Jared---" gusto kong magpaliwanag. Gusto kong sabihing okay na kami ni Cassidy--- na kami na. Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang lahat sa kakambal ko ng hindi siya masasaktan. Alam ko namang darating 'tong araw na ito, na magkikita kami. But I didn‘t expect it to be this soon.

"Pinagmasdan ko kayo kanina.  Mukha naman siyang masaya," sabi pa ni Jared. Napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Nakangiti siya sa akin pero yung ngiti niya ay yung tipong hindi abot hanggang mata. "Congrats, Janus. Sa totoo lang nasasaktan ako pero alam ko namang deserving kayo para sa isa't-isa."

"Jared, sorry. Hindi ko naman gustong masaktan ka. Alam mong mahal ko talaga si Cassidy."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag Janus," sagot ni Jared. "Hindi naman ako galit. Nasasaktan lang. Dapat nga magpasalamat ako sa'yo kasi hindi mo iniwan si Cassidy... Isa pa, tanggap ko ng hindi ako deserving para sa kanya. Tanggap ko ng hindi ako yung taong hindi siya kayang saktan, kasi sinaktan ko siya big time."

Napalingon ako sa bahay nila Cassidy. "Gusto mo bang magpakita sa kanya?"

Agad naman siyang umiling. "Ayoko muna. Naduduwag pa akong harapin siya eh."

Tumango ako. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ngayon ni Jared. Matapos niyang makabuntis ng ibang babae, at iwan si Cassidy ng hindi nagpapaalam, alam kong mahirap para sa kanyang harapin ang babaeng mahal niya na nasaktan niya. Ilang buwan na ba ang lumipas simula nang umalis siya?

"Sabayan mo na lang akong  maglakad pauwi," pakiusap ko. Pumayag naman siya. Pinagmasdan ko siya nang mabuti habang naglalakad kami palabas ng Sunnyville. Mukha naman siyang maayos. "Jared, kwento ka naman. Ang tagal mo kaya sa Davao."

Ngumiti ulit siya sa akin. "Janus, wala na kami ni Cindy..."

Napatigil ako sa paglalakad. "HA? Pero bakit? Yung anak niyo---"

"She had a miscarriage," Jared revealed. "Last week lang, nawala ang anak namin. Pero kahit ganun Janus, willing naman akong samahan siya doon. Okay rin naman ako sa idea na siya na ang babaeng para sa'kin. In fact, pakiramdam ko nga, konti na lang at matututunan ko na din siyang mahalin. Pero alam mo ang ginawa niya? She pushed me away. Ako ang sinisisi niya sa miscarriage niya. Lately kasi lagi siyang depressed, nagseselos daw siya kay Cassidy."

Hindi ko alam ang sasabihin. Masaya akong nakita ko ulit ang kakambal ko pero nasasaktan din ako para sa kanya.

Jared wanted to be a father. Siguro ang saya-saya niya habang nakikita si Cindy na dinadala niya ang anak nila. Kaya alam kong masakit yun, yung pagkawala ng bata.

Naisip ko nga na magkakambal nga talaga kami. Ang sa-saklap kasi ng mga buhay namin. Yung iba, yung kurso lang na kukunin sa kolehiyo ang prinoproblema, pero kami... daig pa namin ang mga bida sa isang teledrama.

"Pinaalis ka ni Cindy?" tanong ko na lang. Nakalabas na kami ng Sunnyville at papasok na kami sa subdivision namin.

"Oo. Ayaw niya daw muna akong makita. Alam mo Janus minsan gusto ko na lang mamatay. Alam mo yun? Dalawa lang ang babaeng nagkagusto sakin. At pareho silang nawala. Ang masaklap pa, kasalanan ko."

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon