Tahimik kaming naglakad ni Cassidy papuntang Police Station. Shaken pa rin ako sa engkwentro namin kay Stacey.
Ano naman kaya yung mga pinagsasabi niya?
Dumating kami sa Police Station na hindi nag-iimikan. Tahimik pa rin kami ni Cassidy kahit panay kantiyaw ang inabot namin mula sa mga pulis. Ang kukulit nga nila eh. Sabi nila bagay na bagay daw kami ni Cassidy.
Natanggal na yung posas sa amin at umuwi din kami agad. Madilim na paglabas namin ngpolice station.
Napansin kong bumilis ang paglalakad ni Cassidy. Nauuna na siya. Hinabol ko siya. Mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad kaya napilitan akong hawakan siya sa kamay.
“Ano ba Janus?” galit na sabi niya sabay bawi ng kamay niya.
“Galit ka ba?” Tss. Tinanong ko pa talaga.
Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad ulit siya. Hinabol ko siya ulit. “Cassidy, may problema ba? Sabihin mo naman sakin oh. Wag mo akong layuan, please? Kung inaalala mo yung sinabi ni Stacey, wala akong pakialam dun.”
Napahinto siya sa paglalakad. Hinarap niya ako. Tama na naman ako. Umiiyak na naman siya.
“Tama naman kasi si Stacey, Janus.” Sabi niya. “Hindi ko dapat ito ginagawa. Nilalayuan dapat kita.”
Wala akong maintindihan. “Ano ba kasing problema?”
“Hindi mo maiintidinhan kahit ipaliwanag ko,” sabi niya. “Janus, simula ngayon, lalayuan na ulit kita. Gusto ko na ganoon din ang gawin mo.”
Umiling ako. “Hindi ako lalayo…” marahan kong sabi. “Hindi kita lalayuan.”
Ngumiti siya. Mapait na ngiti. Tapos nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Nakakainis kasi hindi ko na siya sinundan. Tinanaw ko lang siyang umalis. Baka kasi mas lalo pa siyang magalit pag sabayan ko na naman siya. Mahirap na.
Pero hindi ako susuko sa kanya. Ngayon pa na alam ko na na siya ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon?
“HINDI KITA LALAYUAN, CASSIDY TORRES!” Sigaw ko sa kanyang likuran. Hindi siya lumingon o huminto, pero alam ko namang naririnig niya ako. ”HINDI KITA LALAYUAN, TANDAAN MO YAN!”
***
Badtrip na badtrip ako nang makabalik ako sa Open Field kung nasaan yung School Fair. Gusto ko na sanang bumalik ng Green House at matulog na lang at magmukmok kaso pinabalik ako nila Atlas at Owen sa booth nila.
At dahil kailangan nila ng pera para makarenta ulit ng mga posas, ginawa nila akong 'product' nila.
Tss. Yes, you heard it right. Pinagsuot nila ako ng smart casual na damit tapos pinagposing nila ako sa harap ng booth nila. (Na-suspend kasi ang posas raket nila.)
“Mga girls diyan! Magpa-picture na kayo kay Janus Go! Ang pinakabagong heartthrob ng Regal Era University! Tiyak mapapakanta kayo ng Chinito ni Yeng Constantino pag makasama niyo siya! Kaya naman, due to public demand, sa halagang singkwenta pesos, pwede na kayong makapag-pa-picture kasama siya!” Sigaw ulit ni Atlas sa megaphone niya.
Tong lokong to talaga. Haay!
Watdapak.
Napamura tuloy ako.
Naku! Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko kay Atlas at Owen… (Sila kasi ang gumawa ng siopao mascot tapos pumilit kay Vince na maging mascot as his initiation sa Nitwit Club) hindi talaga ako magpapa-uto na gawin tong kalokohan na ito.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...