Siguro dati kung may nagtanong sa akin kung naniniwala ba ako sa destiny, 'yung tipong ako ay nakalaan para sa isang tao? Yung parang sa mga telenobela at mga pelikula, 'yung parang sa mga romantikong mga tao at sa mga poetic?
Siguro ang isasagot ko, 'hindi masyado.'
Kasi sa paniniwala ko, lahat ng mga nangyayari sa buhay mo, choice mo. Kaya nga meron tayong free will di ba, dahil may kakayahan tayong magdesisyon para sa mga sarili natin. At 'yung swerte o malas na nangyayari sa atin, minsan hindi natin kontrolado. Minsan naman dahil rin sa mga kagagawan natin. Kaya para sa'kin 'yung mga bagay na sinasabing nakatadhana para sa'tin, para sa'kin hindi naman talaga yun nakadtahna. Tayo ang may kagagawan ng mga yun.
Katulad ko, pinili kong balikan ang lugar kung saan posibleng may mga kaibigan talaga ako. Pwede naman kasing nanatili na lang ako sa Singapore di ba? Pwedeng nakipagkaibigan na lang ako doon, at doon nag-aral. Pero pinili ko 'to, kung nasaan man ako ngayon, kasi ito ang choice ko. Kaya ayun, nalaman kong ex ko pala si Stacey, at sila na ngayon ng isa kong kabarkada, si Dave.
Siguro kung may naalala ako kahit konti man lang sana eh di malamang awkward 'yung pakiramdam ko kapag nakikita ko sila. O baka nagagalit ako.
O mas malala pa, nasasaktan ako. Kasi posibleng mahal ko pa si Stacey.Malaki ang chance na ganun, kasi malamang first love ko si Stacey. Kaya ibig sabihin, mahirap yun makalimutan. Hindi ko naman alam kung may naging girlfriend pa ako bago kay Stacey. But I doubt it. According to Stacey, I was seventeen when she became my girlfriend. I really have this feeling na siya ang una. Pero ang nakakapagtaka, wala akong nararamdaman kung hindi inis sa sarili ko, at sa dati kong barkada.
Una, kasi wala akong maalala at lahat nang pinagsasabi nila ay hindi ko matandaan. Panay nga ang joke nila at wala akong masakyan ni isa dun.
Ikalawa, nagtataka ako kung paano kami nagkagustuhan ni Stacey. Kung paano ko ba siya niligawan, o kung paano ko ba siya napasagot. Hindi ko lang kasi ma-imagine ang mga bagay na yun, dahil honestly kung ngayon ko pagbabasehan, hindi ako magkakagusto sa kanya. Maganda siya and all, pero may something sa kanya na parang hindi ko kayang tiisin nang matagal. Parang ayoko siyang makausap nang mahabang oras, dahil hindi ko masakyan ang mga sinasabi niya. Dahil dun, para tuloy akong nagtatanong sa buhay ng ibang taong 'di ko kilala... isang taong hindi ako.
Pero ngayon, magbabago ang takbo ng buhay ko sa pagpasok ng isang kakaibang character na hindi ko inaakalang makikilala ko dito sa REU. Nang nakabangga ko siya, hindi ko inakala na magiging malaking bahagi siya ng buhay ko. Akala ko 'yung banggaan namin eh yun na yun, at hindi na ulit magkru-krus ang mga landas namin.
Pero siyempre, mali ako.
Nang magkabanggaan kami, tatayo na sana ako agad pero hinawakan ako ng babae sa kamay ko. Nakatitig siya sa'kin na para siyang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Para nga siyang iiyak at hindo ko yun maipaliwanag.
"Miss, okay ka lang?" Nagtataka nang tanong ko. Parang nawala naman 'yung kung ano mang iniisip niya at tumayo na rin siya. Nagmadali siya sa pagpunta sa counter. Sinundan ko siya na nagtataka.
Kilala niya kaya ako?
Kaibigan ko din kaya siya?
O acquaintance man lang?
Habang nasa pila naman kami sa counter panay ang lingon sa'kin ng babae, na akala mo eh conscious siya sa mga tumitingin sa kanya.
Pinagmasdan ko siya. Sa get-up pa lang niya alam kong geeky siya at tiyak akong magkakasundo sila ni Atlas. Naka t-shirt siya na pang-lalaki, 'yung parang malaki sa kanya nang kaunti at nakasuot naman nang kupas na maong. Tapos nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...