30. Badass

1K 34 5
                                    

Natapos na ang intermission namin. Bumaba na ako ng stage kasama nina Kuya Jigs at Kuya Xander.

"Sila na nga talaga..." dinig kong sabi ng babaeng nasa likuran ko. Bumubulong siya sa katabi niya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na magugustuhan niya si Cassidy..." sagot naman ng kausap niya. "Now I believe in gayuma. Ga-ga-gayuma!"

"Sabi nila high school pa lang daw ay magboyfriend na sila..." hirit pa ng isa pang katabi nila. "Kaya lang nagkahiwalay sila for some unknown reason. Pero siyempre nang bumalik dito si boy, hindi na pinalampas ni girl ang chance. Ginayuma na niya ulit si boy. " At nagtawanan sila.

Nakakuyom na ang mga kamao ko pero sinubukan ko talagang pigilan ang sarili ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko...kailangan kong kontrolin ang barumbadong Janus sa loob ko.

Nagsimula na ang Talent Competition ng mga candidates. Kinakabahan ako para sa gagawin ni Cassidy. Baka kasi may magsabotahe na naman sa gagawin niya. Ang alam ko, kakanta siya. Yun ang sabi nila Jane at Lucy.

Basta andito lang ako para suportahan at bantayan siya sa kahit sino mang magtatangkang saktan siya. Wala na akong pakialam kung magmukha akong stage boyfriend.

Nang kumanta na si Cassidy, tumahimik ang lahat. 'Ours' ulit ang kinakanta niya. Siyempre, napangiti ako.

Actually, sinadya ko kaninang iba yung kantahin ko noong intermission namin para makanta niya naman yung kanta namin. Gusto ko ring marinig ngayon yung boses niya. Ang sarap kaya sa pakiramdam na alam mong may kumakanta para sayo.

Mukhang maayos naman ang lahat habang kumakanta si Cassidy. Nakikinig naman ang mga tao. Wala ng epal na nagtatawanan. Okay naman ang audience. Hindi ko na siguro magagamit yung costume na hawak-hawak ko.

Ang totoo, gusto ko sanang makipagduet kay Cassidy sa talent portion niya. Pero umayaw si Cassidy kasi mas lalo lang daw gugulo ang lahat. Kaya hinarana ko na lang siya kanina.

Pero kung kelan naman ako nakampante at pinakikinggan ko nalang nang maigi ang pagkanta ni Cassidy, saka naman biglang may sumingit na tugtog mula sa mga speakers.

Bigla na lang tumugtog yung kantang Gangnam Style habang kumakanta pa si Cassidy. Nagulat siya kaya napatigil din siya sa pagkanta.

Siyempre, agad akong nagalit. Pinagtritripan na naman nila si Cassidy eh.

Nagtatawanan na ulit ang audience kasi parang na-itsapwera sa stage si Cassidy. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lang sila kalupit kay Cassidy.

Sa sobrang inis ko naman ay bigla ko na lang isinuot yung siopao costume na hawak-hawak ko at umakyat ako papuntang stage. Ito yung costume na sinuot ni Vince noon. Nanlalaki pa ang mga mata ni Cassidy habang nakatitig sakin na papalapit sa kanya.

Dinig na dinig ko rin ang mga hiyawan ng tao habang umaakyat ako. Siyempre nga naman, sino ang hindi matutuwa sa isang higanteng siopao na magpapakita sa stage? Akala ata nila magpe-perform ako.

"Ang cute!" sigaw ng isang babae.

"Hala! Siya yung kumakantang siopao!" sabi naman ng isa pang mukhang nakaalala sa pagpapa-cute ko kay Cassidy.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Cassidy nang malapitan ko siya.

"Halika na... Ilalayo na kita rito..." bulong ko sa kanya.

"Pero Janus..." pigil ni Cassidy, "kailangan kong gawin to." Bakas sa mukha niya ang pangamba.

Umiling ako. "Hindi mo na ito kailangang gawin. Hindi ko na kayang nakikita kang pinaglalaruan ng ibang tao. Ako na ang bahala. Will you trust me?"

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon