"So don't you worry your pretty little mind
People throw rocks at things that shine
And life makes love look hard
The stakes are high, the waters rough
But this love is ours."
Natapos na yung pagkanta ko. Tahimik lang yung kabilang linya. Sana nagustuhan niya yung kanta. Ako kasi, nung unang narinig ko yung kanta sa radyo ni Mommy, si Cassidy agad ang naalala ko. Pakiramdam ko, para bang sa kanya isinulat yung kanta.
Simula noon fan na fan na ako ni Taylor Swift kahit pa natatawa sakin dati sila Dave nang malaman nilang may kanta ako ni Taylor Swift sa MP3 player ko. Masyado daw akong lumalambot.
I really don't get their logic. I-ja-judge ka nila by the things you like and dislike. Sa pagkakaalam ko, wala namang gender ang music ah. Kahit anong kanta o kahit sinong singer pwede mong magustuhan. Music is supposed to be universal.
"Cassidy..."
"Janus..."
Natawa siya sa pagkakasabay namin. Para kasi kaming nagro-roll call ng mga pangalan namin eh.
"Cassidy... may... gusto sana akong sabihin sayo..." nauutal ko pang sabi. "Gusto ko sanang sabihin sayo kung anong nararamdaman ko..."
Hindi sumagot si Cassidy kaya ipinagpatuloy ko lang.
"Simula nang makilala kita, ang dami nang nagbago sa akin. Simula nang dumating ka sa buhay ko, parang bigla na lang hindi na mahalaga ang nasa paligid ko. Ikaw na lang ang napapansin ko. At kahit ilang beses akong magpa-alipin sayo okay lang. Basta ba kasama kita."
"Janus..." mahina niyang sagot. "Ano tong sinasabi mo?"
"Mahalaga ka na sa akin, Cassidy." sagot ko sa tanong niya. "Mahal na kita. Gusto na kita. Ng dahil sayo naniniwala na ako sa destiny. Dati kasi, wala akong pakialam. Kung anong nandiyan, kinukuha ko. Kaya siguro I ended up with Stacey kasi siya yung nandun at nagsabing gusto ako. Hindi ko na nga ata ikinonsidera yung nararamdaman ko."
"But with you, everything's different. Ngayon lang ako kinilig, akala ko para lang yun sa babae. Pero kinikilig ako pag tinatawag mo ang pangalan ko, o pag tinitingnan mo ako mula sa malayo. Kahit alam kong galit ka, umaasa akong sa tuwing makikita mo ako ay maiisipan mong patawarin ako."
Hindi pa rin siya sumasagot sa mga sinasabi ko. Malamang nag-iisip siya ng isasagot. I crossed my fingers.
"Binago mo ako, Cassidy. For the better. And in exchange I fell for you. That's how beautiful you are." sabi ko pa. Hanep, ang romantic at poetic ko ata ngayon.
"Pero Janus... alam mo ang kalalabasan nito. May Stacey ka na---"
"Break na kami ni Stacey," automatic kong sabi sa kanya.
"But that's the point," sabi niya rin agad. "Hindi niya ako patatahimikin niyan, at isa pa, sinasabi mong mahal mo ako after you broke up with Stacey?"
Napailing ako. Palpak ang sinabi ko! I sounded like I moved on quickly. Pero totoo naman ah. Ngayon, na-realize ko ng hindi ko na mahal si Stacey. Matagal na.
"Makinig ka Cassidy," paliwanag ko. "Oo, naging mahalagang parte siguro si Stacey ng buhay ko. But that was before. Before she acted like now. Ayoko sa taong hinahamak ang kapwa dahil lang sa mga petty issues. Kaya nga I really hate myself kasi ganun ako. Pero dahil sayo nagbago ako eh."
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...