I was touched with what Cassidy did. I was overwhelmed na kahit wala akong naaalala noon ay tinutulungan niya paring matupad yung mga gusto kong gawin. Dahil sa ginawa niya, mas lalo ko lang siyang minahal. Lalo lang tumindi ang nararamdaman ko at lalo kong gustong gumaling para sa kanya.
Hindi ko na siya binitawan nang mahigpit ko siyang yakapin at magkatabi kaming natulog.
"Cassidy, tulog ka na?" bulong ko sa kanya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Ano yun Janus?"
"Salamat ha, Cassidy," sagot ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nagagawa iyong tapatan ang kirot ng ulo ko.
"Para saan?"
"Salamat at dumating ka sa buhay ko," I said as my eyes watered. "Ngayon masasabi ko ng worth it lahat ng mga pinagdaanan ko, nating dalawa. Kasi andito ka na."
"Naiiyak na rin ako Janus, ano ba yan," sagot niya habang nakayakap ako sa kanya. "I love you."
"I love you too, Cassidy. Sana gumaling na ako agad para hindi ka na malulungkot."
"Gagaling ka Janus," sagot niya. "Just have faith."At hinalikan ko ulit siya. Ang sarap pala ng pakiramdam na ganito. Yung nasa tabi mo yung taong palaging nagpapatibok ng puso mo. Parang it's too good to be true.
Kinaumagahan, agad kaming nagising ni Cassidy. Actually ginising niya ako at pinalabas ng kwarto niya at pinalilipat niya ako sa kwarto ko kung gusto ko pa daw matulog. Baka daw kasi mahuli kami nila Mommy at Daddy na magkatabi sa pagtulog.
Nakasimangot pa ako nang lumabas ako sa kwarto niya kasi gusto ko pa sana siyang yakapin. Kaso pagkalabas ko lang ng kwarto ko ay nasa harapan ko na si Daddy na nakatayo. Siyempre kinabahan ako kasi isa lang ang ibig sabihin nito! Nahuli ako ni Daddy na sa kwarto ni Cassidy ako natulog!
"Dad, sorry wala naman kaming ginagawa---"
"Janus, calm down. Hindi ako galit,"nakangiting sagot ni Daddy. Ako naman, I just stared at him. "Naiintindihan ko naman na mahal mo si Cassidy. I was a teenager too at alam ko yung pakiramdam nang umiibig. Pero sana Janus, maging responsable ka sa mga gagawin mo. Kayong dalawa ni Cassidy. Unahin niyo muna ang pag-aaral niyo at ang paggaling mo. Kapag gumaling ka naman, you had your life ahead of you. You can do anything that you want. Even marry Cassidy."
Tumango ako. "Alam ko naman po yun. Pero Daddy may request ako. Hayaan niyo na po kami ni Cassidy na magkatabi sa pagtulog. Wala naman po kaming ginagawang hindi dapat naming gawin."I looked hopefully at my father's face. Kahit nakakahiya ang sinabi ko ay sinabi ko parin kasi ayoko nang mahiwalay kay Cassidy. Pag hindi ko lang siya makita ng ilang minuto pakiramdam ko mawawala na siya sa akin. Lalo na ngayong mas lumalala na ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko dapat sinusulit ko ang mga minuto na kasama ko siya. Kasi kung hindi man siya mawawala sa akin, baka ako ang unti-unting nawawala sa kanya. At ayokong maramdaman niya yun.
"Mahal na mahal mo nga talaga si Cassidy, anak," sagot ni Daddy na nakangiti. Natuwa ako at mukhang hindi naman siya galit sa pinapakiusap ko. "Natutuwa ako at kahit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niyo ay mahal niyo parin ang isa't-isa. Maganda yan anak. Dapat nagmamahal ka at may nagmamahal sayo upang lumakas ka at lalong gumaling. Kilala naman kita Janus. I trust you at alam kong hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira ng buhay niyong dalawa ni Cassidy."
"Salamat Daddy, pero how about Mommy?" tanong ko.
"Ako na ang bahala sa Mommy mo."
I thanked my Dad and hugged him. Masaya ang naging almusal namin kasi kami ni Cassidy ang nagluto ng pagkain. Tapos tinulungan kami ni Mommy na magluto ng pancakes matapos maging failed attempt yung matubig naming timpla.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...