I've never been this nervous.
Paano ba naman kasi, bukas na ang simula ng School Fair. Excited na ang buong school. May festive spirit na sa bawat sulok ng university. Siyempre, pati ako excited. This will be my very first School Fair, and I want it to be memorable.
Isang linggo ang duration ng School Fair. Sa umaga, merong mga sports competition kung saan naglalaban-laban pala ang apat na Dorm Houses. Four years in a row na palang champion ang Green House (na expected naman kasi halos mga varsity ang nandun) samantalang four years in a row naring kulelat ang Blue House.
Pero higit pa sa mga sports events, pinakaaabangan ang mga activities tuwing gabi. Sa unang gabi, ginaganap daw ang Amazing Games, kung saan bawat dorms ay may representatives na haharap sa mga mahihirap daw na challenges in front of a live audience. Parang Hunger Games daw, ganun.
Pero hindi naman yun ang nakakapagpakaba sakin. Wala naman kasi akong balak na sumali. Ang prinoproblema ko talaga ay kung pano ako magkakaroon ng ka-date.
Sigh.
I know. Pwede naman kasi talagang mag-attend ng School Fair ng walang date. Pwede namang sina Atlas ang kasama ko habang sinusubukan ko yung mga rides, booths, at kung anu-ano pa.
In fact, yun ang matagal ko ng plano, noon pang unang beses kong nalaman na may ganito pala pag School Fair.
Pero kasi, nakilala ko na si Cassidy. Nalaman ko na ang past niya na intertwined naman pala sa past ko. Nagising nalang ako isang araw na I had this sudden urge to try all those booths and rides with her. Parang doon sa Gloria Fantasyland.
Siguro, kung di ko siya nakilala, di ko naman to ngayon problema. Pero yun nga, nakilala ko na siya, kaya ganun na lang ang kagustuhan kong sumaya siya.
Ngayong araw naman, sinubukan kong umiwas kay Natalie na mukha yatang pursigido na habulin ako kahit saan ako magpunta. Pagkatapos ng ilang beses kong pagtatago sa mga benches at kiosks, naiwasan ko rin siya. Akala ko naman ay tapos na ang lahat nang matakasan ko siya, pero bigla naman akong nilapitan ng isang babae na alam kong taga-Red House at bigla akong tinanong kung may ka-date na daw ba ako para bukas.
Ako naman, tumango nalang. "Sorry, meron na kasi akong ka-date..." pagsisinungaling ko para tigilan na nila ako.
Sumimangot yung babae, pero umalis na din agad.
Hay! Nakahinga na rin ako ng maluwag. Oh yes! I love freedom! Lol.
"Naks! Ang gwapo naman natin diyan!" Napalingon ako sa boses. Si Atlas. Inakbayan niya ako mula sa likod. Nakita niya pala yung eksena kanina. Nahiya tuloy ako. Kasama niya sina Owen at Chari.
"Bilib na talaga ako sayo Janus!" sabi pa ni Atlas na abot-tenga ang ngiti sa di-maipaliwanag na dahilan. "Tinataboy mo na lang ang mga chicks! Paano ba maging heartthrob? Teach me master!"
"Loko," sabi ko sabay batok sa kanya.
"Pero teka, tama ba ang rinig namin? May ka-DATE ka na?" May stress talaga sa DATE eh no. Namula naman kuno ako. Wala pa naman kasi... white lie lang yun...
"Si Cassidy, right?" malungkot na sabi ni Chari. Halata sa mukha niya yung disappointment. Oo nga pala, may gusto nga daw pala siya sa akin. Na-bother tuloy ako.
Hindi na lang ako sumagot. How I wish kaya kung sagutin sila ng 'oo'.
Lalong natawa si Atlas sa speechless mode ko. Bumaling siya kay Chari. "Oh, paano ba yan Chari-babes, may date na si Janus. Usapan natin, na sa akin ka makikipag-date kapag---"
Binatukan siya ni Chari ng pagkalakas-lakas. Namumula din siya. "Ewan ko sayo!" Piningot niya sa tenga si Atlas at hinila papuntang Blue House. Napapasigaw na si Atlas sa sakit.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...