10. Crazy Dreams

1.1K 41 0
                                    

Lumakas pa ang pagkatok ni Prof. De Castro sa pinto. Nagkatinginan na lang kaming anim, at ang lakas na ng tibok ng puso ko. Bakas rin sa mga mukha ng mga kaibigan ko na pare-parehas kami ng nararamdaman ngayon.

"Mr. Mercado! Buksan niyo 'to! Mr. Pacia! Mr. Rubio! Mr. Saportada!" sigaw ulit ni Prof. De Castro sa labas ng pinto sabay katok nang malakas.
Kilalang mabait na teacher si Prof. De Castro pagdating sa lecture, pero kilala din siya na istrikto at hindi nagbibigay ng chance sa mga hindi sumusunod sa kanyang mga rules. Sabi nga ni Chari minsan, nung nagsabog daw ang Diyos ng consideration eh natutulog daw si Prof. De Castro nun.

Ang lakas ng sigaw ni Prof. kaya alam kong nakakabulahaw na sa iba ang nangyayaring ito. Alam ko ring si Mr. Mercado ay si Atlas, at si Mr. Pacia ay si Owen, at si Mr. Rubio ay si Charles. At malamang si Mr. Saportada ay si Vince. Ibig sabihin, hindi pa nila alam na nandito ako sa loob ng kwarto nila Atlas.

"Kuya Guard, pakikuha nga ang susi ng room 205 sa reception area! Dali!" Dinig ko mula sa labas kaya natakot na ako dun.

"Patay," bulong na rin ni Charles. Nagpa-panic na rin ang lahat. And in an instant, bigla na lang akong hinila nina Cassidy at Atlas papunta sa may bintana.

"Janus, kailangan nating makaalis sa room na ito," pabulong na sabi sa'kin ni Cassidy. Lumapit din si Chari sa amin.

"Paano? Hindi ba dapat magtago na lang tayo somewhere?" Sagot ko namang nalito na.

"Imposible yun," sagot naman agad ni Cassidy.

"Eh anong gagawin natin? Papano tayo makakaalis? Kukunin na nila ang susi!" Ani Chari na namumutla na rin.

Pero biglang binuksan ni Atlas 'yung bintana sa likod namin at tiningnan kami. Nakatingin lang kami sa kanya, dahil hindi kami sigurado sa gusto niyang gawin namin. Ayoko rin kasing isipin na yun ang dapat naming gawin para makatakas sa kwarto nila.

Pero minamadali na kami ni Atlas. "Ano pang hinihintay niyo? Alis na kayo! Baka maabutan pa kayo dito ni Prof. De Castro!" Pabulong na sigaw ni Atlas na nagpa-panic na din.

"S-Seryoso ka? Bababa kami diyan?" Takot na takot na talaga si Chari. Itinuro niya ang bukas na bintana na parang shortcut yun sa impiyerno.

"Malamang! Sigurado ako magi-inspect sila mamaya sa buong room kung anong meron tayo dito. They’re bound to think na nag-iinuman tayo. So ano na, umalis na kayo!" Utos ni Atlas. "Ang alam lang nila, kaming apat lang ang nandito. Pag nakita nila kayo, malaking gulo yun. Understand?"

Tumango na lang at tinulungan kami ng tatlo na umakyat sa bintana. Nagdasal na lang ako nang matindi. Nasa second floor kami, kaya hindi ko alam kung paano kami nakarating pababa ng ground floor nang ganoon kabilis.

Ang alam ko lang, ginamit ko na ang lahat ng skills ko sa wall climbing ‘kuno’ para makababa lang. Hindi ko rin alam kung paano nakababa sina Cassidy at Chari pero nakababa din talaga sila ng walang ano mang galos o gasgas.

All of a sudden ay nakatapak na kami sa lupa sa labas ng building, at para makabalik kami sa mga rooms namin ay dadaan kami sa reception area at baka mapagkamalan pa kaming galing sa labas. Mas delikado.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Chari sa'min ni Cassidy.

Umiling ako. "Parang mas lumala pa yata ang kasalanan natin ngayon 'pag makita nila tayo ngayon. Sana hindi na lang tayo bumaba."

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon