Hindi parin makapaniwala si Cassidy habang papalapit kami sa mga booth at rides. Maraming tao ang nandoon, puro mga estudyante ng REU. Nakapila pa sa labas ang ilan na bumibili ng ticket sa ticket booth.
"Grabe ka Janus! Paano nangyari to? Talagang gumastos ka para dito? Ang gastos nito! Yung renta sa rides! Yung kuryente! Yung mga tao!" sigaw ni Cassidy sakin. Malapit na kami sa entrance.
"Sabi ni Atlas, mga dati kong kaibigan ang nag-asikaso dito," sagot ko.
"Sila Stacey?" tanong ni Cassidy at tumango ako. "Eto ba yung pinagawa mo sa kanila? Pinabalik mo yung School Fair sa kanila?"
Tumango ako ulit. Naaalala ko na kasi sila Stacey. Hindi ko alam kung paano nila nagawang itayo ulit ang School Fair at kung magkano ang nagastos nila pero ayoko nang isipin yun. Akala nga daw nila Atlas ay susuko sila Stacey sa pinagagawa ko sa kanila, pero hindi sila natinag. Kaya siguro dahil dun handa na akong patawarin sila. Isa pa wala ng saysay na magalit pa sa kanila. Hindi naman sila nagtagumpay na paghiwalayin kami ni Cassidy.
Pumasok na kami sa School Fair at bigla kong naalala ulit yung School Fair na bago nito. Nakakatuwa nga eh, dahil dito bumabalik ang lahat nang nakalimutan ko.
Habang dumadaan kami sa mga tao at sa mga rides pansin ko ang tuwa sa mukha ni Cassidy. Hindi niya talaga inexpect na makakabalik kami pareho sa School Fair. Isang beses sa isang taon lang kasi ito ginaganap pero andito ito ngayon, nangyayari para samin ni Cassidy.
"Ayun sila Atlas oh!" turo ni Cassidy sa isang booth na mukhang prisinto at parang alam ko na kung anong meron doon. Maraming nakapila sa Posasive Love booth nila ni Chari pero paglapit namin agad sumigaw si Atlas sa megaphone.
"O tabi-tabi muna kayo guys at nandito na sina Janus at Cassidy! Dahil sa kanila kaya merong School Fair ngayong gabi kaya magbigay pugay kayo!"
Nakita ko namang nagsitabi yung mga taong nakapila at nagpalakpakan pa sila habang naglalakad kami papunta kina Atlas at Chari. Nakasuot sila ng t-shirt na may tatak na 'Chapter 2'.
"Loko-loko talaga itong si Atlas," komento ni Cassidy na natatawa.
"O Janus, Cassidy, ready na ba kayong magpaposas?" tanong ni Chari at tumango naman kami. Kaya nilagay na ni Atlas yung posas sa aming kamay.
"Ayan, di na kayo makakapaghiwalay niyan," sagot ni Atlas. "Sakyan niyo lahat ng booths hanggang gusto niyo, libre kayong dalawa... Enjoy!"habol pa ng dalawa.
At yun nga. Bilang 'Chapter 2' ng gabing ito, sumakay kami sa iba't-ibang rides. Ang nakakatuwa, kapag papunta kami sa isang ride, biglang aalis yung ibang taong naroon kaya nasosolo naming dalawa ni Cassidy yung ride.
Una naming sinakyan yung bump cars. Nakakatawa kasi pareho kaming di marunong. Tawa nga nang tawa si Alex habang kinukunan kami ng video.
Tapos pumunta kami sa Carousel. Sa iisang kabayo lang kami sumakay at kuha ako nang kuha ng mga pictures namin gamit ang Polaroid camera ko. Agad kong pinapakita sa kanya yung picture na tinatago niya din agad sa bulsa niya. Nagtry din kami sa water gun at basang-basa ako agad. Di kasi ako makaiwas kay Cassidy kasi nga nakaposas ako sa kanya. Hinamon din kami nila Alex at Fred ng isang water gun fight at epic ang pagkatalo namin ni Cassidy. We ended up wet and soaked pero ang saya lang. Nang matapos kami, binigyan naman kami ni Fred ng mga bagong t-shirt kung saan kami magbibihis. Nagulat pa ako kasi may nakasulat sa mga t-shirt namin. Yung kay Cassidy, 'I <3 Mr. Go' tapos yung sakin naman 'I <3 Ms. Torres'. Namula si Cassidy pagkabasa niya sa mga t-shirt namin.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...