52. Stay

870 32 5
                                    

Bago pa man sabihin ng doktor ang kalagayan ko ay alam ko na ang lahat. Alam ko nang malabo na akong gumaling at lalong lumalala ang tumor ko. Hindi ko na kailangang makinig sa English na paliwanag ng doktor dahil simpleng logic lang naman ang lahat. Mas naintidihan ko pa nga ang mga sinabi ni Cassidy kesa dito.

Bumalik na ang tumor ko dahil bumalik na din ang mga ala-ala ko. Ganun kasimple. Nang mawala ang mga ala-ala ko, nawala din ang tumor ko. At ngayon pareho na silang nagbalik.

I wanted to be angry. I wanted to hate the world. I even wanted to hate God. Paano kasi, sa dami nang dumaang pagsubok sa'kin ngayon ko lang naramdaman 'yung bigat. Napakabigat. Siguro kasi wala si Cassidy sa tabi ko para gumaan ang pakiramdam ko kahit papano. Kaya natatakot ako. Ayokong mamatay na ganito kami ni Cassidy lalo na at paalis na pala siya.

Minsan naiisipan ko na puntahan siya at sabihin ang lahat tapos magpapakalayo-layo na lang kami. Wala na kaming iintindihin pa at magpapakasaya lang kami. Marami kaming pupuntahan at marami kaming mai-experience na bago.

Kaso imposibleng mangyari yun kasi hindi ko naman matatakasan ang sakit kong ito. Gaya nila Augustus at Hazel Grace ng The Fault in our Stars ay wala naman kaming magagawa kundi umasa na gagaling pa ako. Kung hindi nga lang ako natatakot na sisisihin na naman ni Cassidy ang sarili niya ay baka sinabi ko na sa kanya ang totoo para magkasama na ulit kami. Kaso wala na naman akong choice.

"Janus, siguro naintindihan mo naman ang sinabi ng doktor. Hindi ka na pwedeng magpakapagod," paalala ni Mommy na nasa tabi ko. Nasa bahay na ako at nagpapahinga sa kwarto ko. Kaaalis lang ng doctor na nag-asikaso sa'kin. Kasama rin namin si Daddy at si Natalie na hindi ako iniwan simula nang mag-collapse ako dun sa Cherry's Pie.

"Opo," sagot ko.

"Alam mo rin siguro na pinayuhan ka na ng doktor na tumigil ka na muna sa studies mo. Seryoso na ang condition mo anak kaya sana naman pumayag ka ng dito ka na lang muna sa bahay." Halata sa mukha ni Mommy ang pangamba, kaya medyo nasasaktan din ako.

"Mommy, Daddy, ayoko po'ng tumigil mag-aral," protesta ko naman agad. Hindi pwedeng dito lang ako sa bahay, mababagot ako. At saka hindi ko makikita si Cassidy.

"Pero Janus natatakot kami, baka kung anong mangyari sa'yo sa school niyo..." sabi naman ni Daddy.

"Hindi po ako magpapagod. Promise po hindi ko po papagurin ang sarili ko." Tinuro ko si Natalie. "Andiyan si Natalie, witness ko siya. Pwede siyang magsumbong sa inyo kung nagpapasaway ako. Kung kinakailangan na tumigil na rin ako sa pagbabanda gagawin ko. Wag niyo lang po muna ako'ng patigilin mag-aral... Please Mommy, Daddy... Nakikiusap po ako..."

Nagkatinginan naman sila Daddy at Mommy. "Fine," sagot ni Daddy. "Basta dapat wala ka ng activities. Bawal ka nang magpuyat at mag-isip masyado. At kung kinakailangan ka naming bantayan araw-araw at oras-oras ay gagawin namin."

"Babantayan ko din po si Janus sa school, 'wag po kayong mag-alala, Tito, Tita," dagdag rin ni Natalie. Grateful talaga ako sa kanya dahil sinusuportahan niya pa rin ako sa mga gusto ko kahit alam niyang may sakit ako.

"Thank you iha, that is so kind of you..." pagpapasalamat ni Mommy.

Pagbalik ng pasukan after New Year ay pumasok na ulit ako sa school. Araw-araw binibisita ako ni Mommy o Daddy sa Green House. Minsan sabay pa sila. Umaalis lang sila 'pag kasama ko si Natalie o di kaya ay sina Atlas. Alam na nila Atlas ang tungkol sa tumor ko kaya balisa din sila ngayon. Nagkaroon pa nga kami ng org meeting para sa akin.

"Bakit di mo agad sinabi sa'min Janus?" Naiiyak na tanong ni Chari. Nasa Green House kaming lahat na nakatambay. "Sana pala hindi na tayo pumunta kina Owen para hindi ka napagod!"

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon