47. Temporary Memory Loss

807 32 4
                                    

Makulimlim ang langit ng araw na iyon. Hindi ako pinayagan ng doktor na sumama pero nagpumilit ako kahit pakiramdam ko nahati na ang ulo ko sa dalawa.

Nagising na lang kasi ako na nasa loob ng ambulansiya, at bigla kong naalala ang lahat.

***

Sumalpok ang kotseng sinasakyan namin ni Gian, at maswerte akong nakaligtas. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Gian, pero sana maayos lang siya. Nadamay lang siya sa nangyari at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya.

Pero ang mas nakakatakot ay kung ano ang nangyari kina Jared at Cassidy. Kitang-kita ko kasi kung pano nayupi yung kotseng sinasakyan nila bago kami naman ni Gian ang nag-crash.

Pagkatapos ng aksidente, nagkalabo-labo ang utak ko at wala na akong masyadong maintindihan. Basta ang alam ko may kumuha sa'kin mula sa kotse at sinakay ako sa ambulansiya. Tapos ang sunod na alam ko nasa ospital na ako at katabi ko na sina Mommy at Daddy na iyak nang iyak. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi nila o kung anong nangyayari, para bang may salamin sa pagitan namin na humaharang para marinig ko ang mga boses nila nang maayos. Iyak na lang din ako nang iyak kasi ang sakit ng ulo ko tapos wala talaga akong maintindihan, hanggang sa mapansin ko yung kulang.

Kung sino yung kulang.

Alam ko na, na wala na si Jared nung moment na yun. Alis kasi nang alis sila Mommy at Daddy, at sa tuwing babalik sila sa'kin lagi silang kagagaling umiyak. At nang tinanong ko sila kung asan si Jared, mas umiiyak lang si Mommy.

Napaiyak na lang na naman ako.

***

Nakatulala lang ako habang ibinababa sa lupa yung kabaong. Hindi ko pa rin tanggap. Hindi pa rin ma-process sa utak ko yung nangyari. Sa tindi ng sakit, wala na akong masyadong maramdaman. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangang mamatay ni Jared.

Siya daw ang napuruhan nang bumangga ang kotse ni Dave sa malaking bato. Dead on arrival sa ospital. Basag daw ang ulo. Gusto ko ngang umiyak nang umiyak, pero pati pag-iyak hindi ko na ata kaya.

Isang linggo na simula noong maaksidente kami at libing na ngayon ni Jared. Ang dami ngang nakipaglibing. Nandito yung pamilyang kumupkop kay Jared. Naaawa nga ako sa mga tumayong magulang ni Jared. Gulat kasi sila sa nangyari sa anak nila. Hindi pala dumaan sa kanila si Jared pagbalik niya galing Mindanao. Dumiretso siya sa'kin. Kaya alam kong masakit para sa kanila ang biglaang pagkamatay ni Jared. Yung mga kapatid nga ni Jared hindi pa rin nila tanggap na wala na ang kuya nila. Kanina tinawag pa nila akong ‘Jared‘. Lalo lang tuloy akong nasasaktan.

Pati si Cindy na iyak lang din nang iyak, nandito. Tulad ng pamilyang kumupkop kay Jared, hindi rin siya makapaniwalang wala na ang kakambal ko. Nakausap siya ni Mommy kanina at sising-sisi daw si Cindy na pinaalis niya si Jared sa kanila. Akala niya daw kasi si Cassidy pa rin ang mahal ni Jared kaya nagselos siya. Sinabi naman ni Mommy na nakwento ni Jared si Cindy sa'kin kaya kinulit ako ni Cindy. Pero dahil hindi ako makausap nang matino wala ding napala sa'kin si Cindy.

Lahat ng tao umiiyak. Sino nga ba naman ang hindi maiiyak, eh ang bait na tao ni Jared.

Sinisisi ko nga ang sarili ko eh. Ako kasi ang nakiusap kay Jared na magpanggap bilang ako. Ako dapat yung namatay. Hindi siya. Ako dapat yung nililibing ngayon dito sa memorial park. Ako dapat ang pinaghigantihan nila Dave.

Hindi na ako kumikibo kahit kanino simula noong malaman kong wala na si Jared. Kulang ang salitang 'kalungkutan' para sa nararamdaman ko. Ng dahil kasi sa akin, wala na ang kakambal ko.

Mabuti pa si Dave, nabuhay. Hanggang ngayon nasa ospital pa rin siya dahil malala rin ang tama niya. Which he deserved. Galit ako sa kanya, kasi kailangan niya pang idamay sina Jared at Cassidy samantalang sa akin siya galit. Alam ko naman na personal na ang galit niya sa akin, dahil bukod sa iniwan ko sila sa ere, gusto niyang ipaghiganti si Stacey. Nasaktan daw ng husto si Stacey nang hiwalayan ko siya noong Prom Night. At dahil matagal na siyang gusto ni Dave, gusto naman niya akong gantihan. Kaya inaamin ko na nagalit ako sa Diyos dahil si Dave pa ang nabuhay at hindi si Jared. Pero naisip ko rin, siguro itong pagka-aksidente ni Dave ay ang kabayaran ng lahat nang ginawa niya. Pag magaling na kasi siya, dadalhin siya sa DSWD kasama ni Sean at ng buong Alpha Pizza Pie para i-detain. Hindi pa kasi silang pwedeng makulong dahil mga minors naman sila. Pinahuli kasi sila ni Daddy sa mga pulis, at napatunayang in-abduct at binugbog nila sila Jared at Cassidy.
Tapos si Gian naman, na salamat at maayos naman ang kalagayan, na-expel daw sa school nila. Naawa nga ako kasi hindi naman dapat sila kasama sa mga pinarusahan. Nadamay lang sila dahil sa‘kin. Pero ang lumabas kasi na balita ay isa daw frat war ang naganap kaya equally guilty daw ang parehong frat. Naging matindi daw kasi ang rambulan ng dalawang frat na iniwan namin ni Gian nang hinabol namin si Dave. Naaawa ako kay Gian kasi hindi naman siya dapat naparusahan. May narinig pa ako kanina na sinugod daw siya kahapon ng galit na galit na mga taga-Alpha Pizza Pie. Ginagantihan daw siya dahil sa nangyari sa Alpha Pizza Pie, mabuti na lang daw at nandoon ang Tatay ni Cassidy at naipagtanggol siya.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon