57. Reminiscing

734 25 4
                                    

Malaki ang pinagbago ng buhay ko simula nang mag-chemoteraphy ako. Tuluyan nang nalagas ang mga buhok ko kaya ang ginawa ni Cassidy, binili niya ako ng mga bonnet. Palagi ko nang suot iyon kahit nasa kwarto lang ako. Naiilang parin kasi ako sa itsura ko pag nakikita kong wala na akong buhok sa salamin.

Dahil din sa theraphy ay unti-unting humihina ang katawan ko. Kinakailangan ko na palagi ng alalay kapag maglalakad ako o bababa ng hagdanan. Kaya kahit saan ako magpunta kasama ko palagi si Cassidy. Siya ang nakaalalay sakin parati. Sina Mommy at Daddy naman ay palaging nakabantay sa kung ano man ang mangyayari.

Sa mga sumunod na araw umikot ang mundo namin ni Cassidy sa bahay. Dahil madali na akong mapagod, hindi na kami lumalabas. Kaya ko pa namang maglakad halimbawa sa mall kaso masyado akong mabagal maglakad. Mukhang kailangan ko nang mag-wheel chair kung gusto kong mamasyal sa mall. Kaya dito na lang ako sa bahay. Hindi naman ako nabo-bore. Nilalaro namin ni Cassidy yung mga aso namin. Pinakakain at pinaliliguan din namin sila. Minsan nagdidilig kami ng mga halaman. Paminsan-minsan nagbabasa naman kami ng libro ng sabay. Minsan naman nag-uusap lang talaga kami ng mga kung ano-anong bagay. Tulad ngayon.

"Bakit gustong-gusto mong lagi tayong magkatabi sa pagtulog?" tanong ni Cassidy. "Sa totoo lang Janus, dapat di na kita tinatabihan. Iba na ang kondisyonmo. Mamaya madaganan kita, di ka makahinga..."

"Ayokong mag-isa sa kwarto," sagot ko na nakasimangot. "Saka hindi na kita mahahalikan kung gusto ko..."

"Alam mo kung wala ka lang sakit masasabi ko talagang manyak ka..." sabi niya at natawa ako.

"Ayaw mo na bang hinahalikan kita?"

Agad siyang namula. "Hindi naman sa ganun. Nagugulat lang ako sayo minsan. Kahit kasi palagi tayong magkasama halik ka ng halik na parang aalis ka..."

I smiled at her remark. "Natural lang yun sa isang lalaki," sagot ko. "Mas physical kasi kami mag-express ng feelings. At dahil mahal na mahal kita, wala akong magagawa kung ganun ako ka-expressive sayo."

"Yan tayo eh," sagot niya at pareho kaming natawa. "Paano ka pala mamaya, eh uuwi ako sa Sunnyville?"
tanong niya. Nagpaalam kasi siya kanina na uuwi siya sa Sunnyville dahil may sakit daw ang lola niya. Ayoko mang umuwi siya ay hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil lola niya yun. Kung pwede nga lang na sumama ako sa kanya, gagawin ko di lang kami magkalayo.

"I'll be fine. Babalik ka naman eh. Sa gwapo kong ito, matitiis mo ba ako?" I kidded to make her smile. Bigla kasi siyang nalungkot.

"Ngayon pa lang namimiss na kita," sabi niya at niyakap ko na lang siya.

"Ako din," sagot ko. "Uwi ka agad ha, Miss Torres."

"Ano ba yan, parang nakakakilig pakinggan. Parang asawa na kita na naghihintay sa pag-uwi ko."

Di ko napigilang ngumiti. "Miss kasi kita ngayon. Pero balang araw magiging misis din kita..."

"Gago ka talaga Mr. Go," hirit niya na halata namang kinikilig. "Naku kung hindi lang ikaw ang pinakamamahal ko..."

Ako naman ang kinilig sa sinabi niya. Tapos may naalala ako bigla na sinabi niya minsan doon sa Cherry's Pie. "Cassidy. Naaalala mo ba yung sinabi mo noon sa Cherry's Pie? Yung nagpaalam ka sakin na aalis na kayo ni Gian sa El Nido?"

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon