Hindi na kami muling nag-usap ni Cassidy hanggang sa makarating kami ng Sorsogon, kung saan sasakay kami ng barko sa unang beses. Pagpasok namin sa barko, agad siyang nagpunta sa canteen. Ako naman, nahiga lang ako sa bunk bed ko kasi nahilo ako nung umandar 'yung barko. Dun ko nalaman na sumasakit pala yung ulo ko at nahihilo ako sa barko 'pag tumatayo ako.
"May nausea ka pala Janus!" Agad na puna sa'kin ni Atlas. Hindi na lang ako sumagot sa mga sinasabi pa niya at sinubukan kong matulog, pero nahihilo na talaga ako.
Samantala, nakita ko sina Stacey na nagpunta sa top deck ng barko kung saan nag-videoke sila doon. Niyaya nila ako pero umayaw ako agad. Ilang bunk beds naman mula sa akin ay sina Owen, Atlas, Chari at Charles na naglalaro ng Pinoy Henyo. Natatawa ako kasi naririnig ko silang naglalaro. Nanalo si Atlas dahil nahulaan niya yung word within two seconds. Ang pinahulaan sa kanya ay 'yung salitang TAO.
Gusto ko sanang sumali sa kanila kaso, yun nga, madali pala akong mahilo sa biyahe sa barko. Ngayon ko lang ito nalaman. Okay naman kasi ako sa eroplano, so I thought I was going to be okay with ships. But I was wrong. Maybe being in water made the difference.
That's why I can't help but think, I wonder, alam din kaya ni Cassidy na may motion sickness ako? Maybe not. Or else siguro naman sasabihin niya naman sa'kin ang tungkol dun.
Di kalaunan ay lumapit naman sa bed ko sina Atlas at niyaya nila akong maglaro. Niloloko nga ako ng mga ungas. Nagkukunwari silang nahihilo din sila tapos uma-acting na nag-iinuman. Yun nga lang may sumita sa'min dahil sobrang ingay na pala namin. Natawa na lang ako kaya parang nakalimutan ko na rin na nahihilo ako.
Ang saya pala talaga na magkaroon ng ganitong makukulit na mga kaibigan. Hindi ko pa naman kasi na-experience ang ganito mula nang magising ako sa coma. Ngayon pa lang.
I feel so happy and grateful, dahil concerned talaga sila sa sitwasyon ko. Tapos para talaga akong may sakit kung alagaan ni Chari. Binigyan din niya ako ng Bonamine. At promise, effective! Hindi lang nawala ang pagkahilo ko, nakasali pa ako sa laro nila!
Naging matagal ang biyahe, pero itinulog ko na lang ang lahat. Kaya finally nang makadaong kami sa Dapitan Port, agad kaming dumiretso sa hotel headquarters namin, upang magpahinga muna. At roommate ko pala sina Tanner, Jio at Dave.
Panay ang kwento nila tungkol sa kantahan nila sa tuktok ng barko at kung paano naging truth or dare yun na humantong sa paghahalikan nina Mich at Peter na pawang mga lasing na pala. Kung pag-usapan nila yun, parang napaka-importanteng bagay ang nangyari.
"Sana nakita mo Janus kung paano sila naghalikan! Torrid kung torrid! Hanep!" Pang-limang ulit nang kwento ni Tanner habang nag-aayos kami ng mga gamit namin sa kwarto.
"At ang hot lang nung sumayaw sina Stacey at Mich ng Gimme! Gimme!" Natatawa pang kwento ni Dave na para bang hindi niya girlfriend si Stacey.
"Naku pare!" sagot naman ni Jio sabay tapik sa balikat ko. "Ang dami mo nang nami-miss! Di bale, mamayang gabi, sasali ka na! Di ka pwedeng mawala mamaya!"
"Bakit, anong meron mamaya?" tanong ko.
"Basta! Promise, mag-i-enjoy ka!" Ani Jio na kumindat pa sa'kin.
Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit namin, pinagsuot kami ng pang-beach na attire dahil pupunta daw kami ng Dakak. Ito 'yung sikat na beach dito sa Dapitan, at sabi nila kahit artista pumupunta daw talaga sa beach na ito.
At totoo nga. Ang ganda-ganda ng beach ng Dakak! Napakapino ng white sand nila! At ang ganda ng tubig!
Dali-daling nagtakbuhan sa buhangin ang mga classmates ko. Pati sina Stacey, Mich, Jio, Tanner, Dave at Peter ay agad napalusong sa tubig. Nakita naman nila ako kaya hinila nila ako papunta sa tubig.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
Ficción GeneralNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...