Sinubukan kong tawagan si Cassidy kaso hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Tss. Nasaan na naman kaya siya?
Ang dami kong gustong itanong sa kanya tungkol sa mga nalaman ko kay Jane.
Sa susunod na linggo na ang School Fair kaya nag-aalala na ako. Malapit nang umalis ng school si Cassidy kaya medyo natatakot akong isipin na baka inunahan na niya ang original schedule niya.
Hindi pwede. May kasunduan kami. Apat pa lang kina Stacey ang nagagantihan namin. Sila Jio, Mich, Tanner at Peter pa lang ang nagagantihan namin. Hindi pa kami nakakagawa ng plano para kina Dave at Stacey mismo. At saka dapat dalawang beses siyang magkukwento tungkol sa nakaraan ko ngayon kasi nagdouble time kami kina Tanner at Peter. Kaya hindi pa rin namamatay ang pag-asa kong makikita ko siya.
Matamlay akong pumasok sa Literature Class ko kasi may feeling naman ako na hindi siya papasok. Pero nag-reserve pa rin ako ng seat para sa kanya sa tabi ko.
Nagsimula na ang class at naglelecture na ang Prof. Inaantok na naman ako. Nitong mga nakaraang araw, napansin kong antukin na ako at pag-gumigising ako tuwing umaga, lagi na lang sumasakit ang ulo ko. Medyo nag-i-expect ako na may maaalala ulit ako pag sumasakit siya, pero wala. Napapaisip tuloy ako kung side effect ba itong sakit ng ulo sa pagbabalik ng isang piraso ng ala-ala ko.
Nakakabagot na talaga yung class. Ngayong di na ata papasok si Cassidy sa class na ito (kasi dropped na siya kapag di pa siya magpakita ngayon) parang ayoko na ring pumasok sa class na ito.
Kaya habang nagsasalita yung Prof, ako naman ay nagdi-day dream.
Naisip ko na naman yung kiss namin ni Cassidy. At shit lang, namula ako.
“Mr. Go?” biglang tanong ng Prof. Tinatawag na pala ako! Napa-sit-erect position tuloy ako. “Please tell Miss Torres what we have discussed last meeting so she can participate with today’s activity. And Miss Torres, please be reminded that you have reached your maximum absences for this class, so any more absences from you will automatically drop you in this class, okay?”
Parang natulala naman ako. Miss Torres daw? Napalingon ako at nasa tabi ko na pala si Cassidy. Ngumiti siya sa akin. Hindi ako makapaniwalang nandito siya, ni hindi ko nga napansin na pumasok siya ng room.
Iba ang itsura niya ngayon. Mukha siyang haggard at parang walang tulog at…
…umubo siya.
Nagkasakit nga siya. Tama ang hula ko.
Nag-discuss kami tungkol sa activity last meeting at kami pa ang nag-partner ngayon sa activity. Magsusulat lang naman kami ng essay tungkol sa opinion namin about sa mga poems na nabasa namin. Madali ko yung tinapos kasi may itatanong pa ako kay Cassidy.
“Cassidy… saan ka ba nanggaling?” tanong ko.
“Umuwi ako sa amin...” simple niyang sagot.
Oh. Umuwi pala siya sa kanila. Saan nga ba siya nakatira?
“Ba’t ang tagal mo naman?”
Naubo ulit si Cassidy. “Nagkasakit kasi ako. Nagpahinga muna.”
Okay. Matipid siyang sumagot ngayon. “Nag-alala ako sayo. Sana nagpaalam ka man lang.”
Hindi niya yun sinagot. Iniba niya ang usuapan. “Kumusta ang pag-uusap niyo ni Jane?”
I rolled my eyes. “Ayun. Mas lalo kong minahal ang old self ko,” sarkastikong sagot ko. “Nakakatuwa talaga ako noon.”
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...