34. Jealous

909 32 0
                                    

Dumiretso na ako sa spa and sauna room. Doon ko na hinintay si Cassidy.

Thirty minutes. Wala pa rin si Cassidy. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila ng Gian Salazar bastard na yun?

At sino ba talaga yun? Talaga bang kakilala ko siya since high school kami? Bakit hindi ko naman ata naririnig ang pangalan niya kina Dave at Stacey? At ano naman kaya ang koneksyon niya kay Cassidy?

Tss. Ang dami ng tanong sa utak ko.

Isang oras na ang nakalipas. Wala pa rin si Cassidy. Gusto ko na silang puntahan.

But I controlled myself. I had to trust her.

Habang naghihintay ako, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Na-iimagine ko kasi yung mga pwedeng nangyayari ngayon sa pagitan nila.

"Cassidy... mahal parin kita... pwede bang tayo na lang ulit?"

"Pero Gian, may boyfriend na ako..."

"Alam ko. Iwan mo na siya. Alam ko namang panakip-butas mo lang siya di ba? Tayo na lang ulit..."

Argh! Nakakainis na talaga! Kahit imagination ko lang yun nag-init talaga ang ulo ko! Hindi ko kasi dapat hinayaan na mag-usap silang dalawa!

One hour and thirty minutes.

Hindi ko na kayang maghintay pa. Tumayo na ako at lumabas ng spa room. Bumalik ako sa lobby kung saan ko sila iniwan. Nadatnan ko pa rin sila doon.

Pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi nila ako napansin kasi masyado silang absorbed sa ginagawa nila.

Nagyayakapan sila. 

Umiiyak si Cassidy sa dibdib ni Gian bastard habang magkayakap sila. Inaalo naman nung mokong yung girlfriend ko at parang may ibinubulong. Anak ng okra naman oh. Ganito talaga dapat ang dadatnan ko?

Gustong-gusto ko silang sugurin. Gustong-gusto ko silang paghiwalayin at i-interrogate.  Gustong-gusto kong bugbugin si Gian bastard.

Oo. Nagseselos ako.

Ako ang naturingang boyfriend pero ayun si Cassidy sa piling ng ibang lalaki. Pasugod na sana ako nang marinig ko ang hikbi ni Cassidy sa dibdib ni Gian.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Janus..."

Napatigil ako. 

"Alam mo ang dapat mong gawin Cassidy," sabi naman nung Gian bastard. 

I walked out after hearing that.

Nagagalit na naiinis ako.

Eh kasi naman nakakainis na talaga. Yung pinag-uusapan nila... tungkol pala sakin. Tungkol sa mga bagay na hindi ko na naman alam. 

Nakakasawa na rin.

I wanted to confront her. To know everything. Nakakasawa na talaga kasi. Pakiramdam ko, para akong batang nangangapa sa dilim.

But I contained all my frustrations. Gusto ko sana, si Cassidy mismo ang magsasabi ng lahat-lahat ng kusa. I know I should trust her. Baka may reason siya kung bakit hanggang ngayon eh tinatago pa rin niya yung nakaraan niya, kung ano man yun.

Isa pa, sabi niya sasabihin na niya lahat pagbalik namin sa Manila. Nakakainis lang talaga kasi pag may sumusulpot na ganitong mga eksena.

Kaya for now, I'll let this pass. Sabi nila, trust is important in a relationship. And that's what I'm going to do.

To trust her.

****

Bumalik ako sa hotel room namin at nahiga.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon