45. Obstacles

833 25 0
                                    

Nagising ako at napansin kong nakahiga pala ako sa hospital bed. Agad akong napabalikwas ng bangon. Wrong move. Sumakit lalo ang ulo ko. Bumukas naman ang pinto ng kwarto at pumasok sa loob si Cassidy. Para namang tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa pagkakita ko sa kanya. Naka-school uniform pa siya. Agad akong ngumiti pagkakita sa kanya.

"Hi Miss Torres," nangingiting tudyo ko sa kanya. "Miss na kita..." Umupo naman siya sa tabi ko.

"Kumusta ka na?" hinawakan niya ang noo ko. "Sabi ng Mommy mo nilagnat ka daw kagabi?"

Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya ninakawan ko siya ng halik sa pisngi. Nagulat naman siya. "Naks, ang sweet-sweet naman ng girlfriend ko ngayon. Dapat pala lagi akong nakikipag-bugbugan kina Dave para lagi ka ding sweet sa'kin."

"Sira!" Hinampas niya ako nang marahan. "Bakit ka pa kasi nakipag-away sa kanila?" Bakas sa mukha ni Cassidy ang pag-aalala. "Janus, ano ba? Di ba sabi ko itigil mo na ang pakikipagbasag-ulo?"

Tiningnan ko naman siya nang seryoso. "Handa akong makipagpatayan para sa'yo, Cassidy. Hindi ko sila hahayaang sirain ang relasyon natin. Ang hirap-hirap kaya nang pinagdaanan ko maging girlfriend lang kita," I kidded, laughing. "Kaya wala akong sasantuhin sa kanila kapag ikaw na ang sinaktan nila."

Namula nang bahagya si Cassidy. Ang cute lang niya. "Ano ba kasing nangyari?" Ayoko na sanang ikuwento sa kanya pero ayoko ding nag-aalala siya nang husto.

"Pinuntahan ko si Stacey. Kinompronta ko siya kung bakit niya ginawa yun sa'yo." Ang tinutukoy ko ay yung pagpapahiya ni Stacey at ng Alpha Pizza Pie kay Cassidy last week. Pinakanta kasi nila si Cassidy sa stage na naka-costume. Mabuti na nga lang at nandoon ako.

"Inamin naman niya yung ginawa niya. Kaya sabi ko, kalimutan na naming magkaibigan kami. Tapos dumating si Dave, kaya sinabi ko na rin sa kanyang nag-quit na ako sa Alpha Pizza Pie. Eh binalaan niya akong may mangyayari daw sa'yong masama kapag tumiwalag ako sa kanila. Kaya ayun, sinapak ko siya."

Tahimik lang si Cassidy. Ako naman, hanggang doon na lang ang naaalala ko sa nangyari. Pag gising ko kaninang umaga nasa ospital na ako. Napapadalas na nga ito eh.

Bigla na lang yumakap si Cassidy sa'kin. "Janus...salamat. Pero ayokong nakikipag-away ka pa. Please..." Pinahid niya ang luha niya at tiningnan ako. "Janus, pumayag ka na sa gusto ng parents mo... Pumunta na kayo ng Singapore."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Cassidy? Paano mo nalaman yan?" Hindi ko naman kasi sinabi sa kanyang balak ng parents ko na umalis kami ng bansa pagka-graduate ko kasi hindi naman ako pumayag. Ayokong mawalay kay Cassidy.

"Nakausap ko kanina sa labas ang parents mo. Janus, kailangan mong sumama sa kanila. Kinausap ako ng Mommy mo, sabi niya pilitin daw kitang pumayag." Naiiyak na naman si Cassidy at alam kong may problema.

"Ano bang sinabi sa'yo ni Mommy? Tinakot ka ba niya? Pinilit ka ba niyang kausapin ako?"

Umiling siya. "Kinausap niya ako tungkol sa kondisyon mo. Kailangan mong magpagamot, Janus." Seryosong-seryoso siya at parang alam ko na ang sasabihin niya. May malala akong sakit. Hindi naman ako tanga para hindi ko mapansin ang mga sintomas sa sarili ko. Alam kong hindi biro yung nangyayari sa'kin.

Yung biglaan kong panghihina. Yung madalas na pananakit ng ulo ko. Yung bigla ko na lang makakalimutan yung mga dapat gagawin ko. Tapos gabi-gabing umiiyak si Mommy. At maaga nang umuuwi si Daddy galing trabaho para bantayan ako.

Napalunok ako habang tinitingnan si Cassidy. "Ano daw ba sakit ko?"

"Janus, you have brain tumor."

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon