32. Pain

969 33 1
                                    

Maraming tao ang nag-congratulate samin ni Cassidy pagkatapos ng Coronation Dance namin. Kami na ang sikat! Hahahaha.

Nagpalakpakan pa talaga sila.

Finally, parang hindi na galit ang mga tao sa love team namin ni Cassidy. Love team talaga eh no. Hahaha.

Isang tao lang naman ang nakita kong hindi masaya.

Si Stacey.

Masama ang tingin niya sa amin mula sa table na inupuan nila ni Dave. Pilit siyang kinakausap ni Dave pero mukhang di niya pinapansin. Naalala ko yung sinabi noon ni Dave na gustong gusto daw talaga ni Stacey na manalo this year lalo na at sa El Nido, Palawan ang prize. Kaya naman pala ganun siya kagalit ngayon sa amin.

Binulong ko yun kay Cassidy.

"Galit na galit si Stacey."

Ngumiti si Cassidy. "Isa sa mga dahilan kung bakit ko ginawa ngayon ang ginawa ko ay dahil sa yun ang plano ko para makapaghiganti kay Stacey. Kunin sa kanya ang isang bagay na matagal na niyang inaasam-asam. At talunin siya sa larangang akala niya ay lamang siya."

Tumaas ang kilay ko. "All this time para sa kanya ang effort mo? Hindi ba para sakin?" sabi ko tapos nag-pout ako.

"Loko. Siyempre para sayo."Tumingin si Cassidy kay Dave na mukhang naiirita na rin sa pagmamaldita ni Stacey. Mukhang nagsisigawan na silang dalawa at nag-aaway pa. Lumalabas na sinisisi ni Stacey si Dave sa pagkatalo nila.

"Ikaw kasi, yung kilay mo!" sigaw ni Stacey kay Dave sabay walk-out sa table nila. Napadaan siya sa table namin at tinitigan niya ako. She looked like she was trying to say something.

Pero bumaling siya kay Cassidy na nasa tabi ko at biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Agad niyang kinuha ang isang baso sa table namin na may lamang juice at tinapunan niya nito si Cassidy.

"Oh!" sabay sigaw nila Chari at Charles na katabi din namin.

"That's for ruining my night." Madiin ang pagkakasabing iyon ni Stacey. Tapos umalis siya bigla. Susugurin sana siya nina Chari at Charles pero pinigilan sila ni Cassidy.

"Guys, wag na, hindi niya deserve ang energies ninyong dalawa." Kalmadong sabi ni Cassidy habang nakangiti. Tapos tiningnan niya ako. "Oh, wag mong sabihing pati ikaw ay galit din sa nangyari?"

Hindi na ako nagsalita. I just held her trembling hands.

"Nagantihan na natin si Dave. Wala na siyang kilay. Nagantihan na din natin si Stacey. Nasira natin ang pangarap niya. Dave and Stacey are out of the game." Sabi ko habang pinupunasan ang damit niya na nabasa ng juice. "Cassidy, can you promise me that this will be the end of the game?" mahinang tanong ko.

Ayoko na ng ganito. Yung umiikot sa ibang tao ang relasyon namin. Gusto ko kaming dalawa na lang. Para hindi na siya masasaktan ng kahit sino.

Cassidy just smiled and nodded.

***

Sabado, nagpaalam si Cassidy na uuwi siya sa kanila, at dahil tapos na naman ang School Fair at sembreak na, wala na kaming gagawin actually. Kaya pumayag naman ako.

May binabalak ako sa pagbalik niya bukas. Tiyak matutuwa siya.

Meanwhile ipinatawag ako ni Doc Rivas sa clinic kaya nagpasama ako kay Owen doon. Naupo kami sa may reception area habang binabasa niya ang mga results daw ng pagsusuri niya noon sakin.

Hinarap niya ako na may kakaibang expression.

"Mr. Go, if I heard you right last time, naaksidente ka kamo dati kaya naoperahan ka noon?"

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon