59. The Hardest Way

845 26 3
                                    

Everyone congratulated us. Sa wakas kasi, engaged na kami ni Cassidy. Wala nang atrasan to. May tumor man ako sa ulo o wala, pakakasalan ko siya.

Wala nang mapagsidlan ang tuwa ko. Ramdam ko rin ang kasiyahan sa girlfriend ko. At lahat ng taong nakapaligid samin ay masaya din para sa aming dalawa ni Cassidy.

Nagkaroon ng konting kasiyahan sa Cherry's Pie pagkatapos ng proposal ko kay Cassidy. Buong gabi namang hawak ko ang kamay ni Cassidy. Hindi ko na siya mabitawan kasi hindi parin ako makapaniwalang malapit na kaming ikasal at konting-konti na lang at matutupad na ang destiny naming dalawa ni Cassidy. At yun ay ang magkatuluyan kaming dalawa sa kabila ng lahat ng mga nangyari.

Nanginginig pa rin si Cassidy mula sa nangyari and I couldn't help but smile.

"You're shaking Cassidy," puna ko. "Ayos ka lang ba?"

Tumango siya. "Oo naman. Di lang ako makapaniwala na nangyayari lahat ng ito ngayong gabi."

Tumawa ako. "Di pa tapos ang gabi, Cassidy. May gagawin pa tayo mamaya sa bahay."

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Ano yun?"

I grinned and whispered in her ear. "Nakalimutan mo na? May gagawin tayo diba? Di nga tayo matutulog eh. Gusto mo uwi na tayo?"

Hinampas niya ako bigla. "Kahit kelan puro kalokohan ang nasa isip mo. Mamaya marinig tayo ng parents mo, nakakahiya."

I laughed at how cute she gets when she blushes. "Sus, ayos lang yan sa kanila. Di nila inaamin pero alam ko gusto na nila ng apo." Kinurot na naman ako ni Cassidy at natawa na lang ulit ako. Pero talaga namang gusto ko nang umuwi kami kasi gusto ko na siyang masolo sa kwarto ko. Kaso nagsasaya pa ang lahat at ayoko namang bitinin sila dahil malaki ang naitulong ng mga kaibigan ko para maisakatuparan ang mga plano ko.

"Janus! Cassidy! Congrats ha!" batiulit ni Natalie sakin. "Nakakainis kayo. Ikakasal na kayo. Di niyo man lang hinintay na magka-boyfriend muna ako para naman may partner ako sa kasal niyo diba... "

Tumawa kami sa biro ni Natalie. "Pag may matipuhan ka na kasi, ikulong mo sa cr gaya nang tip ng Mommy mo," biro ko din at tumawa pa si Natalie.

"Heh! Di nga naging effective sayo eh!" Tawa lang kami nang tawa habang sini-serve yung pagkain sa bawat mesa. Nagpaluto pala si Mommy ng pagkain para at least daw may celebration. Nagmistulang restaurant tuloy ang coffee shop na pinasara ko na sa customers para maging maayos ang salo-salo.

"Uy Charles, anong nangyayari sayo?" tanong ni Cassidy na napansing namumutla si Charles sa isang tabi.

"Wala to, naparami ata ako ng kape kanina, sumakit ang tiyan ko," sabi naman ni Charles. Alam kong pagod din siya kasi siya ang nag-oversee sa kaayusan ng plano ko. Kumbaga, siya ang direktor ng plano ko. Hinihimas-himas niya ang tiyan niya at bakas sa mukha niya yung matinding sakit.

"Naku, baka acidic ka!" sabi ni Natalie. "Ay naku, acidic ka nga! Chari, tara dalhin natin sa clinic itong kambal mo!" Tumango naman si Chari at kasama si Atlas, inalalayan nila si Charles palabas ng Cherry's Pie at nag-aalala na kami agad. Bago naman sila umalis bumalik pa ulit sa loob ng coffee shop si Atlas.

"Uy, may bago tayong pagpupustahan. Sino ang pupustang magiging girlfriend ni Charles si Natalie?" sigaw ni Atlas at natawa kaming lahat. Marami ang pumustang magiging magboyfriend sina Charles at Natalie at napapailing na lang ako sa kalokohan ni Atlas.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon