Nabuhayan ako bigla pagkatapos ng kiss namin. Naku, kung ganito ang epekto ng kiss ni Cassidy sa akin eh baka maging bisyo ko na'to! Haha!
Tinawag na yung pangalan ng banda nila Kuya Jigs at Xander.
Rex Capricorn ang pangalan ng banda nila. Aba at unique ang band name. I like it.
Umakyat na kami sa stage. Kinakabahan ako siyempre. First time ko to eh.
Nang makita ko ang dami ng tao na nanonood saka ko lang na-realize kung ano tong pinasok ko.
Pakinshet! Parang gusto ko nang umatras! Di ata ako makakakanta nang maayos neto sa kaba eh!
Nang pagka-akyat ko at nang pumuwesto na ako sa may microphone, kitang-kita ko ang pagkagulat ng mga tao. Siyempre, medyo kilala na rin kasi ako sa school simula ng mapasali ako sa Amazing Games. Hindi ata nila expected na kumakanta ako! Pero kasi hindi naman talaga ako kumakanta.
Pero may mga nagcheer naman sa akin at naghiyawan. May namukhaan nga ako sa mga nagpa-picture sa akin dun sa booth nila Atlas. Nagtitilian sila ngayon sa may harapan ng stage.
"Hala! Yung gwapong Chinito sa Amazing Games! Kumakanta pala siya?" dinig kong tanong ng babaeng nasa harapan ng stage sa katabi niya.
"Oo nga no? Siya yung freshman na ka-date ni Cassidy Torres," sagot naman ng katabi ng babae.
Tapos nakita ko rin si Natalie na panay ang sigaw ng pangalan ko. Nasulyapan ko rin sila Stacey, Mich, Jio, Tanner, at Peter na magkakatabi sa isang sulok. Pansin kong wala si Dave. At kakaiba ang mga facial expressions nila. Gulat sila na medyo tense na ewan.
Nagsimula na kaming tumugtog. Ang una naming kanta, Science and Faith ng The Script. Mabuti na lang pala at alam ko yung kanta, na pinapatugtog ko doon sa Singapore.
"Tried to break love to a science
In an act of pure defiance
I broke her heartAs I pulled apart her theories
As I watched her growing weary
I pulled her apartUnang linya pa lang ng kanta ang dami-dami nang naghihiyawan sa audience. Honestly naman, alam ko namang okay ang boses ko ngayon. Umaayon na naman sa pagkakataon. O baka nagpapa-impress lang ang boses ko kasi nanonood sa audience si Cassidy.
Siya ang tinititigan ko habang kumakanta. Nasa may gilid na siya nakaupo, sa tabi ng tulalang si Owen. Nang magtagpo ang aming mga mata, nakita kong may sinasabi siya sa akin in a kind of whisper.
Eight letters, three words long.
Syet. Sumabog na naman ang puso ko. May sa terorista ata itong si Cassidy eh.
Napabirit tuloy ako ng husto sa chorus.
"You won't find faith or hope down a telescope
You won't find heart and soul in the stars
You can break everything down to chemicals
But you cant explain a love like oursOh... It's the way we feel this is real..."
Mas lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan ng audience. Nag-thumbs up sa akin sila Kuya Xander at Kuya Jigs. Kung makangiti ang mga mokong, akala mo wala ng bukas eh. Pansin ko lang, kinakagat ng mga tao ang pagkanta-kanta ko.
Hala. Instant rock star tuloy ako nito eh. Haha! Ang saya-saya ko ngayon!
Parang napaka-kumpleto ngayon ng buhay ko. I love studying here. I have good friends. My parents are very supportive of me. At siyempre, may Cassidy na ako.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...