Kinabukasan, pagkagising ko, sumakit na naman ang ulo ko. At himala, hindi ako ganun ka-interesado na baka may maalala ulit ako.
Naks. Iba na talaga pag may mahal ka na ano? Nag-iiba na lang bigla ang takbo ng buhay mo. Iba na ang priorities mo.
Tulad ko. Aanhin ko pa ang mga memories ng nakaraan ko kung may Cassidy na ako?
Naks.
Sabay na naman kaming naglibot sa School Fair ngayong araw. Marami kaming sinubukan. Zip line. Bungee jumping. Tapos naglaro pa kami ng water gun.
Siyempre masaya ako dahil nakikita kong masaya si Cassidy.
Siyempre din, sinisiguro kong palagi kaming may special moments na dalawa. Hindi naman porket girlfriend ko na siya ay titigil na ako sa panliligaw sa kanya. Ayon sa libro na ipinahiram ni Owen yan daw ang kadalasang kamalian ng mga lalake sa isang relationship. Nawawala na daw ang sweetness at effort nila pag sinagot na sila.
Dapat daw ang panliligaw ay hindi nawawala. Kasi ang babae, pwede kang iwan any minute diba? Pag nagsawa na siya sayo at hindi na niya maramdaman ang sparks. Yun ang sabi ng libro ni Owen. At ako naman itong walang experience pagdating sa girls, dinibdib ko talaga yung mga tips sa libro.
Kaya naman, kung kinakailangang araw-araw at minu-minuto kong ligawan si Cassidy, gagawin ko para di niya ako iwan.
Tulad ngayon. Nakaupo kami ulit sa stools sa food stand kung saan ko siya inadik sa siopao at siopao-inspired banat at damoves. Kumakain ulit kami ng siopao. Basang-basa kami mula sa paglalaro ng water gun kaya nagpalit kami ng damit. Paglabas ko sa cr, agad niyang napansin yung t-shirt ko. Nakasuot kasi ako ng puting statement shirt. Ang tanging nakasulat dun sa harap ay I'M INCOMPLETE.
"Bakit naman ganyan ang suot mo?" tanong niya.
Ngumiti lang ako sabay turo sa tatlong lalake na papalapit sa amin. Naka-suot din sila ng white statement t-shirts katulad ko. Sila Owen, Vince, at Charles yun.
"Cassidy, pasensya na dito ha, trip ito ng kasama mo," tudyo ni Charles sabay turo sa akin. Tumayo sila sa harapan namin, at magkakatabi sila na in a way ay mababasa mo ng magkakasunod yung nakasulat sa mga t-shirts nila.
Sa shirt ni Owen ang nakasulat ay I MAYBE CUTE, tapos kay Vince ay I MAYBE SWEET at yung kay Charles naman ay BUT WITHOUT YOU. Tapos tumayo ako next to Charles.
Binasa ni Cassidy yung buong message tapos binigyan ko siya ng bulaklak. Sunflowers. Sabi niya kasi ayaw niya ng roses.
"Ayan, tinatanong mo kasi kung bakit ako may suot na ganito eh," paglalambing ko sa kanya. "Ngayon alam mo nang I'm incomplete pag wala ka..."
"Nakakakeleg!" sabi naman ni Charles na natatawa.
"Cheesy!" dugtong naman ni Vince. Mabuti na lang talaga at napaka-cooperative netong mga kaibigan ko. "Hala bilisan niyo na ang lampungan at maghuhugas pa kayo ng pinggan!"
***
At sa mga pinggan nga kami bumagsak ni Cassidy. Hinuhugasan namin yung mga platong pinagkainan ng customers namin.
Dahil nga sa hindi ko ipinagpatuloy yung picture-taking business ko with Atlas, napilitan silang magtayo ng booth na isang mini-canteen. Nagsawa na rin kasi ang mga tao sa Posasive Love. Mabuti na lang at magaling palang cook etong si Charles.
Tapos sina Owen at Vince naman yung waiters.
At sina Atlas at Chari? Ayun, kasalukuyan daw na nagdi-date at nagpaposas pa sa isa't isa. Masaya ako na di na ako ang type ni Chari kung ganun man. I hope they really end together.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...