42. Walking Away

938 31 4
                                    

"Janus, I came here to officially break up with you," marahang sabi ni Cassidy. Nakayuko lang siya at hindi niya ako matingnan sa mata.

Napatanga lang ako sa sinabi niya. Dinig na dinig ko ang sinabi niya pero hindi naman agad ma-process ng utak ko.

"Halika, sa labas tayo mag-usap," aniya at hinila niya ako palabas ng Cherry‘s Pie. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao habang palabas kami.

Naglakad kami hanggang sa madilim na kanto sa may highway. Gulong-gulo na ang isip ko. Makikipaghiwalay na sa'kin si Cassidy? Yun ba ang dahilan nang pagpunta niya?

Tumigil kami sa isang waiting shed. Walang tao roon kaya naupo siya sa isa sa mga bakal na upuan.

"Upo ka..." paanyaya niya. Hindi niya pa rin ako matingnan.

Umupo naman ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko siya. Ganun pa din naman ang itsura niya. Parehas pa rin sa naaalala ko sa kanya. Mas payat nga lang siya ngayon. At mukha siyang pagod na pagod. Siguro wala siyang pahinga sa kakatrabaho.

Dun ko naisip na ang tagal na pala naming hindi nagkikita. Mahigit isang buwan na rin. Kaya niyakap ko siya bigla.

"Na-miss kita, Cassidy," bulong ko. "Sobrang na-miss kita."

Tahimik lang siya kaya binitawan ko na siya.

"Janus," usal niya na nakatitig sa kalsada. Hindi niya talaga ako matingnan.

"Ano yun?" tanong ko na kinakabahan. Grabe. Baka mawala na naman siya bigla kaya hinigpitan ko na ang hawak ko sa mga kamay niya.

"Alam mo ba kung anong meron sa araw na ito?" Tanong niya. Eto na naman siya sa pagkamisteryosa niya.

"Anong meron?" tanong ko din. Wala kasi akong maisip. Napansin kong nanginginig si Cassidy. Kinakabahan ata.

"Monthsary natin ngayon, Janus," sabi niyang nakangiti. Finally ay natingnan niya ako sa mata. Tapos may kinuha siya mula sa bag niya. Isang regalo. Ibinigay niya yun sa akin. "Happy monthsary, Janus."

I was relieved. Joke lang siguro yung makikipaghiwalay na siya. Loko din tong si Cassidy eh. Kaya pala ngayong araw niya piniling magpakita, monthsary pala namin. Lagi niya nalang pinapakabog ang puso ko.

"Salamat, Cassidy. Sorry kung wala akong regalo. Hindi ko kasi alam na monthsary pala natin ngayon. Tapos di ko rin naman alam na magpapakita ka nga talaga sakin ngayon." Bigla akong nahiya sa girlfriend ko. Hindi ko man lang kasi natandaan yung petsa ng monthsary namin.

"Okay lang," sagot niya. "Hindi na yun importante. Tutal maghihiwalay din naman tayo ngayon."

Tumawa ako. "Ang sama naman ng joke mo, Cassidy. Hindi nakakatuwa." Dinadaan ko na lang sa tawa para hindi ako kabahan.

"Hindi naman ako sayo nakikipagbiruan, Janus," marahan niyang tugon na nakatitig ulit sa kalsada. "Ang totoo niyan, nagpunta talaga ako rito para makipaghiwalay sayo."

Tumayo na'ko at niyakap siya. Kunwari tumatawa ako habang kayakap ko siya pero ang totoo kinakabahan na talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Aish! Masyado ka ng spoiled sa'kin Cassidy! Hindi lahat ng gusto mo masusunod ha? Tinanggap ko na ngang lumayo ka sa akin na parang matagal kang nagbakasyon kahit miss na miss na miss na kita!"

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya habang tumatawa. Dinadaan ko na lang talaga lahat sa biro kasi baka sakaling makitawa si Cassidy at sabihin niyang joke lang ang lahat kahit alam kong seryoso siya.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon