11. Recaps

1K 45 2
                                    

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero himalang hindi ako kasali sa mga naparusahan ni Prof. De Castro sa paglabag ng curfew.

Ayon kay Tanner, nagkaroon kagabi ng room-to-room search matapos mahuli sila Owen sa kwarto nila.

Kaya nasilip din ang kwarto namin na walang tao at nabulaga ni Prof. De Castro sila Stacey na nag-iinuman parin doon sa kwarto nila.

Siyempre, nahuli silang lahat.

Nilagnat naman ako kaya hindi ako nakasama sa tour ng class sa Dipolog City, yung katabing city ng Dapitan.

Pagkatapos nun, magpupunta naman raw sila sa Gloria Fantasyland. Kahit nakarating na ako dun gusto ko pa ring magpunta kasi alam kong masaya yun pag sila Atlas at Owen ang kasama mo dun.

Pero inaamin ko naman na nag-enjoy din ako na si Cassidy ang kasama ko dun kagabi.

Dahil nga may lagnat ako, buong araw din akong nagpahinga. Akala ko ako lang ang di nakasama sa trip pero pumasok sa room ko si Chari. Hindi rin siya nakasama dahil masama daw ang pakiramdam niya. Nagkwento siya sa mga nangyari kagabi.

Nang makaalis daw kami, dinala sa ospital si Chari dahil sa pagsusuka niya na dulot pala ng mild bulimia niya. Pinalabas din naman agad siya ng doctor.

Nang hindi na kami mahanap ni Prof. De Castro, nagpalusot na lang si Chari na nasa ospital kami ni Cassidy kasi nahihilo ako at sinamahan ako ni Cassidy.

Kaya timing pala talaga na may lagnat ako ngayon.

Sa huling araw namin sa Dapitan, finally ay binisita na namin ang bahay ni Rizal na nasa may tabing dagat. Isa na itong park ngayon pero nandoon parin ang mga bahay nila.

Nilibot namin ang bahay ni Rizal pero nagsawa ako agad kasi ang creepy lang ng aura. At naalala ko bigla ang Mi Retiro rock kaya hinanap ko ito.

Wala namang gustong sumama sa akin kasi hindi naman sila interesado sa Mi Retiro rock kaya ako na lang mag-isa ang naghanap dito.

Natagpuan ko din siya after a while . Isa iyong malaking bato sa may dalampasigan. Masarap sigurong umakyat doon at umupo habang nakaharap sa paglubog ng araw.

Pero may nakaupo na doon.

Kilala ko yung nakaupo kaya pinuntahan ko siya.

Umakyat ako sa bato.

Nakaupo si Cassidy na nakaharap sa dagat habang may hawak na notebook at ballpen. Habang papalapit ako, naririnig ko siyang nagha-hum ng kanta.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Napalingon siya sa akin. Pero hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa dagat at sa langit na kulay pula na ngayon.

"Ang ganda ng sunset no?" sabi ko sabay upo sa tabi niya. Sabay naming pinagmasdan ang langit.

Ang ganda ng paligid. Ang linis ng dagat, at ang presko ng hangin. Tapos ang daming puno sa paligid. Yung pakiramdam mo parang, wala ka nang ibang aalalahanin pa sa mundong ito. No wonder at gustong-gusto dito ni Jose Rizal.

Pinagmasdan ko si Cassidy. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"Alam mo ba, Janus, dito sinulat ni Jose Rizal ang kanyang tulang Mi Retiro. Kaya Mi Retiro rock ang tawag dito." Sabi ni Cassidy pero nakatingin pa rin siya sa langit. "Gusto kong magsulat din ng tula rito pero wala akong maisulat."

Hindi ko na naman alam ang isasagot. Ganito nalang ako palagi kapag si Cassidy ang kausap ko.

"Janus, sa tingin mo ba... may dahilan kung bakit... kung bakit lumulubog ang araw ng ganyan, at muling sisikat kinabukasan? Sa tingin mo ba, hindi lang ito dahil yun ang paliwanag ng siyensiya, at dahil kailangan natin? Sa tingin mo ba ang lahat ng bagay ay may dahilan, kaya ganito ang buhay?"

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon