Parang nalilito pa si Cassidy sa nangyayari. Tinitigan niya ako. "Ano ulit yung sinabi mo Janus?"
Pinahid ko naman ang mga luha ko. I wanted to say what I feel properly. I cupped her face with my both hands and started to sing.
"Elevator buttons and morning air
stranger's silence makes me wanna take the stairs.
If you were here we'd laugh
about their vacant stares
but right now
my time is theirs."Mabagal lang ang pagkakanta ko. All the while I was staring at her expression. From shock, bigla siyang napaiyak, tapos napangiti, tapos iyak ulit.
"Janus... may--- naaalala ka na?" tanong niya at patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. At imbes na sumagot ako sa tanong niya, pinagpatuloy ko muna ang pagkanta. I wanted her to know how much she means to me.
"It seems like there's always someone who disapproves
they'll judge it like
they know about me and you
and the verdict comes from
those with nothing else to do
the jury's out
but my choice is you."Sa parteng 'you' hindi ko na naman napigilang mapaiyak. Itong kanta kasi, ang tagal kong hindi nakanta. Yung huling beses na kinanta ko ito sa kanya ay yung araw na nakipagbreak siya. Simula noon parang ang bigat na sa pakiramdam ng kantang to.
It used to be our song. It was our song of hope, faith and love. Kapag kinakanta ko'to noon tumitigil ang mundo ko ng ilang sandali at si Cassidy lang ang nakikita, o naririnig ko. And I want that feeling now. I want to feel home again. With Cassidy.
"Janus, pano nangyari to? Naaalala mo ba lahat? Anong nangyayari Janus? Bakit mo ginagawa to?" Mukhang hindi parin siya makapaniwala na nangyayari nga ito. Kaya niyakap ko ulit siya nang mahigpit. Ang sarap ng pakiramdam na naaamoy ko na naman itong strawberry perfume niya. At bumulong ako sa tenga niya.
"Cassidy, kantahin mo naman para sakin yung chorus... kapag kinanta mo yun, ibig sabihin mahal mo parin ako..." Nakayakap lang ako sa kanya at pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan pero wala na akong pakialam. Matagal na akong nawalan ng interes sa ibang bagay bukod kay Cassidy.
Habang yakap ko naman siya ramdam ko na nanginginig siya. Siguro sa takot o sa kaba. Naghintay ako na kumanta siya. Alam ko, kakanta siya para sakin.
"Gago ka talaga Janus, may ganito ka pang nalalaman..." mahinang sabi ni Cassidy. Kumalas ako sa kanya na nakasimangot.
"Hindi ka kakanta?" tanong ko. "Hindi mo na ba ako mahal?"
Malungkot ang mukha niya. "Hindi ko kasi maintindihan..."
"Cassidy... I love you. I always do. And I just want to know if you still feel the same way too... Please Cassidy..."
Nanlaki ang mga mata ni Cassidy sa sinabi ko. "Janus sabihin mo kasi... may naaalala ka na naman ba ulit? Ano ba talaga ang nangyayari?"
Napabuntong hininga ako. Mukhang kailangan ko pa nga talagang magpaliwanag sa kanya.
"Cassidy sorry..." Lumuhod na ako sa harapan niya habang hawak ang kamay niya. "Sorry for everything... Sorry for causing you so much pain... Sorry kung ng dahil sakin lagi kang umiiyak... Sorry kasi imbes na alamin ko kung bakit mo ako iniwan, sinubukan pa kitang kalimutan at pinagselos pa kita... Sorry Cassidy, I'm such a stupid, idiot, self-centered---" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko kasi napaiyak na naman ako. We were both crying. Ako, habang nakaluhod sa harap ng babaeng mahal na mahal ko, at siya, nakatayo sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...