5. It Started with a Dorm Party

1.4K 55 5
                                    

 Alam ko, kahit hindi sabihin nina Stacey, may koneksyon sa buhay ko si Cassidy. Napapansin ko kasi, iniiwasan niya ako kapag nagkakasalubong kami o malapit lang ako sa kanya. Classmate namin siya nina Owen at Atlas sa PE namin at kahit tingin sa'kin ay hindi niya ginagawa. Pagpasok niya ng room, niyaya siya agad ni Atlas na sa table namin umupo, at papunta na siya sa'min kaso tumigil siya nang makita niya ako. Naupo na lang siya kasama ng iba naming classmates.

Sa Literature 3 din, kung saan di ko naman classmates sina Atlas at Owen, kaklase ko din pala siya. Uupo na rin sana siya sa bakanteng upuan sa tabi ko, pero pagkakita na pagkakita niya sa'kin agad siyang umatras at dun na siya umupo sa likuran.

Pakiramdam ko tuloy, may malaki akong kasalanan sa kanya noong high school pa kami kaya ganun na lang kung umiwas siya sa akin. Pero oo nga pala, 'mean' nga pala ako sa kanya noon. I know, 'yung Janus before the accident, naman 'yung masama kaya ayoko sanang ma-guilty. Pakiramdam ko tuloy ibang tao ako noon na kailangan kong intindihin ang ugali.

Maling-mali talaga 'yung ginawa ko sa kanya sa dun sa 'putik' accident na yun, at kahit hindi ko yun maalala hiyang-hiya ako na ginawa ko yun kay Cassidy. Tingin ko nga dinamdam niya yun. At itong muli kong pagpapakita ay nagpapaalala lang sa kanya sa mga pangit na alaala niya noong high school students pa kami. How I wished I could change what I did.

"Bakit ka naman magso-sorry sa kanya?" Tanong ni Stacey sa'kin noong sinabi kong balak kong kausapin si Cassidy at mag-sorry dahil dun sa ginawa ko. Nasa Regal Diner's kami ngayon kasama ang buong barkada, nagmemeryenda.

Naglalaro sa phones nila sina Peter at Mich, samantalang nagtatawanan naman sina Tanner, Jio, at Dave. Sa kanila na ako sumasabay mag-lunch, kasi una: kahit hindi ko gusto hihilain daw din nila ako papunta sa table nila; pangalawa, naisip ko na mas mabuti kung sa kanila ako makikipag-bonding muna kasi malalaman ko pa 'yung mga ginawa ko noon. I mean, 'yung mga ginawa noon ni Janus before the accident.

"Janus, sayang at di mo na rin maalala sina Jane at Lucy," kwento naman ni Dave sabay turo sa kanan namin kung saan nakaupo sa isang table ang dalawang matabang babae na sa tingin ko ay sina Jane at Lucy. Kumunot doon ang noo ko.

"Wag niyong sabihin na may kasalanan din ako sa kanila?" tanong ko.

Natawa na lang dun si Dave. "Hindi. Si Jane 'yung Editor in Chief ng school paper natin noon at classmate din natin siya. Actually sinulat niya noon sa mga articles niya na kung gaano ka kaastig at lahat-lahat, kaso nga lang napakahangin mo daw."

"Medyo true," pagsang-ayon naman ni Mich sa cellphone niya habang natatawa, "pero cool."

"Ginagawan natin sila ng chant dati 'pag dumadaan sila ng bff niyang si Lucy, na classmate din natin. Naaalala mo ba 'yung Super Twins? Yung palabas sa tv? Yung superheroes na kumakanta ng chant bago mag-transform? Well, sumikat yun nung panahon natin. Kaya ginawan natin sila ng sarili nilang version. Ganito yun o.” At tumayo naman si Jio at nagsimulang mag-action sa harapan ko.

“Kapangyarihan ng mantika!
Taglay, ay taba!
Kambal na bi-ik!
Kami ang... Super Pigs!”

Nagtawanan silang lahat. Siyempre ako, hindi ko naman maalala kung ano ang ginagawan nila ng parody kaya hindi rin ako natawa. Medyo malakas ang pagcha-chant ni Jio kaya sigurado ako na narinig yun nina Lucy at Jane. 

At tama nga ako. Nakatingin sila sa amin na para kaming mga masasamang kriminal. Agad ding nag-init ang mga pisngi ko sa hiya. 
Oh God. Talaga bang ginawa ko yun noon? Was I really that pathetic?

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon