Sa sumunod na week, parang isang sikat na artista si Jio kung pag-usapan ng buong university. Tinalo na nga niya ang video nila Atlas. Top story of the week na ang pagkakaroon niya ng regla.
Hindi ko alam kung wala lang bang magawa ang mga tao dito sa school kung kaya ganun na lang nila pag-usapan yung nangyari o mahilig lang talaga sila sa ganitong klase ng entertainment.
Yung tipong natutuwa silang lahat sa kahihiyan ng ibang tao.
But I can’t blame them. Jio deserved it, like the way I deserved this temporary memory loss.
Kahit ang buong barkada ay walang ginawa kundi kantiyawan si Jio sa table namin sa Regal Diner’s. Sinasakyan lang ni Jio ang lahat ng joke nila pero alam kong iba ang pakiramdam niya sa nangyari.
I can see it on his eyes.
Kaya ako namang guilty kuno ay gumawa na ng paraan.
“Guys, let’s stop teasing Jio about what happened. Napaka-embarrassing nung nangyari sa kanya. Kayo, kung sa inyo nangyari yun, matutuwa ba kayo na pinagtatawanan kayo ng barkada niyo?”
Sinabi ko yun kasi nakakainis na talaga. Mukhang ako pa yata ang magtuturo sa kanila ng friendship ethics.
Natigilan naman silang lahat sa sinabi ko. Tapos nag-slow clap si Dave na sinundan naman nilang lahat.
“Grabe! Best Speech of the Year!” sabi ni Tanner na nagtaas ng dalawang kamay sa direksyon ko. “IDOL!”
“Hindi pa rin ako sanay na napaka-friendly mo, Janus!” sabi naman ni Peter na tinapik ako sa balikat.
“Awww…”pa-cute na sabi ni Mich. “Ang bait naman ni Janus! Sige, kahit na it’s fun at hindi pa ako maka-get-over kung paano nagka-regla itong si Jio, sige, I’ll stop joking about it.”
Naiinis ako na natatawa. Sige lang Mich, tumawa ka na lang muna ngayon. Abangan mo na lang ang gagawin sayo ni Cassidy.
“Pero tama si Janus,” sabi naman ni Stacey na nakayakap kay Dave. “Kaibigan natin si Jio, hindi tayo dapat nang-aasar. Dapat… tayo yung nagbibigay ng advice sa kanya… kung anong brand ng napkin ang effective!”
At nagtawanan ulit ang lahat.
“Nakakainis kayo!” natatawang-naiiinis na sabi ni Jio. Bilib din ako sa kanya. Hindi siya pikon. Siya kasi yung pinaka-joker sa grupo nila, kaya hindi na ata siya tinatablan ng mga kantiyaw nila. “Mabuti pa si Janus, ang sweet sakin! I love you, Papa Janus!!”
At nag-flying kiss pa siya sa akin.
“Oh, baka magkatuluyan kayo niyang dalawa?” natatawang hagikhik ni Mich.
Great. Just Great.
How I love their way of thinking.
***
Dahil naman sa bored ako, at dahil nakakasawa na rin ang mga ‘regla jokes’ ng mga tao, nagpasya ako na magpunta ng Cherry’s Pie .
Halos walang tao sa shop, at ng hindi ko makita si Cassidy sa kahit saang sulok doon, umuwi din ako agad.
Asan kaya siya? Hindi ko na siya nakikita. Three days na.
Don’t tell me, umalis na siya gaya nang sinasabi niyang gagawin niya?
Pero isa pa lang ang nagagantihan niya. Five to go pa.
Sinubukan ko siyang tawagan, pero di siya sumasagot.
Samantala, pabalik naman ako ng dorm nang makita kong tumatakbo papunta sa direksiyon ko sina Owen, Charles, at Atlas. Hindi maipinta ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...