Paskong-pasko na sa paligid ko pero parang na-stuck pa rin ako sa Undas. Hindi na kami nagkita ni Cassidy pagkatapos ng huling date namin. Masakit pa rin siyempre, lalo na kapag bigla na lang sumasagi sa isip ko yung mga pinagsamahan namin.
But I guess I got used of her absence because I wasn‘t crying anymore. Malalim pa rin ang sugat sa puso ko pero parang hindi ko na kayang iiyak o imukmok pa. Wala naman ding silbi kung iiyak ako o magwawala. It‘s not gonna change the fact that Cassidy is gone and we already broke up. And besides, I kind of agreed to us breaking up. So it is not entirely her fault.
I‘ve decided to be brave and strong about this. Gaya ng dating Janus. Iniisip ko na lang na siguro darating ang araw na maiintindihan ko rin kung bakit ginawa yun ni Cassidy. It was terrible thinking that she might not be the one for me, but I know it could be a possibility. Because if she was my destiny, if she was the one, why would she leave?
Pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko pa rin siya. At sa tingin ko hindi na magbabago yun. Yun ang unfair sa pag-ibig eh. Nasasaktan ka na at lahat-lahat, mahal mo pa rin yung taong dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Pero hindi ako magko-complain, kasi hindi ko pinagsisihan lahat ng pinagsamahan namin ni Cassidy sa maikling panahong naging kami.
Siguro dapat na akong magmove on. Kahit masakit. Wala naman kasi akong mapapala kung magmumukmok ako palagi. I have to do things to keep me busy. Ayoko nang saktan ang sarili ko lalong-lalo na‘t magpa-Pasko.
Mabuti na lang at marami nga talaga akong gagawin. Andiyan yung paparating na long exams at kailangan kong magreview nang husto. These past few days wala kasing pumapasok sa utak ko sa mga lessons namin.
Tapos nandiyan din yung regular check-up ko sa doctor kasi nagiging regular na din ang sakit ng ulo ko. At nandiyan rin yung gigs namin sa Loony Aly. Minsan naiimbitahan pa nga kami sa ibang lugar para tumugtog, tinatanggihan na lang namin kasi napaka-busy talaga namin.
Inuna ko munang asikasuhin yung long exams namin at gabi-gabi kaming nasa Cherry‘s Pie para mag-group study. Kahit palagi kong naaalala si Cassidy sa lugar na‘to, dito ko pa rin piniling magreview kasi sobrang nasanay na ako sa lugar. Pakiramdam ko nga bahay ko‘tong coffee shop na‘to.
"Jan-Jan, paki-explain naman yung tungkol sa Combinations at Permutations," pakiusap ni Natalie na nakaupo sa tabi ko. Statistics ang nire-review namin ngayon kasi yun ang pinakamahirap. Kasama namin sina Atlas, Owen, Chari, Charles at Vince sa group study. At dahil ako daw ang medyo mataas ang grade sa Math last sem ay ako ang pinagturo nila kung pano magsolve.
Matiyaga ko naman silang tinuruan kahit sumasakit ng konti ang ulo ko.
"Ah ganun pala..." napakamot na lang sa ulo niya si Natalie nang maintindihan niya kung pano sino-solve yung problem. "Ang galing mo talagang magturo Jan-Jan! Ang talino mo talaga! Labs na talaga kita!"
"Kailangan mo lang kasi ng konting practice," sabi ko. "Mabuti pa nga sa Math may tamang solution ang bawat problem eh..." I smiled at all of them. Kanina pa kasi sila tingin nang tingin sa'kin.
Alam kasi nilang nagkita kami ni Cassidy last week. Hindi ko man kinuwento sa kanila kung anong nangyari, alam kong alam nila na hindi naging maganda ang huling pagkikita namin. Napapansin naman siguro nila sa ikinikilos ko. Mabuti na nga lang at hindi nila ako pinipilit na magkwento.
"Janus, ayos ka lang ba talaga?" seryosong tanong ni Chari. "Hindi namin alam kung anong nangyari pero nag-aalala na kami sayo."
"Ayos lang ako," I said although I couldn't look at their eyes. "Salamat sa pag-aalala."
"Wag piliting ngumiti kung hindi ka talaga masaya," sabi bigla ni Vince.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...