44. Haunted

915 29 1
                                    

I just stood there, watching the pair of them on the stage. Nagbawi na ng tingin si Cassidy at ngumiti na siya sa audience. She looked beautiful in her dress. Dati nagpapaganda siya sa sarili niya but not this much. Sa sobrang ganda niya nga ngayon parang ibang tao na siya.

"Janus, are you okay hijo?" tanong ni Doc. Aileen sa'kin. "Sumakit na naman ba ang ulo mo?"

"Hindi po," sagot ko at pilit akong ngumiti. Nagulat ko ata sila nang mabitawan ko yung wine glass. "Sorry po. Nagulat lang ako." Pinaupo na lang ako ni Natalie sa upuan ko. Halatang nag-aalala siya. Nakakuyom naman ang mga kamay ko sa galit. At sa kaba. Never, ever, in my widest imagination na sumulpot yung idea na posible ngang may relasyon sina Cassidy at Gian bastard kahit ilang beses na iyong nai-suggest ni Natalie.

"Janus, mabuti siguro umuwi na tayo?" tanong ni Natalie. "Remember, bawal sayo ang ma-stress."

Umiling ako agad. "No. I will stay. I have to talk to her," I murmured. Ngayong andito si Cassidy, hindi ko palalampasin ang chance na makausap siya. Kahit pa harangan ako ni Gian.

Tumayo naman si Tito Andres. "Pinapupunta na tayo sa mesa nila," he announced to us. Alam kong ang mesa nila Gian ang tinutukoy niya kaya napalunok na lang ako. As part of the Salazar Family, siyempre kasali sila sa dinner.

"Dad, dito na lang kami ni Janus," pakiusap ni Natalie. Alam ko namang ginagawa niya ito para sa'kin. Kaya pala parang natataranta siya kanina kasi alam niyang masasaktan ako kapag malaman ko kung sino ang na-engaged.

"Hindi pwede, it's a family gathering kaya kasama ka. I-congratulate mo naman ang pinsan mo. At sumama ka na rin Janus. You‘re as good as family." Nakangiti sa'kin si Tito Andres kaya ngumiti na lang din ako. Nakakatuwa na itinuturing na pala ako nilang parang pamilya. Pero alam kong parang isang patibong ang pagsali ko sa kanila sa family dinner.

The four of us went to the long table in front of the mini-stage. Marami na ang nakaupo doon at halata namang puro mga kamag-anak sila ni Gian bastard. Nagbatian sina Tito Andres at ang parents ni Gian bastard at naupo na kami. Ipinakilala naman ako ni Tito Andres sa mga relatives niya lalo na sa mga magulang ni Gian bastard.

I didn‘t know what to feel, I was being introduced to the family of my ex-girlfriend‘s fiance. I just feel so hollow, knowing that this is the family that will be Cassidy‘s new family.

Magkatabi kami sa upuan ni Natalie at tadhana nga naman, sa tapat pa talaga ni Cassidy ako nakaupo. Halatang balisa si Cassidy sa presence ko kasi hindi siya makatingin sa'kin. Samantala, tinitingnan ako ni Gian bastard na parang hindi niya ako ini-expect. Noong nakaupo na lahat ay nagsimula na ang family dinner. Napatingin ako sa family ni Gian. Mukha namang mababait yung parents niya. May ate siya at dalawa pang kapatid na lalaki na sa tingin ko ay mas matanda sa kanya. Tapos katabi nila ang iba pa nilang kamag-anak, including some girls in their late teens who were giggling at something.

Tahimik lang kaming kumakain habang nakikinig sa usapan ng mga matatanda. I was trying to catch Cassidy‘s attention but Gian bastard was talking to her.

"So Gian, Cassidy, congratulations! Kelan niyo naman balak magpakasal?" tanong ni Tito Andres. Nagkatinginan naman muna sina Gian bastard at Cassidy bago sumagot.

"Sa last week po ng March next year Tito," sagot ni Gian bastard.

"Inunahan mo pa ang Ate Ivy mo niyan na magpakasal," komento naman ni Doc. Aileen. "Di ba, nag-aaral pa kayo? Isn‘t your wedding too soon? O talagang ang tanda ko na kaya hindi na ako updated sa mga bagong trends ngayon?" Natawa lang si Gian bastard at parang gusto ko siyang sapakin.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon