3. Starting Anew

1.7K 57 9
                                    

Lahat siguro ng first year makaka-relate sa'kin sa pakiramdam sa unang araw ng pasukan. Nakakakaba na nakakatuwa. 

This is it, I'm starting my new life! This is college life! This is university life!

Pilit kong kinikimkim ang excitement ko habang naghahanda sa una kong araw ng klase. Ilang beses na ring tumawag sa'kin sina Mommy at Daddy para kamustahin ako. Ilang beses ko na ring nasabi sa kanila na okay lang ako at excited ako. Tulog pa ang dalawa kong roommates kaya maingat ang pagkilos ko sa kwarto.

Siya nga pala, bawat room sa dorm na ito ay pinaghahatian ng tatlong dormers. Medyo maluwag siya para sa tatlong tao kaya okay naman. This is the first time na magkakaroon ako ng roommates kaya medyo bago sa'kin ang feeling pero exciting din. Hindi ko pa kasi nararanasang may kasamang mga kaedad ko sa iisang kwarto, at umaasa ako na sana ay magiging malapit ako sa mga dorm mate ko.

Kagabi sila dumating sa dorm. Yung isa eh galing pa yata ng isang province sa Northern Luzon kaya ang dami niyang dala. Nagpakilala siya. Owen daw ang pangaln niya. Halos magka-height lang kami. At katulad ko, first year din siya at Biology din ang course niya kaya malamang magkakasama kami nang matagal-tagal pa.

Tahimik lang si Owen sa side ng bed niya habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. Hindi kami nag-usap kasi wala naman kaming mapag-usapan at ang awkward pa lang mag-open up ng isang matinong conversation sa una. Ang dami kong inisip na pwedeng ikwento sa kanya pero nauunahan ako ng hiya, siguro na rin sa dahil sa ang tagal ko na ring walang naging kaibigan.

Habang nagmumuni-muni ako, sakto namang dumating naman ang isa pa naming room mate at akala ko nagi-ilusyon lang ako nang makita ko siya pero talagang pumasok sa loob ng kwarto ang isang lalaki na naka-round eyeglasses, may parang lightning bolt tattoo sa kanyang noo, at nakasuot siya ng robes na all black.

Hinila niya papasok ng room 'yung malaking maleta niya na may kasama pang isang birdcage. Sa loob nun ay may stuff toy na parang kwago.

Seriously?

Pareho naming tinitigan ni Owen ang bagong dating na parang nakakita kami ng multo. Tiningnan naman kami ng lalaki na panay ang ngiti.

“O hi guys!” masayang sabi niya. “So ito ang common room natin?”

Blank ang expression ng mukha ko. Tinitigan ko si Owen at halatang nagpipigil na din siya ng tawa tulad ko.

“HA, HA, HA,” sarcastic na tawa naman sa'min ng bagong roommate namin na siguro'y nakahalata sa mga facial expressions naming dalawa ni Owen. “Mas malala pa diyan sa mga mukha niyo 'yung expression ng ibang students sa labas. I think may nahulog sa may hagdanan sa katatawa. Anyway, ako nga pala si Atlas. Atlas Jerome Harry Mercado. Ravenclaw. And you?

Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Kinamayan ko naman siya. "Janus Go."

"O, sabi ko na nga ba intsik ka." Nakangiting tugon niya. "Uy don't get me wrong, hindi naman lahat ng Intsik walang kwenta, look at Cho Chang." Dagdag niya pa at kinamayan naman si Owen. Natatawa ako at saa isip ko ulit, napapa-WTF na trip ba ito?

Owen Pacia. So anong trip mo? Hogwarts student ang theme mo, ganun?" Puna ni Owen sa kanya na natatawa na talaga at di na napigilang magtanong.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Atlas. “Trip? I beg to disagree. For your information Mr. Pacia, since pangarap ko talagang mag-aral sa Hogwarts, tinutupad ko yun ngayon."

Natawa na naman si Owen. "Seryoso? At may birdcage ka pa talaga ha?"

"Gusto ko sana si Scabbers ang alaga ko, kaso wala akong mahuling daga bago magpunta rito." Sagot naman ni Atlas.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon