31. Date Night

900 37 1
                                    

Pakinshet.

Bakit naman nakalimutan namin na kasama pala namin sila Kuya Jigs at Kuya Xander?

Ngayon, paano na?

Pinahinto ko muna sa pagmamaneho si Vince. Lahat sila nakatingin sakin habang kausap ko yung lalaki sa phone. Well, maliban kay Dave na mukhang wala ng malay habang nakabalot pa rin ng packing tape sa tabi ng driver's seat.

"Hindi niyo na makikilala ang mga katropa niyo matapos ang gagawin namin sa kanila..." warning ng lalaki sa kabilang linya.

Siyempre kinabahan ako. Baka kung anong gawin nila sa dalawa. Eh dinamay ko lang sila dito.

"Akin na... ako ang kakausap..." bulong ni Atlas sa tabi ko sabay kuha ng phone sakin. "Hmm... ano kamo ang sabi niyo?" tanong niya sa kabilang linya.

Naka-loud speaker na ang phone ko kaya nadidinig na naming lahat ang boses ng lalaki.

"Kapag hindi kayo bumalik lahat dito, sasaktan talaga namin tong dalawang to..." sabi ulit ng lalaki.

"Janus... wag kayong makikinig sa ungas na yan!" may narinig kaming sumigaw sa kabilang linya. Si Kuya Jigs! Mukhang nahuli nga talaga sila!

Pero mukhang may plano na naman si Atlas. Ang lapad kasi ng ngiti niya.

"Kapag sinaktan niyo ang mga kaibigan namin, hindi niyo na rin makikita pa ang kaibigan niyo..." banta din ni Atlas na nakangiti pa sa amin.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Wala naman... hawak lang naman namin ang isa sa mga founding members niyo..." sabi ni Atlas na nakangiti parin. Napatingin ako kay Dave na walang malay.

Si Dave ba ang tinutukoy niyo?” sabi ng lalaki sa phone.

Oo. Kapag sinaktan niyo yung dalawa naming mga kasama, hindi rin kami mangangakong walang mangyayari dito kay Dave.” sagot ni Atlas.

Pero tumawa lang din yung lalaki. “Hindi ako natatakot. Wala akong pakialam sa kanya.”

Nagkatinginan kaming lahat. Mukhang hindi effective ang balak ni Atlas na makipagpalitan ng mga hostage.

Naisip ko na yan, kaya may panlaban pa ako.” Sabi naman ni Atlas. May kinuha siya sa bulsa niya. Yung phone niya. May pinatugtog siyang audio file na itinapat niya sa phone ko kaya sigurado akong naririnig iyon ng lalaki sa kabilang linya.

Pagnaka-alis kami dito, ipapakulong ko talaga kayo! Kidnapping na tong ginagawa niyo!” narinig namin ang sigaw ni Chari mula sa phone ni Atlas. May ni-record pala siya habang nandon sila sa mansion ng Alpha Pizza Pie!

Hahahaha! Hindi ako sure kung makakaalis pa kayo. At isa pa, hindi maniniwala ang mga pulis sa inyo. Nung may nagkalat nga na tumitira kami ng drugs eh sinugod nila tong mansion namin. Pero ang nadatnan nila ay nagpri-prayer meeting kami! Hahaha! Ang galing ng acting namin di ba? Ang totoo, tinago namin yung mga 'items' namin sa basement na ito, na hindi nila nakita. Dito rin namin ginagawa ang mga hazing namin sa frat saka yung mga baril na nakuha namin sa mga rambol,” sabi ng lalaki.

Mga hayop kayo! Ano bang kasalanan namin? Bakit niyo kami kinidnap?” tanong ulit ni Chari.

Gusto lang namin kayong gantihan kasi ang laki ng nawalang pera sa amin nung natalo kami sa pustahan sa Amazing Games. At isa pa, ng dahil sa inyo at ng Cassidy na yun, mukhang may naaalala na ulit si Janus Go. HINDI YUN PWEDENG MANGYARI.”

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon