Maaga akong nagising dahil pasukan na naman. Nasa college na ako sa PPNCM UNIVERSITY ako napasok. From elementary to high school ay lagi akong nasa top 1 pero public lang iyon. Well, gusto ko kasi maging proud ang mama ko sa akin. Kaya ngayong kolehiyo na ko magsisikap talaga ako na makapagtapos para matupad ang pangarap ko. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Tama lang at sapat ang masasabi ko sa aming buhay. Tatlo kaming magkakapatid. Si Kuya Paolo ang panganay, hindi siya nagtapos dahil gusto niya tulungan na ang aming ina sa pagtatrabaho. Pero mabait at malambing iyan. Si Ate Pia ang sumunod. Tulad ni Kuya Paolo mabait din siya pero may pagkamasungit lalo na kapag ako ang nasasaktan. Nakapagtapos si Ate Pia sa kursong business administration kung hindi ako nagkakamali sa isang sikat na company nagtatrabaho si Ate Pia. Tapos ako ang bunso sa aming tatlo, hindi naman ako spoiled pero ramdam ko kung gaano nila ako kamahal. At halos lahat ng gustuhin ko ay nasusunod, basta ang lagi nilang bilin ay huwag akong magpapagod.
Oh by the way I am Nico Charmaine Mendoza. Maine ang tawag sa akin ng mga classmate ko. Menggay naman ang tawag sa akin nila Mama, Kuya at Ate ko. Si Sheena lang ang natawag sa akin ng Charm. Best friend ko iyon since elementary until now. Wait siguro napansin ninyo kung bakit wala akong pinakilalang Ama? Nasa ibang bansa siya doon siya nagtatrabaho. Pero mula ng umalis siya noong bata pa ako ay hindi na siya bumalik pa. I think 5 years old lang ako noon. Hindi namin alam kung may pamilya na ba siya doon o kung buhay pa siya. Well sana buhay pa. 17 na ako now so almost 12 years na kaming walang balita sa kaniya. Sabi ni Kuya kinalimutan na daw kami ni Papa. Sabi naman ni Ate hindi daw kasi kami tanggap ng magulang ni Papa. Ayaw raw nila Lola kay Mama dahil anak daw si Mama ng isang hardenero. Ano bang masama sa pagiging anak ng isang hardenero? Hindi ba wala naman at marangal naman ang trabaho ng Lolo ko, compare mo sa iba.
Nagsumikap si Mama para makapag-aral kami at para makapagpatayo siya ng munting karinderya. Doon niya halos kinukuha ang lahat ng panggastos namin kahit ang baon namin ay doon din kinukuha, kaya ginawa ko para makabawas sa gastusin ni Mama ay pinilit kong makapasa sa P.P.N.C.M UNIVERSITY para makakuha ng scholarship and thankful naman ako dahil nakapasok ako sa isang exclusive na school na yun bilang isang scholar. Oh di ba ang taray..
Pero napapaisip ako ano kaya ang meaning ng PPNCM. Saka bakit kaya ganoon ang name ng school? Well wala naman akong paki doon basta ang mahalaga nakapasa at nakapasok ako sa school na iyon. Sabi naman ni Kuya siya na bahala sa baon ko, tapos si Ate ang bahala magturo sa akin kung paano maging palaban. Bilin pa ni Ate sa akin matoto daw akong lumaban lalo na kapag alam kong tama ako. Huwag daw akong paaapi lalong huwag daw akong paloloko. Oh hindi ba ang lupet magbilin ni Ate daig pa ni kuya. Pero love ko ang mga iyan.
Tara simulan na natin ang munti kong talambuhay. Hahaha parang si Rizal lang ang peg. Pero sana magustuhan nyo at sana pagtapos nito ay may matutunan kayo......😘😘😘
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...