Louise
Habang naglilinis ako ng mga kalat na ginawa namin magpinsan, kasama sina Alden at Sheena napansin ko na parang may kakaiba kay Maine. Hindi ko lang maipaliwanag pero may something talaga lalo na sa kinikilos niya. Sinundan din siya ni Sheena sa sala. Dahil bigla itong nahilo. Siguro nabigla sa pakikipaglaro sa amin. Para kasi siyang bata sa kulit. Buti na lang sound proof ang kwarto nila Tita Pauleen at Tito Victor..
"Tapos na ang niluluto ko. Na saan na sila?" Biglang tanong ni Alden sa akin...
"Nasa sala sila. Nahilo kasi bigla si Maine." Sagot ko na may pag-aalala..
Hindi pa man siya uli nakakapagtanong ng dumating si Sheena..
"Sheen si Maine?" Tanong ko..
"Nakahiga doon sa sopa. Masakit raw ang ulo niya. kaya nagpakuha ng tubig." Paliwanag niya..
Habang nakuha siya ng tubig biglang nagsalita si Maine sa likod namin..
"Hi? Luto na ang food? Gutom na ako eh." Tanong niya naikagulat namin...
Alden
Tinanong ni Louise si Sheena kung na saan si Maine. Sagot niya nasa sala raw at nakahiga sa sopa. Pero nagulat kami lalo na si Louise nang magsalita bigla ang mahal ko..
"Hi? Luto na ang food? Nagugutom na ako eh." Wika niya na parang bagong gising.
Ang gulo kasi ng buhok niya...
"Ano ka ba pinsan? Huwag ka ngang biglang nasulpot diyan. Daig mo pa ang multo eh." Pagrereklamo ni Louise..
"Sorry naman. Ang tagal kasi bumalik ni Sheena eh." Sagot niya na may ngiting nakakaloko..
Pero bago pa sila uli magkasagutan inaya ko na lang silang kumain. Natapos ang pagkain namin ng masaya. Tapos biglang nagyaya si Maine sa garden nila kung saan siya madalas tumambay...
Garden
"Guys pwede ba tayong magpunta sa beach?" Pagyaya ni Maine habang nakatingin sa amin ng seryoso..
"Oo naman." Sagot ni Alden..
"Matanong nga kita bakit naman biglaan?" Tanong ni Louise sa pinsan niya.
"Wala lang. Gusto ko lang kayo makasama." Sagot ni Maine..
"Kailan mo ba gustong pumunta ng beach?" Tanong naman ni Sheena sa kaniya...
"Sa araw mismo ng kasal ko." Sagot niya na may ngiti..
"Wait? Did you say? Sa kasal ninyo? So pumapayag ka na makasal sa akin?" Masayang wika ni Alden..
"Bakit ayaw mo ba?" Nakayuko nito wika...
"Anong ayaw? Gustong-gusto ko nga eh." Masayang sagot niya.
Nakalimutan nila na may kasama pa sila...
"Ihem!! Andito pa kami Mr and soon to be Mrs faulkerson." Sabay na wika nila Sheena at Louise sa dalawa na hindi mapigilan ang saya.
Almost 3 weeks mula nang sabihin ni Maine na gusto na niyang makasal sa kaniyang mahal na si Alden. Alam na din ng lahat ang tungkol doon. Sa beach gaganapin ang kasal nila dahil iyon ang gusto ni Maine. Ang hindi lang nila maunawaan kung bakit biglaan.
Sa Batangas resort sila kinasal at sa boracay naman ang kanilang honeymoon. Gusto kasi ni Maine na nakikita ang dagat. Kaya sa isang hotel kung saan nakaharap sa dagat sila nakapwesto..
Maine
Habang nakatingin sa malawak na dagat hindi ko mapigilan ang hindi mapaisip at maiyak...
"Mahal are you okay?" Tanong ng asawa ko..
"Yeah. I am okay. Masaya lang kasi dahil kasal na tayo. Hindi lang ako makapaniwala." Sagot ko sa tanong niya.
"Mahal sana habang buhay na tayong ganito. Magkasma at masaya." Wika ni Alden habang yakap niya ako...
"Sana nga." Sagot ko. "Sana nga mahal. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako nandito sa tabi mo. Dahil alam ko, sa sarili ko na maikli na lang panahon ko dito. Alam ko din na one of this day ay kukuhain na niya ako." Iyan ang mga salita na gusto kong sabahin sa asawa ko. Pero ayoko naman na masira ang special day na ito...
Habang nasa boracay sila Maine at Alden ang mga kaibigan naman nila ay nagtatalo tungkol sa magiging anak nilang dalawa...
Sheena
"I am happy dahil sa wakas kasal na din sila. And waiting sa magiging inaanak namin."
"Valeen excited na ako. Sana kambal ang maging anak nila." Wika ni Valerie sa kaniyang kambal..
"Ako din. Sana girl noh." Sagot niya..
"Sana boy." Sabat bigla ni Patricia..
"Girl." Valeen
"Boy." Patricia
"Isa pang girl o boy pag-uuntugin ko kayong dalawa." Sagot ko na naiinis..
"Si Valeen kasi eh." Reklamo pa ni Patricia...
"Ako talaga?" Sagot pa ni Valeen..
"Guys tumigil na nga kayo. Saka na natin isipin kung ano ang gender ng magiging baby nila. Kapag meron nang confirmation galing kina Charm at Alden." Mahaba kong paliwanag...
"Tama si Sheena guys." Sigunda pa ni Louise..
Ang mga boys naman tahimik lang na nakikinig sa usapan nila habang iniinom ang alak na nakalapag sa harapan nila...
Boys
"Jerald wala ka bang plano magtapat kay Valeen?" Biglang tanong ni Sam..
"Wow at talagang sa iyo pa nanggaling noh? Eh bakit nagtapat ka na ba kay Patricia?" Sagot ni Jerald..
"Hindi pa. Kumukuha pa ako ng magandang timing eh." Paliwanag niya..
"Ako magtatapat na ako kay Barbie." Sagot ni Ken na bago lang sa kanila.
"Ako din eh." Sabat pa ni Rocco.
"Oh eh 'di kayo na may love life." Natatawang wika ni Jake...
"Alam mo dude ligawan mo na kasi si Andrea. Para meron ka na din love life gaya namin." Wika ni Jerald...
Sasagot pa sana siya ng biglang sumulpot ang mga girls..
"Hey! Mukhang may usapang serious dito ha? Pwede maki-join!?" Pasigaw na wika ni Valeen..
"Hoy! Valerie sawayin mo nga iyan ang ingay eh!" Sabat ni Jerald..
"Wow ha? If I know pareho kayong maingay." Singit bigla ni Sanya na naiiling pa...
Habang nagkukulitan sila biglang nag-ring ng cellphone ni Louise...
"Yes ito nga po. Opo pinsan ko po siya. Sige po. Pupunta kami. Salamat po." Matapos kausapin ay hinarap naman niya ang mga kaibigan na tila nag-aabang sa sasabihin niya.
"Guys need natin pumunta sa dating doctor ni Maine." Wika niya..
"Pero bakit?" Biglang tanong ni Jake...
"I don't know." Tipid niyang wika....
Kaya agad silang kumilos para magtungo sa lugar kung saan sila magkikita ng dating doctor ni Maine...
"Ano man ang sasabihin niya good man o bad kailangan namin maging matatag. At lalong kailangan namin hindi ipahalata sa aking pinsan kung ano man ang malalaman namin." Bulong ni Jake.

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...