Nag-celebrate silang lahat kasama ang mga kaibigan ng dalaga, nang malaman nila na nakapasa si Charmaine sa nasabing exam. Lahat sila masaya maliban sa dalagang si Charmaine..
Nico Charm restaurant
Sa restaurant ni Pauleen sila nagcelebrate...
"Congrats Nico Charmaine, dahil nakapasa ka sa exam!" Wika nilang sabay-sabay..
"Thanks." Tipid nitong wika..
"Hindi ka ba masaya?" Tanong ni Alden..
"Masaya." Tipid niyang sagot..
"Ang galing mo talaga Maine. Waley ako masabi sa talino mo." Nakangiting wika ng kakambal ni Valeen na si Valerie...
"Naku kung ako iyon malamang bagsak na ang exam ko." Singit pa ni Jerald..
Pero ang pamilya ni Maine nakatingin lang at nakangiti sa kanila, maliban sa dalaga na tahimik lang. Habang nag-uusap sila nag-excuse si Maine para magtungo sa comfort room..
"Excuse lang po, punta lang po ako sa comfort room." Pagpapaalam niya..
"Gusto mo bang samahan kita bunso?" Tanong pa ng ate Pia niya..
"No. Kaya ko na po, beside babalik din po ako agad." Sagot niya bago umalis...
Habang wala ang dalaga sila naman ay abala sa pagkukuwentuhan...
"Dapat girl genius ang tawag kay pinsan." Proud na wika ni Louise..
"Siguro kung ako ang kumuha ng exam malamang bagsak na." Natatawang wika ni Sam..
"Buti alam mo, dahil kung IQ lang pag-uusapan baliwala ang IQ nating lahat." Sabat ni Patricia...
Nasa ganoon silang pag-uusap nang mapansin nila na almost 15 mins nang wala si Maine..
"Tita, bakit parang ang tagal naman po ni Charmaine?" Tanong ni Louise..
"Oo nga noh. Hala puntahan ninyo nga baka mamaya kung napaano na iyon." Utos ni Pauleen kay Louise..
"Kate samahan mo ako." Pag-aaya ni Louise na agad naman sinunod ni Kate..
Patayo palang sila nang biglang sumulpot si Maine, namumutla ito at basang-basa pa...
"Anak, anong nangyari sa iyo?" Nagtatakang tanong ni Victor sa anak niya na ayaw magsalita..
"May nambastos ba sa iyo doon?" Tanong pa ni Paulo sa kapatid..
"Charm baka gusto mong magsalita." Singit ni Sheena..
Dahil ayaw magsalita at namumutla pa ginawa ni Alden tumayo na siya para alalayan ang dalaga..
"Maine tara maupo ka muna." Pakiusap niya na may kasama pang paglalambing..
Umiling si Maine bilang sagot..
"Sis masama ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Pia sa kapatid..
Pero isang salita lang ang nasabi nito bago mawalan ng malay..
"Mama." Wika niya sabay bagsak na parang lantang gulay..
Buti nasalo siya agad ni Alden dahil ito ang nasa tabi niya. Kaya dali-dali nila itong itinakbo sa hospital kung saan ito regular na nagpapa-check up...
St. Luke hospital
Pagdating nila sa nasabing hospital agad pinasok sa E.R ang dalaga.. Sakto rin na palabas na sana ng hospital na iyon si Dr. Manalo ang doctor na tumitingin sa dalaga..

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...