Kumuha nga si Charmaine ng advanced acceleration exam at malalaman pa ang result nito by next week. Dahil maaga pa naman nagpasya sila na ipasyal muna ang dalaga sa isang park. Naupo sila doon kung saan kita mo ang mga bata na masayang naglalaro..
"Nakakainggit sila no?" Bigla niyang wika..
"Bakit naman? Gusto mo din ba maglaro ng gaya nila?" Nakangiting wika ni Valeen..
"Kung pwede nga lang, bakit hindi." Sagot niya sa tonong malungkot..
"Nico pwede magtanong?" Tanong ni Kate..
"Oo naman, wala naman bayad iyon eh." Nakangiti nitong sagot..
"Hay umiral na naman ang pagiging pilosopo mo." Natatawang wika ni Sheena..
"Minsan lang." Sagot niya.. "Oh Kate? Ano ba ang itatanong mo?"
"Nico, bakit ayaw mo magpaopera?" Tanong niya na ikagulat ng lahat..
"Hoy! Kate sa dinami-dami ng itatanong mo sa pinsan ko, iyan talaga?" Singhal ni Louise sa kaibigan..
Sasagot pa sana si Kate nang magsalita si Charmaine..
"Okay lang pinsan sasagutin ko ang tanong niya."
"Are you sure?" Paninigurado niya dito...
Tumango ang dalaga bago nagsalita...
"Kaya ayoko magpaopera kasi ayokong mawala ang aking ala-ala." Malungkot niyang sagot..
Tumahimik silang saglit at muling pinagmasdan ang mga bata..
"Pinsan gusto ko nang umuwi." Wika ni Maine.
Kaya naman inalalayan na nila ito patungo sa van na sasakyan nila. Habang binabaybay nila ang daan patungo sa mansion ng mga Mendoza napansin nila na nakatulog na si Charmaine sa balikat ni Alden..
"Pssst..." Sitsit ni Barbie sa binata..
"Bakit?" Tanong niya..
"Try mo ligawan uli si Maine." Sagot nito..
"Pwede, kaso baka tumanggi na siya eh." Nakayuko nitong wika..
"Alam mo Alden kung mahal mo talaga ang pinsan ko patunayan mo." Sabat ni Jake...
"Don't worry bro tutulungan ka namin." Singit ni Jerald...
Tumango lang siya at sinulyapan pa saglit ang dalaga. Hanggang sa makarating sila ng mansion. Lumipas pa ang mga araw unti-unti na nanghihina ang katawan ni Charmaine, at madalas na din umatake ang pananakit ng kaniyang ulo...
Isang araw, maagang nagising ang pamilya Mendoza. Maliban sa mag-asawang Don at Doña na umalis patungong Italy, para doon na muna mag-stay. Nakikibalita na lang sila tungkol sa lagay ng kanilang apo na si Charmaine. Sa ngayon sina Louise, Jake at Sheena ay sa mansion muna naka-stay...
"Tita Charm po? Bakit hindi po ata sumabay sa atin kumain?" Nagtatakang tanong ni Sheena..
"Baka naman tulog pa." Singit ni Louise na kagagaling lang sa itaas..
"Bakit kinatok mo ba ang silid niya? O hindi kaya sinilip mo man lang ba?" Sabat ni Jake na nasa sala at nakikinig lang sa kanila..
"Hindi." Mataray na sagot ni Louise..
"Hep, tama na iyan. Mamaya magpatayan na kayong dalawa diyan." Awat ni Paulo sa mga pinsan niya...
"Wala si bunso sa kaniyang silid. Umalis sila ni Pia para ipasyal sa park si Maine." Wika ni Pauleen...
Hindi naman nagtagal dumating na sila Pia kasama si Charmaine na may lungkot sa mata...
"Anak bakit ganiyan itsura ng kapatid mo?" Nag-aalalang tanong ni Pauleen sa anak na si Pia..
"Ma pagod lang po ako." Singit ni Maine sa usapan nila Pia at Pauleen..
Pero ang totoo kinausap siya ng kaniyang ate...
Park
"Ate bakit nandito tayo?"
"Para makapagkausap tayo."
"Bakit po? Bawal na po ba sa bahay mag-usap?"
"Alam mo bunso minsan iniisip ko kung bata ba ang kausap ko."
"Grabe ka sa akin. Pero bakit naman?"
"Kasi hindi ka nauubusan ng tanong. Menggay, ako naman ang magtatanong sa iyo." Seryoso nitong wika..
"Sige." Nakangiti niyang sagot..
Humugot muna siya ng isang buntong hininga bago nagsalita..
"Menggay, bakit ayaw mo magpaopera?"
Biglang lumungkot ang itsura ng bunso niyang kapatid..
"Kasi ayoko makalimot at ayoko din na mawala, hindi pa ako handa."
"Alam mo bunso kung makakalimutan mo man kami, maaalala naman kami ng puso mo. Isa pa ayaw mo ba no'n kapag naoperahan ka, pwede ka pa namin makasama ng matagal at maikakasal ka pa sa taong mahal mo."
"Ate naman, pati kasal dinamay pa. Hindi ba dapat ikaw o si kuya muna, bago ako?"
Natawa si Pia sa sagot ni Charmaine...
"I have a serious question for you bunso."
"And what is that?"
"Mahal mo pa ba si Alden?"
Yumuko ang kapatid niya na tila ba nahihiya..
"Don't be shy, just answer my question."
"Seriously ate, oo mahal ko pa. Mahal na mahal."
"Mahal mo naman pala, then why don't you give a second chance. Malay mo nagsisi na talaga siya."
"Ramdam ko naman po na nagsisisi na siya, and I know he deserve a 2nd chance. Ayoko kasi."
"Ayaw mo kasi... Ano?"
"Ayoko kasi na masaktan siya, alam ko din naman na hindi na ako magtatagal dito."
"Don't say that okay. Magtatagal ka pa dito, kasama namin. You know what little sis don't think negative just think positive na magtatagal ka pa."
"Paano? Lately mas madalas nang sumakit ang ulo ko compared mo noon. And I know, I feel na lahat ng gamot na iniinom ko ay hindi na natalab pa sa akin."
"Kaya nga pumayag kana magpaopera para mawala na ang sakit mo. At para makasama ka pa namin."
"Kung papayag po ba ako hindi ninyo ako iiwan?"
"Bunso bakit ka naman namin iiwan? Kung noon ngang naglayas ka hinanap ka namin iyan pa. Saka kapag nakalimot ka, kami mismo magpapaalala sa iyo ng mga masayang araw mo."
"Talaga?"
"Oo kaya pumayag kana huh?"
"Sige payag na po ako." Sagot niya kahit kita sa mukha nito ang lungkot ...
Hanggang magpasya sila na umuwi na. Sa bahay naabutan nilang nag-uusap sina Louise at Jake kasama ang Mama at kuya nila..
"Anong meron?" Nakangiti niyang tanong habang si Charmaine ay tahamik lamang ..
Napansin iyon ni Pauleen kaya agad siyang nagtanong sa anak na si Pia. Pero hindi pa nasagot si Pia nagsalita na agad si Charmaine..
"Ma, I am ready."
"Ready saan, anak?"
"Ang magpaopera at mag-undergo for my chemotherapy."
"Sure ka?"
Tumango siya bilang sagot..
"Salamat anak." Wika niya sabay yakap...
Kaya agad nilang tinawagan ang Doctor para sabihin na pumayag na si Charmaine.

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...