"Ma patawad dahil sa akin mukhang na trauma and kapatid ko." Nagsisising wika ni Paulo sa ina habang nakatingin sa bunso nila na ngayon ay ayaw magsalita.
Lumapit pa sila dito para muli sanang kausapin kaya lang nahiga na ito at tumalikod sa kanila na halatang ayaw silang kausapin. Wala silang nagawa kung hindi ang hayaan na lang ito tulad noon..
"Ma sana huwag na maulit ang dati." Wika ni Pia.
Kaya nagulat sila ng may magtanong bigla. Walang iba kung hindi ang magulang ng kanilang ama..
"What do you mean tulad ng dati?" Nagtatakang tanong nila Don Joey at Doña Consuelo sa kanila na kadarating lang.
Kaya kinuwento nila ang tinutukoy nilang "dati"..
Kwento ni Pauleen tungkol kay Charmaine;
"High school pa lang po noon si Paulo, nasa elementary naman po si Pia ng mga panahon na iyon at kinder garden naman po si Maine that time.."
(Panimula ni Paulen) "Noong araw na iwan kami ni Victor iyon din ang araw na halos magmakaawa si Maine sa kaniyang ama na huwag kaming iwan para magpunta sa kung saan pa man.. Nang araw ding iyon maghapon nagkulong sa kaniyang silid ang aming bunso. Ni hindi mo ito mapatahan at makausap puro papa lang ang hinahanap niya.. Lahat kami inaaway, natatahimik lang siya sa pag-iyak kapag ito ay nakakatulog na."Huminga ng malalim si Pauleen bago muling nagsalita.
"Lumipas pa ang isang linggo at makikitaan mo na siya ng pagbabago.. Tahimik at laging nakatingin sa malayo, ni ayaw kumain kahit kaunti.. Kapag pinipilit namin ay iiyak lang ito at muling tatawagin ang kaniyang ama...
Past;
"Anak huwag ka na umiyak? Tumahan ka na, baka kung mapaano ka pa." Pakiusap ng kaniyang mama.
Pero wala iyak lang ito ng iyak..
"Bunso gusto mo ice cream? Ibibili kita." Paglalambing ng kaniyang ate..
"I don't like ice cream. I want my papa." Sigaw niya habang naiyak.. "Papa, papa ko.." Iyak pa nito..
"Tahan na. Ito oh may dala si kuya for you, favorite mo fish ball." Pang-uuto pa nito..
Pero hindi talaga ito tumigil sa pag-iyak hanggang sa nakatulugan na lang niya. Awang-awa sina Pauleen, Paulo at Pia sa itsura ng kanilang tinuturing na munting prinsesa.. Dahil tulog na ginawa ni Paulo binuhat na ito, habang patungo sila sa silid kung saan ito natutulog narinig pa niya itong nagsalita..
"Papa ko..." Wika ni Charmaine habang natutulog ito..
Napahinto si Paulo at sabay bulong na..
"Kawawa naman ang bunso namin."
Pagkatapos niya sabihin iyon tinuloy na niya ang paglalakad patungo sa silid ng kapatid.Pagkatapos niya ihatid ang kapatid na bunso sa sariling silid siya naman and nagtungo sa kwarto niya. Bago pa siya matulog iniisip pa din niya ang kaniyang ama kung bakit sila iniwan nito ng ganoon-ganoon na lamang... Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya..
Lumipas pa ang halos isang linggo hindi siya na kain, ni makipag-usap kahit kanino ay hindi niya ginagawa gaya nga dati. Napakalaki ng pinagbago niya na lubha naming pinag-alala.. Isang araw inaya namin ang aming bunso na mamasyal buti at sumama siya sa amin pero still no talk.. Habang nasa labas kaming at kumakain ng street food bigla na lang bumagsak si Maine at nanginginig ito nang hipuin ko, namin ang taas ng lagnat niya kaya agad namin siyang dinala sa hospital.
Sa hospital akala namin simpleng lagnat lang dahil sa panahon o kaya dahil sa asthma niya.. Kaya lang nagulat kami dahil nalaman namin na may sakit sa puso si Charmaine at hindi iyon simple.. She need an open heart surgery dahil wala pa kaming pera pampa opera binigyan muna siya nang gamot na pwedeng inumin life time iyon meron din siyang inject para maiwasan ang paglaki ng butas ng puso niya..
Dahil sa kakapusan at may kamahalan ang gamot napilitan si Pauleen na pumunta sa mansion kung saan nakatira ang magulang ni Victor nagbabakasakali siya na makausap si Victor para ipaalam ang nagyari kay Charmaine... Kaya lang nalaman niya na hindi na doon nakatira ang mga Mendoza. Nalaman pa niya na sa Italy na titira ang mga ito kasama ang nasabing asawa ni Victor na si Isabella..
Mula nang araw na iyon kinalimutan na nila si Victor, binenta nila ang dating tirahan at lumipat sila nang ibang bahay.. Pina-theraphy at psychology pa nila si Charmaine para lang bumalik ito sa dati na halos tumagal ng 3 taon.. Pero lagi pa din niya hinahanap ang kaniyang papa kaya sinabi namin sa kaniya na huwag nang umasa na babalik pa ito dahil kinalimutan niya na kami.. Malungkot man pero tinanggap iyon ni Maine kahit mahirap. Thankful na lang kami at nagkaroon siya ng kaibigan na kagaya ni Sheena na hindi siya iniwan sa lahat ng oras gaya nila Pauleen, Paulo at Pia..
Present;
Nalungkot sila sa mga kinuwento ni Pauleen samantalang si Paulo ay umalis muna. Si Pia naman ay nagtungo sa chapel... Para magdasal na maging okay na ang kapatid... Si Maine mukhang wala talagang planong kausapin sila.. Nasaktan siya at nagtatampo sa kaniyang ama na hindi tumupad sa pangako niya.. Galit din siya dahil sinigawan siya ng kaniyang kuya at first time iyon nangyari.. Kaya nang maramdaman niya na palapit sila ginawa niya nahiga at tumalikod sa kanila na halata mong galit.. Natulog na lang siya dahil may camping pa sila by next week..
"Pauleen, patawad kung hindi ako nakabalik agad. Pero alam mo bang pinilit ko na makabalik sa inyo." Wika ni Victor..
"Kalimutan mo na iyon, ang mahalaga si Maine. Paano kung hindi na naman siya magsalita gaya ng dati?" Tanong niya. "Natatakot ako na baka mangyari iyon." Wika pa nito...
"Huwag ka mag-alala gagawin natin lahat para hindi siya magkaganoon muli." Tugon niya habang nakaakbay kay Pauleen.
Samantala ang sina Don Joey at Doña Consuelo ay hindi naalis sa tabi ng apo na ngayon ay nahihimbing ang pagtulog. Hawak lang nila ang kamay nito at nakatitig lang hanggang may dumating na mga kabataan na galing pa sa school. Mukhang ang mga kaibigan ng dalaga ang dumating.. Kasama si Alden na may plano nang magtapat sa dalaga, plano niya kasing ligawan na ito dahil mahal na mahal na niya ang dalaga..
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanficTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...