After 1 week
Natapos ang isang linggong camping ng mga estudyante sa Mt. Makiling na ginanap pa sa laguna. Dahil pare-parehong mga pagod, guro man o mga estudyante kaya nagpasya ang may-ari ng school na magkaroon ng almost 3 days na walang pasok. Sa loob ng isang linggong iyon ay maraming nangyari, bukod sa mga activities nila na talaga namang nakakapagod ay ginawa na din ni Alden ang kanilang pustahan na ligawan si Charmaine. Hindii naman siya nabigo dahil pumayag ang dalaga na ligawan siya nito iyon nga lang ang kawawang Charmaine walang alam na pustahan lang ang lahat. Sa loob ng 3 days na wala silang pasok laging nadalaw ang kanilang ama na si Victor upang suyuin sila na lumipat na sa bahay nito. Sila Pia at Paulo naman kahit paano ay napatawad na ang ama,sa ngayon nasa New Zealand si Paulo para ituloy ang pag-aaral nito. Dahil iyan ang unang hiling niya sa ama ang makapag-aral muli, habang si Pia naman ay nasa company na ng mga Mendoza. Isa siya sa may pinakamataas na position doon, at ang kanilang bunso naman ay nag-aaral pa din sa PPNCM University na pag-aari ng kaniyang ama. Hanggang ngayon hindi pa alam ng mga kapwa niya student na siya ay anak ng may-ari ng school na iyon... Ayaw niya kasi na pagkaguluhan siya dahil lang doon. Hindi na rin karinderya ang hawak ng kaniyang ina kung hindi isang restaurant na."Nico Charm restaurant" ang pangalan nito...
Bago matapos ang 3 days na "no classes" ay may dumating na hindi nila inaasahan, ang may-ari mismo ng bahay na nakasanlang tira sa kanila.. Tinutubos na ito dahil gusto na ng dating nakatira rito na manatali na muli sa pilipinas gaya ng dati. Binalik na din ang pera nila na binayad dito at dinagdagan pa ito bilang pasasalamat sa pag-aalaga at pagmamahal sa bahay na iniwan ng mismong may-ari nito. Kaya naman sinamantala ito ni Victor kaya ngayon sa mansion ng mga Mendoza nakatira ang mag-iinang Pauleen. Ang pera na binayad sa kanila ay nilagay muna niya sa banko na nakapangalan sa kaniyang bunsong anak na si Charmaine. Masaya ang lahat lalo na ang mga magulang ni Victor dahil sa wakas kasama na nila kanilang mga apo na matagal na nilang gustong makapiling. Nang matapos ang 3 days na walang pasok back to normal na uli sila. Excited na pumasok si Maine hindi dahil nami-miss niya ang pagpasok kung hindi may nami-miss siyang isang tao. Kahit na lagi silang nagkikita o nagtatawagan sa cellphone ng binata hindi niya pa din maiwasan na hindi ito ma-miss... Masasabing tuluyan na ngang nahulog si Charmaine kay Alden..
Isang araw maagang pumasok si Charmaine sa nasabing school, papasok pa lang siya ng harangin siyang bigla ni Louise na tila ba naghihintay sa kaniya...
"Hi Charmaine?" Maarteng bati nito sa dalaga habang naka-cross arm pa..
"He-hello." Utal at halatang kabado niyang bati dito. Ayaw na kasi niya ma-bully pang muli...
"Oh, don't be afraid." Wika pa nito sa maarteng tinig..
"Ano kailangan mo sa akin?" Tanong niyang naiilang sa kausap..
"Wala naman." Tipid niyang sabi. "But I will congratulate to you dahil nililigawan ka pala ni Alden." Wika pa niya na halata mo naman plastic...
"T-thanks." Alangan niyang tugon.. "Aalis na ako." Pagpapaalam pa niya sa kausap...
"Okay. Good luck." Tipid ngunit may ibig sabihin sa kaniyang salita...
Hindi na lumingon pa si Charmaine kay Louise kung hindi nagmadali na itong pumasok. Tulad nang inaasahan magulo pa din sila and mukha wala pa ang mga kaibigan niya, kaya naupo na lang siya at nagbasa ng libro. After a few minutes dumating ng sabay-sabay sina Valeen kasama ang buong barkada..
"Maine bakit hindi ka nagpunta sa canteen?" Nagtataka niyang tanong sa dalaga na busy sa pagbabasa..
"Huh? Akala ko kasi andito na kayo." Tugon niya na halata mong gulat..
"Okay ka lang ba?" Tanong pa ng kambal ni Valeen na si Valerie..
"Yes of course I'm okay." Tipid nitong sagot..
"Girl kailan mo sasagutin si Alden?" Tanong ni Barbie na kinikilig pa..
"Hoy! Bansot huwag ka nga makealam kung kailan niya gusto sagutin si Alden." Sabat pa ni Patricia..
"Hay! Ayan na naman po sila." Buntong hininga na sabi ni Sanya dahilan ng kanilang tawanan.
Nasa ganoon sila kasaya ng biglang magsalita ang mga boys..
"Hi girls." Bati nilang sabay-sabay..
"Wow! Ano ito concert? Kailangan talaga sabay-sabay kayo?" Pabirong sabi ni Barbie sa mga boys na bagong dating.
Pero hindi siya pinansin ng mga ito..
"Hi Maine." Malambing na bati ni Alden sabay abot ng 3 rosas na pinitas pa niya sa kanilang bakuran..
"Thanks." Nakangiti nitong sabi...
"Sagutin mo na kasi girl." Sabat naman ni Sanya....
"Oo nga naman, sagutin mo na." Udyok pa ng mga classmate nila..
Ngumiti lang si Maine bilang sagot sa mga panunukso nila tapos tumingin ito kay Alden na may makahulugang tingin naikangiti ng binata..
"Ayon oh! Ang ngiting tagumpay." Bulyaw pa ni Sam habang nakatingin sa dalawa..
"Inggit ka lang." Sabat pa ni Patricia...
"Bakit ako maiinggit eh andiyan ka naman." Pabiro ngunit malambing niyang wika sa dalaga..
"Tse! Ito piso bumili ka ng kausap mo." Sagot niya na nakasimangot...
Kaya ang resulta nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Patricia kay Sam...
"Bro piso lang pala katapat mo eh." Natatawang sabi ni Jerald..
"Sige tawa lang baka last mo na iyan." Pikon kunwari nasabi ni Sam sa kaibigan.
Kaya ang resulta lalo silang tumawa na halatang masaya sila. Habang nagsasaya sila, si Louise naman ay inis silang pinagmamasdan.
"Sige lang ngumiti ka pa, tingnan lang natin kung makangiti ka pa kapag nalaman mo ang totoo." Bulong niya sa kaniyang isipan..
Nasa ganoon silang sitwasyon ng dumating ang kanilang Prof para magsimulan na ang kanilang klase... Pagkatapos ay nag-announce pa ito tungkol sa acquaintance party nila na gaganapin next week. Ang mga hindi sumama sa camping ang mamahala dito at kasama doon ang best friend ni Charmaine na si Sheena. Sinabi pa na formal attire ang kanilang susuotin at need ng partner, kaya lahat sila ay natuwa sa nasabing announcement. Sakto naman na nag-bell na kaya sa canteen na sila dumeretso lahat... Para kumain at pag-usapan ang tungkol sa nasabing acquaintance party.. Habang naglalakad sila bumulong bigla si Valerie kay Maine..
"Girl, kailan mo plano sagutin si Alden?" Bulong niya sa kaibigan..
"I don't know, but I think sa acquaintance." Sagot niya. "What do you think?" Tanong pa niya..
"That's a good idea, romantic and sweet most especially cute." Sagot niya na may kilig pa..
Nang makarating sila sa canteen agad silang umupo at ang mga boys na ang bumili ng kanilang pagkain...
"Paano ba iyan mga bro mukhang mananalo ako sa pustahan natin." Nakangiti nitong wika sa dalawa..
"It's okay, basta ba mapasagot mo siya." Wika pa nila...
"Pero usapan within 2 months you need to break up her." Sagot ni Jerald..
"2 months? Pwede bang gawin natin ng 6 months? Para masaya, then after that i will break up her." Sagot ni Alden...
"Sure." Sabay na sabi nila Jerald at Sam...
Pagkatapos nila mag-usap tungkol doon ay bumalik na sila sa mga girls na para bang wala silang pinag-usapan. Tapos ay kumain na sila para maka attend pa sa next subject nila....

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...