sixty eight

544 20 3
                                    

2 weeks ang nilagi nila Maine at Alden sa Boracay. Kung saan sila nag-honeymoon, bumalik sila nang Manila at sa bahay ng mga magulang ni Maine sila tumuloy...

Mendoza & Faulkerson family

"Welcome back!!!Sigaw nilang sabay-sabay sa bagong dating na sina Maine at Alden...

"Salamat po. Na miss ko po kayo." Wika ni Maine sa kaniyang mga magulang at kapatid...

"Meng, Alden kumain muna kayo dito." Alok ni Pia sa dalawa..

"Opo susunod na." Sagot nilang sabay...

Palapit palang sila nang maramdam ni Maine ang pananakit muli ng ulo niya.

"Shit bakit ngayon ka pa umatake."  Bulong niya habang hawak ang kaniyang ulo...

Napansin iyon ni Alden maging ng mga magulang nila...

"Mahal okay ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong sa asawa niya...

"Y-yeah, I'm o-okay." Utal niyang sagot...

"Anak are you sure na okay ka?" Tanong pa ni Pauleen...

Humarap si Maine sa kanila at hindi maipinta ang itsura nito dahil na din sa sakit na nararamdaman niya. Ni hindi na niya nagawang sumagot pa ng ayos kahit tumango ay hindi niya na rin magawa pa. Siguro dahil na din sa sakit na kaniyang nararamdaman.. Kaya binuhat na siya ni Alden para dalhin sa dati nitong silid upang makapagpahinga muna. Pagkalapag niya sa kama agad niya itong tinanong..

"Mahal gusto mo ba dalhin ka namin sa doctor?"

"N-no... I'm o-okay. Magpapahinga lang ako." Sagot niyang nanghihina...

Nang makatulog ito agad lumapit ang pamilya ni Maine maging ang mga kaibigan at pinsan nito..

"Alden tara sa labas mag-usap tayo." Pag-aaya ni Victor sa kaniyang manugang.

"Hayaan mo muna magpahinga ang asawa mo. May importante kaming sasabihin sa iyo at sa palagay namin dapat mo itong malaman." Pahayag pa ni Pauleen...

"Kami na muna magbabantay sa kaniya." Wika pa ng Montenegro twins...

Kaya agad silang lumabas at naiwan nga sina Valeen at Valerie upang bantayan si Charmaine na mahimbing na ang pagtulog...

Sa sala naman

Nang nasa sala na silang lahat maliban sa Montenegro twins at kay Maine ay agad silang nagsimulang mag-usap...

"Alden gusto namin malaman mo ang tunay na lagay nang anak ko at asawa mo." Paunang wika ni Victor..

"Pa, hindi ko po kayo maunawaan eh." Naguguluhan niyang tanong.

"Alden just listen okay. And I hope na unawain mo ang lahat." Singit pa ni Paulo...

Tumango lang siya bilang sagot. Tapos nagsimula nang magsalita si Victor habang ang iba ay nakikinig lang..

"Alden nakausap namin ang dati at kasalukuyang doctor na tumitingin kay Nico Charmaine. Alam ko kilala mo si Doctor Manalo. Tama ba ako?" Wika ni Victor..

"Opo. Sya po ang nag-opera kay Maine noon sa sakit na Brain tumor." Sagot ni Alden..

"Tama ka doon. Pero may bago na siyang doctor ngayon at iyon ang tumitingin sa kalagayan niya ngayon." Wika naman ni Pauleen..

"Bago?" Takang tanong niya.

"Oo, bayaw. Bago na ang Doctor niya." Singit ni Pia sa usapan...

"Sige makinig kang mabuti at ikukuwento ko sa iyo ang lahat ng sinabi nila tungkol sa kalagayan ng asawa mo." Wikang muli ni Victor at nagsimula na siya...

Victor

"One year ago nakipagkita si Charmaine kay Dr. Manalo sa isang exclusive restaurant dahil may gusto raw itong malaman tungkol sa tunay niyang sakit. Tinanong ni Maine kay Dr. Manalo kung babalik pa ba ang dati niyang sakit? Kaya sinagot lang ng doctor ang gusto niyang malaman. Sinabi niya kay Maine na kung lagi mo iniinom ang gamot na binigay ko may tendency na hindi na iyon bumalik. Pero kung hininto mo 100% sure babalik iyon at baka iyon na ang ikamatay mo. Iyon ang sagot niya sa tanong ni Maine. Ang pinagtaka lang niya ay ang bigla nitong pagtahimik na tila may gumugulo raw sa isip nito. Tinanong pa niya kung okay ito. And she answer yes pero nauutal pa siya ng mga oras na iyon. Nakiusap pa ang anak ko sa kaniya na huwag raw ipaalam sa atin na nakipagkita siya sa kaniya. Nagtataka man daw ay sumagot pa din siya ng oo para kahit paano raw ay makampante ito." Mahaba nitong paliwanag

Hindi nakapagsalita si Alden dahil sa sobrang shock nito. Tapos bigla namang nagsalita si Pauleen..

Pauleen

"Alden, si Doctora Hernandez na ang bagong doctor na tumitingin kay Charmaine. Pero bago pa niya maging patient ang asawa mo ay matagal nang kilala ni Dr. Manalo si Doctora Hernandez. Dahil matalik silang magkaibigan. Nabanggit lang niya kay Dr. Manalo na may pasyente siya na dati nitong hawak at si Charmaine nga iyon. Almost a month nang nagpapa-check up sa kaniya si Maine at ayon sa mga result ng lab test niya bumalik ang dati nitong sakit."

"Pero paano po nangyari iyon?" Bigla niyang tanong...

"Alam mo ganiyan din ang tanong nila Barbie noong kausap namin sila." Sabat ni Paulo..

Dahil matagal nang hindi iniinom ni Maine ang mga gamot niya na binibigay ni Dr. Manalo sa kaniya.. Kahit ang mga gamot na nireseta ni Doctora Hernandez ay hindi niya din iniinom. Nagde-depend na lang siya sa kaniyang pain reliever. To be honest Alden wala na silang magagawa pa kay Maine. Dahil una hindi na siya pwede pang operhan pa o kahit idaan pa sa chemotherapy ay hindi na rin pwede. Tanging panalangin na lang at ang mga gamot na binibigay ni Doctora Hernandez ang pag-asa niya pero kahit gamot na galing sa bago niyang doctor ay hindi niya din iniinom. Sabi pa ng doctora sa nakikita niya tanggap na ni Maine ang kaniyang kapalaran. Kaunting oras, at panahon na lang ang ilalagi niya dito sa mundo." Naiiyak na pahayag ni Pauleen...

"Alden 6 months ang binigay na taning ng doctora sa kaniya. Himala na lang kung makakalagpas pa siya sa sakit niya." Sabat ni Louise...

Dahil sa mga nalaman niya iyak lang ang nagawa ni Alden. Gusto niyang magwala. Gusto niyang sigawan ang asawa na ngayon ay natutulog pa. Pero hindi niya magawa. Mahal niya si Maine at lahat nang kaya niya ay ginawa niya for her..

"Alden nauunawaan namin ang nararamdaman mo. Dahil gaya mo nabigla din kami sa nalaman namin. Pero alam mo ngayon niya tayo mas kailangan. Ikaw bilang asawa niya, kaya sana maging matapang ka dahil sa iyo at sa atin siya kukuha ng tapang at lakas ng loob." Wika pa ni Jake habang hawak ang balikat ng kaibigan...

Iyak lang ito ng iyak habang ang kaniyang isipan ay puno ng tanong gaya ng....

"Bakit mo nilihim ang lahat Maine? Bakit kailangan mong sarilinin ang laban na ito? Ano ang dapat kong gawin para manatili ka sa amin? Natatakot ako na mawala ka sa buhay ko."   Iyan ang mga tanong sa utak ni Alden...

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon