sixty four

506 20 7
                                    

Mula ng makausap ni Charmaine si doctor Manalo tungkol sa sakit niya, hindi na siya napalagay pa. Tapos bigla niyang naalala ang garapon na hininge niya noon sa Mama niya. Bago siya operhan, maging ang mga makukulay na papel na binili niya sa national bookstore noon na kasama ang mga kaibigan ay hinanap rin niya..

Sa totoo lang lahat nang alaala niya ay bumalik na at bukod tanging si Alden lang ang nakakaalam niyon. Pero ang hindi alam ni Maine sinabi na ng binata sa pamilya niya ang totoo. Pagkatapos agad niyang inasikaso ang dapat na noon pa niya ginawa. Ang gumawa ng mga dapat niyang gawin habang kasama pa niya ang lahat ng mahal sa buhay..

Mas madalas na din siyang magkulong sa silid niya. Dahil padalas na din ng padalas ang pagsakit ng ulo niya. Hindi na siya sa dating doctor niya nagpapatingin. Dahil ayaw niya malaman nang lahat ang totoo niyang lagay. Natatakot siya na baka magalit ang lahat sa kaniya..

Nagtungo si Pauleen sa silid ni Maine para ayain na itong kumain. Dahil hindi naman naka-lock kaya pumasok na siya nang hindi na kumakatok pa. Pagdating sa loob napansin niya ang dalawang malaking garapon sa study table nito.. Ang isa ay may laman, samatalang ang isa ay walang laman..

"Para saan kaya ang mga garapon na iyon?"   Bulong niya na may pagtataka.

Pero binaliwala niya iyon..

"Maine anak gising na. Kakain na tayo." Gising niya rito sa malabing na tinig..

"Ma, pwede po mamaya na lang? Inaantok pa po kasi ako." Sagot niya na tila may nararamdaman na hindi tama..

Hinipo ni Pauleen ang anak..

"May lagnat ka ha? Anong nangyari?" Nag-aalala nitong tanong..

Pero hindi na ito nagsalita pa. Kung hindi natulog na lang uli. Kaya ginawa ni Pauleen pinunasan ito at pilit na pinalitan ng damit dahil basa ito ng pawis. Saka niya iniwan para makapagpahinga pa. Paglabas niya nakasalubong niya si Paulo..

"Tara anak kain na tayo."  Alok niya sa binata..

Paulo

Paglabas ko sa aking silid. Nakita ko si Mama na kagagaling lang sa silid ni bunso. Pero bago pa ako makapagsalita at inalok na niya ako.

"Tara anak kain na tayo." Alok ni mama sa akin..

Pagdating namin sa hapagkainan tahimik lang kaming kumain. Hanggang sa may nag-doorbell at pagbuksan ng aming katulong...

"Sir, Ma'am andito po mga kaibigan ni Ms. Maine. Saka po ang dalawa ninyong pinsan." Wika ng katulong..

"Sige patuluyin mo sila at magdagdag ka pa ng plato dito para sa kanila." Utos ko sa aming katulong na agad naman sinunod.

Sheena

Napansin ko na dalawa lang silang nakain. Kaya hindi ko napigila ang hindi magtanong.

"Tita si Charm po?"

"Nasa taas may lagnat."

"Pwede po ba namin puntahan?"

"Oo naman."

Kaya nang matapos kami kumain agad din kami nagtungo sa silid ni Charm..

Alden

"Kawawa naman ang mahal ko."  Bulong ko...

Pagdating namin doon nakita namin na magulo ang higaan niya pero wala si Maine doon..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon