eight

688 35 3
                                    

Bago magtungo ang sina Louise sa nasabing detention office ay hinarap muna niya si Alden..

"Hoy! Alden bakit sasama ka sa kanila?" Singhal niya sa binata..

"Wala kang pakealam kung saan ko gustong pumunta at kung sino ang gusto kong samahan." Sagot niyang walang kagana-gana..

"Anong walang pake? Hello? F.Y.I lang po Mr. Faulkerson girlfriend mo ang kaibigan namin." Maarteng sabi ni Kate..

Natawa bigla si Alden na ipagtaka ng lahat..

"Ha ha ha ha. Are you sure na girlfriend ko iyan? At sino nagsabi sa iyo? Siya ba?" Natatawang sabi nito..

"Bro tama na iyan." Awat ni Sam..

Pero sila Valeen at ang iba pa ay tahimik lang na nakikinig..

"Bro hayaan mo akong sabihin sa kanila ang totoo." Sagot niya sa kaibigan.

Kaya iiling-iling siyang binitawan ni Sam..

"Para sabihin ko sa iyo Ms. Kate Ramos hindi ko girlfriend iyang kaibigan ninyo." Pagdidiin niya.." At kahit kailan hindi ko iyan niligawan.. Tama ba Louise?" Bigla niyang tanong sa dalaga na ikapula nito dahil sa hiya..

"Pero lagi kayong sabay pumasok at umuwi. I thought kayo na dahil iyon ang alam ng lahat." Sabat naman ni China.

Pero tahimik lang si Louise.. Habang ang lahat ay gulat sa sinabi ni Alden..

"Alam mo China ayoko sana mapahiya iyang kaibigan ninyo dahil hindi ko naman ugali iyon. Kaso napupuno na ako diyan." Galit niyang sabi.. "And about sa tanong mo kaya kami sabay dahil kapitbahay ko siya at pinakikiusap lang ng kaniyang ama na isabay siya papasok at pauwi. Am I right Ms. Delos Reyes?" Sarcastic niya pang sabi..

Dahil sa sobrang kahihiyan umalis na lang si Louise at iniwan ang dalawa niyang kaibigan. Pagkaalis ng dalaga agad lumapit si Jerald sa kaibigan tapos tinapik niya ito sa balikat sabay sabi na...

"Bro ang hard mo naman, pinahiya mo eh." Nakangiting wika nito..

"Alam mo dapat lang iyon para alam nila na wala talaga kaming relasyon ni Louise." Sagot niya... "Oh! Ano tara na." Aya pa niya..

Kaya agad silang kumilos, dalawang sasakyan ang gamit nila dahil dala ng magpipinsang Tumulac, Forteza at Lopez ang kanilang van kaya doon na din nila pinasakay ang kambal.. Samantala sa may sasakyan naman ni Alden nakasakay ang mga boys..

"Grabe hindi pala gf ni Alden ang bruha na iyon." Bigla wika ni Sanya..

"Oo nga! Napaka feeling kasi." Inis nasabi ni Barbie..

"Hindi naman kasi sila bagay eh." Dugtong pa ni Patricia..

"Ay! Sis akala ko tulog ka? Gising ka pala?" Pagbibiro ni Barbie sa pinsan niya..

"Ay! Hindi. Display ako dito." Pamimilosopo nito..

Sasagot pa dapat si Barbie ng biglang magsalita si Valeen..

"Mas bagay sila ni Maine." Sabat ni Valeen..

"Speaking of Maine, may napapansin ba kayo sa kaniya?" Tanong ni Valerie habang nagda-drive..

"What do you mean my twin sis?" Tanong ng kambal niya..

"Kasi parang maputla siya." Sagot niya na hindi sigurado..

"Hay! Baka naman anemic lang siya girl, and beside hindi naman palakwento ang isang iyon eh." Paliwanag ni Sanya.

Kaya naman tumahimik na lang sila buong biyahe patungo sa bahay nila Maine..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon