Kinabukasan;
Ayos na si Maine, pwede na itong umuwi sa kanila. Masaya sila sa balitang iyon. Nagpasalamat pa sila sa doctor bago nila hinarap ang dalaga..
"Anak did you hear that? Pwede kanang umuwi sa atin at doon kana magpagaling ng husto." Sabi ng mama niyang tuwang-tuwa...
Ngumiti lang si Maine ng pilit..
"Bunso hindi ka ba masaya o excited man lang dahil uuwi na tayo?" Tanong naman ng kaniyang ate na busy sa pagbabalat ng ponkan para sa kapatid..
Umiling si Maine bilang sagot sa tanong ng ate niya na may kasama pang ngiting pilit..
"Why?" Tanong niya sa kapatid.
Kaya lang hindi siya nito sinagot bagkus nilagyan pa niya ng headset ang kaniyang tenga at nakinig sa kaniyang playlist sa cellphone na regalo sa kaniya ni Paulo noong 16th birthday niya. Nang makita iyon ni Pia napailing na lang siya, hindi niya magawang magalit dahil alam niya ang ugali ng kapatid..
"Ma na ayos ko na po ang discharge paper ni bunso." Wika ni Paulo na kakapasok lang galing sa labas. "Mamaya uuwi na po tayo." Tugon pa niya..
"Buti naman, salamat anak." Wika nito sa anak na nakangiti.. "Hmm Paulo pwede ka bang makausap?" Tanong ni Pauleen..
"Opo naman, tungkol po ba saan?" Tanong niya..
"Kasi anak gusto ng Papa mo maging ng Lolo at Lola mo na sa kanila na tayo titira." Alangan niyang pagpapaalam...
"Ma alam mo po ang sagot diyan at ayoko. Hindi porket tinanggap namin sila ay okay na lahat. Ma hindi po ganoon kadali iyon." Mahaba niyang paliwanag..
"Pero para naman ito kay Maine." Wika pa nito..
"Ma, para nga po ba kay Maine o para po sa inyo?" Biglang sabat ni Pia..
Hindi nakasagot si Pauleen..
"Alam po namin na mahal mo pa po si Papa. Pero Ma hindi pa kami handa na makasama siyang muli. Beside kapag lumipat po tayo doon paano ang karendirya ninyo? Ang bahay na tinitirhan natin. Paano po iyon?" Mga tanong ni Pia..
"Tama siya Ma. Pag-isipan po muna natin saka gusto po namin kay bunso mangggaling ang sagot na pagpayag na lumipat." Dugtong pa ni Paulo...
"Sige kung iyan ang pasya ninyo." Sagot niya..
"Salamat po Ma." Wika nilang dalawa sabay yakap sa ina..
Kinahapunan nakauwi na sila sa bahay, tulad ng usapan nila hindi muna sila lilipat sa bahay ng ama.. Pagdating sa bahay nila deretso lang si Maine sa kaniyang silid bitbit ang ilang gamit niya. Hindi na siya napigilan ni Paulo dahil hindi rin naman sila nito pinapansin, kung magsalita pa napakatipid..
"Ma pupunta po ako saglit sa karendirya." Pagpapaalam ni Pia..
"Bakit?" Tanong niya..
"Ma hindi po ba ngayon po tayo magbabayad ng upa doon? Saka para malinis na din po, para kung magbubukas po kayo eh malinis na." Paliwanag niya..
"Sige mag-iingat ka." Sagot niya..
Victor and his parents;
Habang kumakain sila nang tahimik biglang nagsalita si Don Joey na ama ni Victor..
"Anak kamusta na raw ang bunso mo?" Tanong nito sa anak na busy sa pagkain.
"Okay na raw po, nakalabas na din po ng hospital." Sagot niyang hindi nakatingin..
"Anak akala ko ba, dito muna titira ang mag-iina mo?" Tanong pa ni Doña Consuelo..
"Pasensya na po, kaya lang gusto po muna ni Pauleen makausap ang mga anak namin. Lalo-lalo na po si Charmaine." Paliwanag niya. "Hmm, tapos na po ako. Aakyat na ako at maaga pa po akong aalis bukas." Wika pa nito bago umakyat sa taas..
Nang nasa silid na si Victor nag-usap naman sina Joey at Consuelo..
"Joe, sa tingin mo ba napatawad na tayo ng ating anak?" Tanong niyang may halong pag-aalala..
"Hindi ko masasagot iyan, pero sa tingin ko kahit paano ay napatawad na niya tayo." Sagot niya sa tanong ng asawa niya. "Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?" Balik tanong niya..
"I think hindi pa ganoon ang lubos niyang pagpapatawad niya sa atin. Pero I hope na one day bumalik ang dating Victor na kilala ko." Pahayag pa niya..
"Darating din iyon, pero sa ngayon isipin muna natin kung paano mapipilit ang mag-iina ni Victor na lumipat dito." Sagot ni Don Joey..
"Kung sabagay tama ka." Pagsang-ayon nya.
"Tara na nga at magpahinga na tayo at bukas subukan natin na sumama kay Victor para makita ang ating mga apo." Wika ni Doña Consuelo na tila ba antok na antok na...
Jake&Louise
Samantala sa isang sikat na bar matatagpuan sina Louise at Jake na may lihim na plano para sa dalagang si Maine at sa mga kaibigan nito..
"Hoy! Jake ano ba? Akala ko ba may plano ka na sa babaeng si Nico Charmaine?" Galit nitong tanong...
"Relax ka lang pwede." Wika ni Jake na nakangiti pa..
"Sa ngiti mong iyan halatang may plano kana." Pahayag ni Louise na mahinahon na keysa kanina. "So? Ano nga?" Pangungulit pa nito sa binata..
"Just wait and see." Nakangisi nitong sabi. "Sa camping natin gagawin ang plano. At makakaganti ka na din sa kanila." Naka-smirk pa nitong wika. "Pero ano bang balak mo sa mga traydor mong kaibigan na sina Kate at China?" Tanong niya habang nainom ng beer.
Nasa bar kasi sila ngayon dahil weekend naman ngayon kaya nag-relax muna sila.
"Don't mind them ako na bahala sa mga traydor na iyon." Sabay lagok ng margarita.
"Okay sabi mo eh." Wika ng binata...
"Cheer!!" Sabay nilang sabi habang nakataas ang kanilang mga baso...
Hindi nila alam na may lihim pa lang nagsusubaybay sa kanila, walang iba kung hindi ang mga baguhang kaibigan nila Maine na sina Kate at China...
Kate&China
Nakita namin ni Kate sina Jake at Louise na magkasama kaya sinundan namin ng sila ng pilihim...
"China tama ba itong ginagawa natin?" Tanong ni Kate sa akin..
"Oo." Tipid kong sagot. "Kung ito lang ang paraan para magtiwala ang mga kaibigan ni Nico sa atin ay gagawin ko." Paliwanag ko pa sa kaniya..
"Sige. Pero sana hindi tayo mahuli." Bulong pa niya...
"Trust me." Sagot ko para makampante na siya.
Kaya naman tahimik na kaming umupo malapit sa pwesto nila Louise para pakinggan ang lahat ng balak nila. Sa totoo lang gaya ni Kate natatakot din ako, pero tulad nga ng sinabi ko ito lang ang way para magtiwala sila Nico sa amin. And I am not surprise kung pati kami pagtangkaan nila. Dahil alam namin kung gaano kagusto ni Louise si Alden at lahat gagawin niya for him mahalin lang siya nito. Napansin ko bukas ang pen recorder ni Kate at mukhang nire-record niya ang lahat ng usapan nila Jake at Louise. Talino niya talaga. After namin makinig lihim na kaming umalis para hindi na kami mapansin pa ng mga baliw. Hahahaha..
"Si Louise kasi baliw kay Alden pero hindi naman siya gusto. Si Jake naman ganoon din baliw kay Nico pero ayaw din sa kaniya. Parehong baliw bakit hindi na lang sila magsama tutal bagay sila." Wika ko sa aking sarili habang nagmamaneho pauwi,si Kate ayon tulog marami-rami din kasi ang nainom...
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanficTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...